Present:
Diko akalain na sa muling pag pasok ko sa kwartong ito ay muli ko na namang maaalala ang nakaraan ko na kasama ko pa ang isa sa babaeng pinaka importante sa buhay ko, ang nanay ko.
Diko maiwasan na mapangiti ng mapait, dahil diko maitatanggi na nangungulila ako sa mga yakap at halik niya, diko maitatanggi na nangungulila ako sa pag tawag tawag niya sa pangalan ko, at diko maitatanggi na nangungulila ako ng sobra sa nanay kong namayapa na.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga naiisip at nararamdaman ko. Dahil alam ko namang ayaw niyang nag kakaganito ako, ayaw niyang nalulungkot ako, ayaw niyang nakasimangot ako, dapat laging nakangiti. Kaya kahit anong bigat ng nararamdaman ko, kahit gaano man kalungkot ang nasa dibdib ko patuloy padin akong nag papatuloy sa buhay ko, dahil iyon ang gusto ng nanay ko.
Gusto lagi ng nanay ko na maging matapang ako, gusto lagi ng nanay ko na nakangiti ako kahit mabigat na ang problemang dinadala ko. Lagi kasi niyang pinapaalala na dapat lagi akong nakangiti para diko isipin yung mga problemang dumadating sa buhay ko. Kasi may solusyon naman daw lahat.
Napabuntong hininga na lang ako ng naka labas nako sa kwarto niya at diko namalayan na may luha na palang pumatak sa pisngi ko kaya napangiti na naman ako ng mapait dahil miss ko na talaga ang nanay ko.
After how many years diko padin pala makakalimutan yung mga bagay na sobrang nag down sakin. Ilang taon nadin pala nong nawala siya sa tabi ko. Pero ito ako at nag hahanap padin ng presensya niya, nag hahanap padin ng katulad niya, pero alam ko namang wala siyang katulad, dahil siya yung tipong nanay na titiisin lahat ng kakulitan ko, titiisin lahat ng kabastusan na nagagawa ko, at lalong titiisin niya lahat ng pinag gagawa ko kahit sobrang ikakasakit niya pa ito.
Ngayong mag isa na lang ako kailangan kong mas lalong maging malakas, kailangan kong mas maging matapang, at kailangan kong mas mapanuri sa mga bagay bagay.
Kasi wala na yung taong nag bibigay sakin ng lakas, wala na yung taong nag papaalala sakin kung ano ba ang dapat gawin, wala na yung taong nag papaalala sakin kung paano ba dapat maging matapang.
Pero yung mga payo niya sakin, laging nakatatak sa isipan at puso ko. Kaya kahit papaano natututunan ko padin lagpasan ang mga bagay na nag papahirap sakin tulad na lang ng problema na kinakaharap ko araw-araw.