CHAPTER 4

10 0 0
                                    

10 pm --

Matutulog na sana ako, tutal tapos ko naman nabuksan ang mga accounts ko ng may tumawag sa phone ko.

(Kaiser Levi calling...)

"Bakit?" simula ko. hindi uso hello tsss.

" I have a good day" masaya niyang sabe.

So kailangan ipagmayabang? Siguro nga kaya ganito open sa akin si Levi kasi ako lang at si Ellery ang kaibigan niyang babae na nakikinig sa bawat kwento ng buhay niya. Sa sobrang close namen eh halos nagmumurahan na kami.

Kaya kapag magkausap kami sa phone, lahat nakukwento na namin sa isa't isa kahit lovelife pa.

"So what happened?" kalmado kong tanong

"I think I saw you, kanina sa KFC habang kumakain kami"  kinabahan ako sa sinabi niya pero stable lang.

"Hindi ako yun." deny ko.

"Siguro nga hindi ikaw yun. Maganda yun eh HAHAHA" pang aasar niya.

"Kung maganda yun siguro ako yon" mataray kong sabe.

Nagkwento pa siya at nakikinig lang ako kahit alam ko naman ang nangyare.

Naiinis ako at nasasaktan kapag lovelife niya ang topic. Kasi iba gusto niya eh.

5 years na kaming close 2 years na akong Friend zone.

At ako ang dakilang magaling magtago ng nararamdaman.

Kesa naman sa mawala siya edi friend nalang.

Matagal pa kaming nagkwentuhan. He never failed to make me laugh by his jokes, by his way talking to me. It feels like I'm valuable though as friends. Even he can't give what I wanted --- his love

~Friday

*dingdong*

Pinagbuksan ako ng kapatid ni Levi na si Kuya Larry. Pinapasok niya ako sa loob.

"Kuya si Levi po?" tanong ko.

"Nasa kwarto, tulog pa. Ang aga mo ata Prim?" nagtatakang tanong ni Kuya.

"Nangiistorbo lang po" nakangiti kong sagot

"Sige na akyatin mo na. Wag niyo lang tagalan baka iba na yan" pang-aasar ni Kuya.

Dumiretso ako sa kwarto ni Levi. walang katok katok. May plano kasi ako ang manggulo talaga at umepal

Ang sabi kasi ni Levi ngayon niya haharanahin si Alexis. Gagawin na niya yung panghaharana na itinuro ko sa kanya.

Magkikita sila tapos pupunta dito sa bahay nila Levi.

Tapos bonding, kain, at kanta. Tapos tatanungin na niyang "Will you be my girlfriend?"

Tss ang corny diba? Kaya I'm gonna be the villain yan ang plano kaya maaga din ako ngayon.

Umupo ako sa kama ni Levi at saka siya pinag-uuga.

"Hoy Levi gumising ka na alasdose na!!!" sigaw ko

"Hmmmm" aba loko to.

Pinilit ko siyang gisingin pero ayaw niyang bumangon.

Pinatay ko yung aircon at electric fan niya at binuksan ang kurtina ng kwarto.

"Ayan! GOODMORNING LEVI" sigaw ko sa tenga niya.

"Eeehh. ANG INIT" sigaw niya pero hindi pa rin bumangon.

Hinatak ko ang kumot niya at hinagis ko sa lapag.

"HAHA. Ewan ko lang kung hindi ka lamukin"

pero pagbalik ko ng tingin sa kanya.

OMG O.O

Almost naked body. Just with boxers.

Bakit ba ganito matulog ang mga lalaki? -_____-

*speechless*

Natulala lang ako dun. Kaya hindi ko namalayang bumangon na pala si Levi.

So hot in here. really!

"Alas otso pa lang Prim sabi mo alas dose na. Mali ata orasan mo"

"Ehh.. Ss-sinabi ko lang yun." sagot ko ng nauutal at hindi nakatingin sa kanya.

I heard him giggled. Napalingon ako, pumasok siya ng banyo.

umupo nalang ako sa kama niya. Kahiyaaa! ><

Ilang minuto ang lumipas lumabas siyang maayos na at nakadamit.

"Bakit ka ba nandito" tanong niya

"Nanggugulo"

"Wala ka bang ibang gagawin?"

"Meron! Gala tayo dude samahan mo ko" masaya kong sabe.

"Kumain ka na ba? Gala agad iniisip mo"

Ow men he asked me. HAHA landi

"Hindi pa. Kaya nga ako nandito eh" then I smile

Bumaba kami para kumain ng almusal. Nagrequest akong itimpla ako ng gatas ni Levi. Paraan ng paglalambing ko ^____^

"May kamay ka. Magtimpla ka magisa mo" pang aasar niyang sagot.

"Sundin mo na Levs. Bwisita eh HAHA" sabi ni Kuya Larry na nanunuod ng TV.

binigyan ko siya ng sundin-mo-daw-ako look sabay belat at ngumit ng pang asar.

Ngumuti din siya at tinimpla ako ng gatas.

"Collage na gatas pa din?" sabi ni Levi

"Bat ba?" sabay irap ko.

Napangiti nalang ako dahil pinagsilbihan niya ako sa pagkain.

"Ano nginingiti mo jan?" tanong ni Levi

"Wala sabi ko diba gala tayo."

"Hindi pwede Prim. Magkikita kami ni Lexi"

Napasimangot ako sa sinabi niya. Umeepal na nga ako Alexis pa rin.

HELLO BEST FRIEND HERE!!!!

Pero ano nga bang laban ko sa babaeng mahal nito?

"Dito lang naman kayo diba? Edi dito nalang din ako. Wala si Mama e nasa work, wala akong kasama." ngumiti ako ng malungkot

"Sige basta magluluto ka ha?"

At ayan na nga ang plano. Si kuya Larry naman pumasok na sa work.

Sa mall kasi yun eh. Opening ang shift niya kaya umalis na siya.

Sabi naman ni Levi dito daw maglalunch si Alexis kaya 10 AM sinundo na niya si Alexis.

Magstart ba rin akong magluto ng Creamy chopsuey.

Yung naiwan ako sa bahay nila Levi magisa. Tapos ipagluluto ko ang babaeng mahal ng lalakeng mahal ko?

Eh kung lagyan ko ng ano to diba? Edi wala ng epal sa mundo? -___-

Wala namang ibang kasama eh. Parents ni Levi separated same with mine. Kuya niya lang ang kasama niya at suportado naman sila ng mother niyang nasa abroad.

Si Mama lang din ang kasama ko. Pero palagi siyang nasa office. May support din naman ako sa tatay ko at ramp model din ako, kaya kumikita din ako.

Kaya kami ni Levi. Hindi naman mayaman hindi rin mahirap.

STILL YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon