Panibagong araw, panibagong pag subok na naman.
Gumising ako ng maaga dahil papasok pako sa trabaho ko. At baka malate na naman ako. Ayoko ng mapagalitan pa ng boss ko. Grabe pa naman kung magalit yon, parang walang bukas.
Nang makapag ayos nako, ay agad nakong bumaba at dumeretso sa kusina para kumain, dahil nakapag handa na si Nanang Elena ng mga pagkain tulad na lang ng hotdog at bread.
"Good Morning Nanang" bati ko ng maka upo ako at ngumiti sakanya ng pag katamis-tamis.
"Good Morning din iha" bati niya pabalik ng nakangiti din.
"Sabay na po tayong kumain Nanang" aya ko sakanya
"Nako! Wag na, mamaya nako pag katapos mo. Bilisan mo dyan at baka mahuli ka sa trabaho mo." sabi niya at tumalikod na.
Nang diko na siya makita, ay kumain na ako ng tuluyan.
Nang makalipas ng ilang minuto ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. At ng kunin ko to ay laking gulat ko na andami na palang mensahe ng boss ko. Nag tatanong kung asan na daw ba ako.
Kaya dali-dali akong tumayo at kinuha na ang mga gamit ko. Nang makalabas ay aligaga kong hinanap ang susi ng sasakyan ko. At ng makita ko ito ay agad ko ng binuksan ang pintuan ng kotse ko at sumakay na.
Habang nag mamaneho ako ay napasulyap ako sa isang tindera ng mga bulaklak. May nakita akong bulaklak na paborito ng nanay ko.
Kaya di ako nag alinlangan na uparada ang aking sasakyan at bumaba para bumili ng bulaklak. Naisipan kong dumalaw mamaya sa puntod niya, dahil itong araw na ito ay kaarawan ko at balak kong doon mag tungo mamaya at bumili ng mga paborito naming pag kain.
Ng makabili ako ay sumakay na agad ako at nag maneho patungong opisina, dahil baka mabulyawan na naman ako ng boss kong ubod ng sungit.
Pag kadating ko ay nagulat ako dahil walang katao tao. Sumakay ako sa elevator at nag tungo na sa opisina ng boss ko para ibigay tong mga papel na kailangan niya.
Ng buksan ko ang pintuan ng opisina niya ay walang kailaw ilaw kaya hinanap ko ang switch. Nang mahanap ko ito ay agad kong pinindot.
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!"
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!"
"HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU!"
Kumakantang bati ng mga ka opisina ko. Kaya nabitawan ko ang mga papel na hawak ko dahil sa gulat. Diko akalain na maluluha ako dahil sa simpleng bagay lang na ito. Matagal na, matagal na bago ako ulit naka tanggap ng pag bati ng ganito sa mismong kaarawan ko.
Ilang taon naba? 7 years? 8?
Ngumiti na lang ako sakanila at nag punas ng luha na dumaloy sa aking mukha. Pinulot ko ang aking mga nahulog at agad na nag lakad at ibinaba ito sa mesa na malapit sa akin.
"Thank you sainyo" sambit ko at tumingin sa boss ko na ngayon ay naka ngiti.
Lumapit ako sakaniya at ngumiti ng pag katamis tamis.
"Thank you sir" mahinang sabi ko at nag iwas ng tingin. Nagulat ako ng ginulo niya ang buhok ko kaya agad akong nag taas ng tingin sakaniya.
"Welcome" sabi niya at tinalikuran na ako.
