Sab's POV
Sa totoo lang nagulat talaga ako nung sinabi sa akin ni Ace na magpapaalam siya sa pamilya ni Zoe na manliligaw siya, kasama sa secret requirement ni Zoe yun.
Sino ba talaga si Ace? totoo ba ang laha ng ito? sana naman hindi sya kagaya nung ex ni Zoe.
"Uy! Sab tara na!" sabi ni Zoe.
"Sige Zoe, tara na" sagot ko naman.
nga pala, sino aya yung nasa panaginip ni Zoe? hmm?
"Teka Zoe, sino nga pala ulit yung nasa panaginip mo?" tanong ko sa kanya, at bigla naman nag iba expression nya, mukhang nagulat sya nanlaki kasi mata nya.
"uy Sab iihi muna ako, sumunod ka na lang sa Cr tatakbo na ako byeee" sabi ni Zoe at tumakbo na, anong nangyare dun? ihing ihi na ba talaga sya, para namang tatakbuhan siya ng kubeta e.
Ace's POV
This is the moment. Sa oras naa pindutin ko ang doorbell na eto ay ang hudyat na sinisimulan ko na ang panliligaw ko kay des.3..
2..
"Ah!"
"ay naku kuya pasensya po natamaan pala po kayo" sabi nang batang babae. nag bukas ng gate.Hindi naman talaga ako nasaktan nagulat lang talaga ako.Nginitian ko na lang yung bata at tumakbo na ito
3...
2...
Tingin sa kaliwa,kanan,likod at harap.
"Wah!" grabe! laking gulat sa babaeng nasa harap ko, yaya yata nila bukas na agad ang gate pagkaharap ko.
"Toy, anong kailangan mo?" Tanon nya.
"ah g-gusto ko lang po sana makausap ang nanay at tatay ni Maria Zoe-Dez Davis" sabi ko sabay kamot sa ulo ko, medyo nahiya naman siguro ako.
"ah ganun ba, sige sunod ka lang sa akin may itatapon lang ako" baka ako ang itatapon nun?
"s-sige po" sabi ko at itinapon nga nya...yung mga basura.
at nandito na nga kami sa loob, kinakabahan ako para tuloy ang bakla ko tignan. -.- paano kung patayin ako ng tatay ni Des? o iprito ng nanay nya? nakuuuuu.
"Hi Hijo" muntik na akong mapatalon nang may bumati sa akin, sya siguro ang nanay ni Des? may pinagmanahan pala siya ng kagandahan.
"he-hello po" bati ko habang nakangiti sa nanay ni Des at tinatago ko ang kaba ko.
"anong kelangan mo hijo? By the way, ako nga pala ang mommy ni Des you can call me tita mercy" sabi nya habang naakangiti, ngiting Des rin.
"Ako nga po pala si Ace" pakilala ko naman sa sarili ko.
"Gusto ko lang po sanang mag pa---" naputol ang sasabihin ko nan biglang may bumaba na tatlong lalaki. medyo matanda na yung isa at yung dalawa naman mukhang magkasing tanda lang, isa siguro dyan ang tatay ni Des.
"Mom, sino sya?" tanong nung pangalawa, kapatid pala siya ni Des.
"Ahh..ehhh siya nga pala si Ace yung.."
"Classmate nga po pala ako ni Des" pakilala ko sa sarili ko, grabe konting konti na lang tutulo na pawis ko sa sobrang kaba.
"ahh okay hijo maupo ka muna" sabi ng tatay ni Des, siguro. patay mahohotseat na. pero eto na sisimulan ko na,
"Gusto ko nga po pala mag paalam sa inyo"
"saan hijo?" tanong ni tita mercy.
"sa---" naputol na naman ang sasabihin ko nang biglang sumingit yung kapatid ni Des na babae.
BINABASA MO ANG
Boy Of My Dreams
RandomAng iniintay mo dumating na kaso medyo nagkakagusto ka na sa taong nasa panaginip mo . . Anong gagawin mo? Sinong pipiliin mo ang TAONG MINAHAL MO o ang TAONG MAMAHALIN MO PA LANG?