Pauwi na ako ngayon si Sab lang kasabay ko, si Jec may basketball, si Ace naman may sundo.
"Ui Sab, ang tawag sa akin ni Ace ay Des" sabi ko.
"eh talagaa?? diba ang sabi mo pag may tumawag sayo ng Des may pag-asa kasi isa yun sa mga requirements mo" sabi ni Sab,dati kasi eto yung mga secret requirements ko para malaman ko na sya na yung the one:
1) Des ang tawag sa akin.
2) Pag manliligaw dapat sa magulang ko ang una nyang tatanungin kung pwede manligaw.
3) Makahalata ng brown eyes ko.
4) Pinakaimportante sa lahat dapat boto ang magulang ko sa kanya.
pero kinalimutan ko na lahat ng yan. "ala diba dati pa yan" sagot ko sa sinabi nya.
"kahit na Zoe pwede pa rin yan kasi transferee sya, sya mismo ang tumawag sayo nang Des wala syang kaalam alam a requirements na yan" sabi ni Sab.
"bahala na, hanggng ngayon kasi takot parin ako eh! pero maiba ko nga,tanda mo pa ba yung sa panaginip? nakita ko sya sa personal"
"Eh? talaga? sino? ommeegeee destiny talaga kayo" kilig na sabi nya sa akin.
"baliw! sa panaginip nga eh tapos magiging destiny agad-agad? san ang punta namin sa dreamland? ganunn?" sagot ko. ano ba yan mukhang nagsisimula na naman akong maniwala sa ganyan. teka, hindi pwede, hindi naman talaga totoo yan eh yang mga destiny at true love ayoko ng maniwala sa ganyan. Minsan na akong naniwala dyan kaya nga meron akong secret requirements to be my boyfriend eh! kaya nga lang sobrang sakit yung sinabi talaga sayo na pustahan lang lahat lahat.
***FLASHBACK*** (Breakup Scene With My Ex-Boyfriend)
dinala ako ni Kent dito sa sa park, ang ganda ng mga bituin. ang lamig ng simoy ng hangin ang ganda ng mga ilaw at katabi ko pa sya. Ang perfect na ng moment na ito.
"Zoe.." tawag sa akin ni Kent at dahan dahan na tumingin sa akin. Ang hoot nya *o*
"hmmm bakit?" sabi ko sabay ngiti sa kanya"
"tingin ka sa langit" at tumingi nga ako sa kalangitan.
"wow" ang ganda ng fireworks, sya kaya nagplano nito?
"anong meron?" tanong ko kasi hindi naman namin monthsary o anniversary wala naman akong natatandaan na special occasion.
"naisip ko lang na may mas karapatdapat na lalaki para sayo. You dont deserve me, just like a fireworks piccolo lang ako hindi ko kayang mapailaw ang mundo mo kagaya ng fireworks na nasa harapan mo, kumbaga pampaingay lang ako sa mundo mo. Sorry Zoe pero pinagpustahan ka lang namin. sana makahanap ka ng fireworks gaya nun maingay man nakakagaan naman sa damdamin at nagagawa pa niyang gawing makulay ang mundo mo. Paalam Zoe" habang sinasabi nya yan tulo ng tulo ang luha ko, natulala na ako hindi ko alam ang gagawin ko ni hindi ko nga sya nasampal e. at pagkatapos nun hindi ko na sya nakita ulit.
***END OF FLASHBACK***
"nandito na ako. ba-bye!" sabi ni sab at pumasok na sa bahay nila.
"sige" sabi ko.
ang sweet ng break up scene namin noh? pero paano kung gusto ko na siya, si Ace pero ayoko na. Hindi ko pa sya ganun ka kilala kaya dapat hindi ako magkagusto sa kanya. Pero crush ko na ata e! ang bait kasi tapos ang gwapo pa. nandito na ako sa bahay namin. dire-diretso sa kwarto ko at nagbihis at natulog na.
****
papasok na ako nang school nang sinalubong ako ni ace.
"Des gusto kita, oo nakakabakla pero eto yung totoo na love at first sight ako sayo" Nagulat ako sa sinabi nya, si Alexander Charles Escott ay may gusto sa akin?
"ah Ace ano kasi"
.
.
.
.
.
.
.
At nagising na naman ako sa katotohanan na panaginip lang pala ano ba yan, puto Ace, Ace, Ace, Ace dito, Ace duon. Gusto ko pa talaga sya pero ayoko na,hindi pa ako ulit handa what if masasaktan na naman ako hindi ko na alam nalilito ako, pero bahala na just start moving hindi lang sakit umiikot ang mundo kailangan ko lang gawin pigilan agad ang nararamdaman ko kay ace.
"Uy Zoe Good Morning, tara na!" sabi ni Sab.
"Sige, teka nasaan si Jec' tanong ko.
"Ah! mag half day daw sya pagod daw kasi kahapon"
Ace POV
Sayang makakasama ko na sana si Des kanina bakit pa kasi ako sinundo ng tatay ko. pero ngayon okay na, commute na ako, pwede ko nang ihatid si Des. ooopppss! speaking of Des nandito na sya kasama si Sab.
"Good Morning Dess" bati ko kay Des, pero nginitian nya lang ako ng pilit.
"Good morning sab" bati ko naman kay Sab.
"Good Morning din" bati ni Sab.
"Sab usap tayo, Des okay lang ba? saglit lang to" sabi ko at tumango naman si Des. Nagpunta kami malayo sa mga estudyante
" Sabrina, I am inlove with your bestfriend, I don't know how?, I don't why? All I know is I'm inlove with your bestfriend na love at first sight ako sa kanya nakakabakla man pero ayun ang totoo, ngayon ang point ko ay kailangan ko ang tulong mo at sana pumayag ka." sabi ko
"Sige go. Ano ba yun?" tanong niya
"Gagawin mo siya ngayon after class . . Ipasyal mo muna si Des kahit saan para hindi niya malaman na hihingi ako ng pahintulot mula sa magulang niya na liligawan ko si Des"
"Ah! yun lng pala sige. I will do my best to help you"
*** Uwian na ***
"Sab, okay na?"
"Oo, hanggang 7 pm lng ha"
" okay. sure, Thanks. aalis na ko"
Sab's POV
SA totoo lang nagulat ako nung sinabi sakin ni Ace na pupunta siya sa magulang ni Zoe para magpaalam kung pedeng manligaw. Kasama sa secret requirements ni Zoe un dati eh.
Ace. Sino ka ba talaga Alexander Charles Escott? Totoo ba ang lahat ng ito? Sana naman hindi ka kagaya ng ex ni Zoe
'Ui, Sab tara na!" yaya sakin ni Zoe
"Sige Zoe tara na"
" Siya nga pala Zoe" sabi ko hindi na tapos kasi nagsalita siya
"Cr Lang ako ha mabilis lng"
"Okay" itatanong ko pa sana kung sino yung nasa panaginip niya . . Di bale na lang next time na lang
BINABASA MO ANG
Boy Of My Dreams
AcakAng iniintay mo dumating na kaso medyo nagkakagusto ka na sa taong nasa panaginip mo . . Anong gagawin mo? Sinong pipiliin mo ang TAONG MINAHAL MO o ang TAONG MAMAHALIN MO PA LANG?