Pagbisita

98 12 0
                                    

Lumapit ako sa mga ka opisina ko at nag pasalamat sakanila. May mga pagkain nading naka-handa kaya yung iba ay nag sisikuhanan na ng pag kain.

Lumapit ako sa mga naka upo na kumakain na at nag pasalamat sakanila.

"Thank you guys!" Masaya kong sabi sakanila.

"Nako sis! Wag kami ang pasalamatan mo. Yung boss natin ang pasalamatan mo kasi nakiusap siya saamin na gawin to." Sabi ni Kristelle at nag patuloy ng makipag usap sa katabi.

Tumalikod ako sakanila at nag hinanap ang taong may gawa nito. Luminga linga ako ngunit wala akong makita sa kahit saang sulok ng kwartong ito.

Kaya naman lumabas ako at laking gulat ko na nakatayo siya sa gilid. Nang sumulyap siya ay ngumiti ito saakin. Naiilang akong ngumiti pabalik at umiwas.

"Uhm sir, thank you po dito sa pahanda niyong ginawa" ani ko na nakayuko.

Narinig kong tumikhim siya kaya nag angat ako ng tingin sakaniya. Pero dapat diko na ginawa dahil mag kalapit na pala ang aming mukha.

Napaatras ako ng wala sa oras kaya muntik akong natumba pero sadyang mabilis siya kaya nasalo niya din ako agad.

"Be careful Janine" sabi niya kaya natulala ako.

Nang matauhan ako ay lumayo ako sakaniya at inayos ang suot ko.

"Sorry sir" sabi ko. Nang tatalikod na sana ako ay hinila niya ako pabalik at laking gulat ko ng niyakap niya ako.

"Stop saying thank you, ako dapat ang mag pasalamat kasi ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo kahit na madalas kitang pinapagalitan." Sabi niya na nag patigil ng hininga ko.

Nang bumitaw siya ay nakayuko lang ako. Pero nakahawak siya sa mag kabilang balikat ko.

"Kulang pa ito Janine. Kulang pa itong pahanda ko para sayo dahil madami ka ng sakripisyo na nagawa sa opisinang ito." Ani niya at binitawan ako.

Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko na siyang papalayo saakin. At nang tuluyan ko na siyang di makita ay doon lang ako nakahinga ng maayos.

Lumipas ang oras at natapos na sila sa mga kinakain kaya pinag patuloy na namin ang mga daoat naming gawin.

Ayos ng papel dito, ayos doon. Ganon lang ang ginawa ko mag hapon hanggang sa magdilim na at uwian na namin.

Kaya ng maayos ko lahat ng papel sa mesa ko ay agad ko ng kinuha ang gamit ko at nag tungo na ng parking lot.

Nag maneho ako papunta sa lugar kung saan nandon ang taong mahal ko.

Bumaba ako habang dala ang bulaklak na paborito niya at ang mga pagkain na pinabili ko kanina sa guard sa opisina.

Nang makarating ako sa mismong puntod niya ay agad kong inayos ang mga dala ko at nag sindi ng dalawang kandila.

"Hi mom" bati ko ng nakangiti.

"Pang pito or walo ko na itong kaarawan na wala ka dito sa tabi ko mommy" sabi ko na nakatingin sa taas.

"I miss you so much mom" ani ko at pumikit. Ramdam kong may tumulo na naman na likido sa aking mukha kaya pinahid ko ito agad.

"Ilang taon na mom ng mawala ka pero ang sakit padin, hindi padin ako sanay."

"Ilang taon na pero andito padin yung pag sisisi ko sa mga nagawa ko sayo."

"Mommy sorry for everything, I love you and I miss you so much." Ani ko at umiyak.

Lumipas ang ilang minuto ay tumahan din ako.

Nag ayos nako at nag paalam na sakaniya dahil maaga ako ulit bukas.

"Mom alis nako ah sorry kasi umiyak na naman ako hehe, miss napo kita ng sobra sana masaya ka sa kung saan kaman ngayon, gabayan mo ako palagi mom. I love you" sabi ko at nag tungo na ng sasakyan.

Nag maneho ako pauwi at pinakawalan na ang mga sakit na nararamdaman ko.

Ito ang regalo ko para sa sarili ko. Ang pakawalan sa mga lungkot na nararamdaman ko. Ito na  ang oras para kalimutan ang lahat ng pait na ng yari sa buhay ko. Ito na ang oras para kalimutan ang mga nagawa kong pag kakamali, dahil alam kong diko naman na maibabbalik ang dati.

Ang dapat ko nalang gawin ay ang tanggapin ang katotohana na wala na talaga siya pero nandto padin siya sa puso at isip ko pero ito na lang ay munting ala-ala.

Sorry PoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon