"Maaa! San mo nilagay yung palda ko!?" sigaw ko habang inis na nag hahalungkat sa aparador ko. "Tingnan mo lang diyan nak" rinig kong sabi ng nanay ko na nasa sala. Nang diko talaga mahanap lumabas nako at inis na tinanong ang nanay ko. "Ma! San mo ba kasi nilagay! Kanina pako hanap ng hanap ny*ta!" sigaw ko habang siya ay busy sa pag aayos ng mga babaunin kong pagkain. "Anak tingnan mo sa labas baka naka sampay pa don" sabi niya na nakatingin sa pag baonan na nilalagay niya sa maliit na bag at sumulyap sakin. "Ano bayan ma! Kung nasa labas pa! Edi hindi na naman na plantsa! Gusot-gusot na naman!" sabi ko habang nag dadabog papalabas. "Sorry nak diko na naharap napagod kasi ako kahapon eh madaming labahin kaya nakatulog ako agad kagabi" sabi niya pabalik sakin. "Buwiset!" sabi kong pabulong na alam kong narinig niya.
"Ma anong ulam natin? Nagugutom nako!" tanong ko na medyo naiinis. "Ay nak! Sorry! Galing kasi ako sa mga kapitbahay natin nag tinda ng mga gulay kaya di na ako nakapag luto" sabi niya na mas lalong kinainis ko "NAHARAP MONG MAGTINDA!? PERO DI MO NAHARAP MAKAPAG LUTO!? NY*MAS NAMAN!" sigaw ko sabay alis sa harapan niya "Anak bibili na lang ako ng lutong ulam kila Aling Nena. Ano bang gusto mo?" sabi niya sakin habang sumusunod "WALA! NAWALAN NAKO NG GANA! IKAW NA LANG ANG KUMAIN KUNG GUSTO MO!" sabi ko na pumasok na sa kwarto at padabog na sinara ang pintuan.
"Ma nasan yung pantalon ko?" tanong ko sakanya. "Anak paki hanap na lang masakit ulo ko ngayon eh, dikita matutulungan sa pag hahanap" sabi niya at tinuloy yung ginagawa niyang pag walis sa bakuran namin. "Hotek naman!" sabi ko sabay alis sa harapan niya.
Nag daan ang mga araw at nag tuloy tuloy ang masamang pakiramdam ng aking ina. Di niya sinabi sa akin na may malubha na pala siyang sakit. Di niya binanggit sa akin na may nararamdaman na pala siyang iba, dahil ang sabi niya ayaw niya na mag alala ako sakaniya. Ang araw ay naging linggo, ang linggo ay naging buwan, at sa mga nagdaang ilang buwan na yan, ang nanay ko ay sa hospital na nanirahan, dahil sa sakit na kanyang nararamdaman.
At dumating ang araw na kinakatakutan ko at iyon ang kanyang kamatayan. Dahil kahit na bastos ako, mahal ko parin ang nanay ko, at nag sisisi ako sa lahat ng ginawa ko nong mga araw na pinag sasalitaan ko siya ng masasakit na salita at binabalewala niya lang yon.
"Ilang beses ko na ba siya nasabihan ng masasakit na salita? Pero kahit isang I love you diko man lang nasabi sakanya" sabi ko sa sarili ko habang naka tingin sa litrato ng nanay ko. "Hindi ko man lang nasabi sakaniya yung mga katagang yon. Di man lang ako nakapag pasalamat sa mga sakripisyo na ginawa niya para sa akin. Di man lang ako naka pag pasalamat sa lahat ng binigay niya sakin. Di man lang ako naka hingi ng tawad bago siya nawala sakin." sabi ko habang nagkukulong dito sa kwarto ng nanay ko at yakap yakap ang kanyang larawan habang patuloy na umiiyak at nakatitig sa kawalan.
"Ma SORRY PO!" banggit ko na alam kong huli na ang lahat, dahil wala na siya sa tabi ko at hindi na niya maririnig pa ito.