Chapter 2 [Be With Him]

83 6 0
                                    

"Hi I'm Maria Zoe-Des Davis" at iniabot ko ang kamay ko sa kanya. Ngumiti siya. Ang gwapo nga niya talaga

" Siguro nahabaan ka sa pangalan ko ano? You can call me Ace" at hinawakan din niya ang kamay ko

"Nice Meeting you" sabay naming sabi at napatawa na lng kami

" sige start muna tayo. Sa ground Floor muna tayo ha"

" Sige."

"Sa 1st floor kasi may dalawang part mamili ka kung ano ang uunahin natin und Admin Building or yung nga laboratories" tanaong ko sakanya

"Admin building na lang muna" at pumunta na kami sa Admin

"Dito sa Admin andito ung mga offices like principal's office, student formation coordinator, treasurer's office, registrar's clerk,at marami pang iba. Eto ung Principal's office, katabi niya is Student Formation Coordinator, tas Treasurer's Office, Tas Andito rin ung Registrar's clerk basta andito lahat ng mga office . . aum ano pa ba? ay, oo andito din ung clinic at guidance counselors un ung clinic tas katabi niya sa kaliwa ung guidance un lng . . dun naman tayo sa kabilang building ung mga laboratories naman"

"sige" at pumunta na kami sa next building

" Dito sa 1st Floor andito lahat ng laboratories magkakasunod lang yan ang pinakauna ay ung Library, tas Computer Lab, Tas Speech lab, science laboratory wet and dry lahat ng yan di-aircon tas ung pinakadulo ay ung AVR or Audio Visual Room dyn pinapapunta pag may mga meetings. May tanong ka pa ba?"

"Anong english sa Nasa Lab ako kasama ka?" tanong niya

" Im in Lab with you" sagot ko

" Ahh . . Ikaw ha kebago-bago ko dito agad-agad umamin ka na" sabi niya tas ngumisi pa siya. ha? Bakit? Anong problema sa sinabi ko Im in Lab with you

.

Im in Lab with you

.

Im inlab with you O____O

"anak ka ng tinapa hoy wag kang assuming nakakamatay un. Ang ibig kong sabihin ay I AM IN THE LABORATORY WITH THE CAPITAL L-A-B-O-R-A-T-O-R-Y WITH YOU, laboratory ha, laboratory"sabi ko nang maisipko kung ano ung nasabi ko. Kahit kelan talaga Maria Zoe-Des Davis ang engot-engot mo. Watch your words kasi

"Okay sabi mo eh" Sabi pa niya habang ngingiti-ngiti pa

"Argh! AAH, Tara na nga sa 2nd floor" aakyat na ko ng hagdan ng biglang

"AHHHHHHHH!!!!!!!" napapikit na lang ako natapilok ako nang biglang may sumambot sa akin, sinambot niya ko ako. oo,tama sinambot niya ko kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.

" Ang ganda mo. Ang ganda mong tanga. watch your words but specially watch your Steps" sabi niya habang itinatayo ako. Pero sa halip na tumayo ako ay napaupo ako sa hagdan grabe ansakit ng paa ko

"Okay ka lang ba?, Tara dadalhin na kita sa clinic, bubuhatin na kita" sabi niya halatang-halata na nag-aalala siya

"Wag na. alalayan mo ---" di ko natapos pa ang sasabihin ko dahil binuhat na niya ako yung pang bagong kasal na buhat. hawak naman niya ung palda ko eh buti na lng 1st floor pa lng kami walang masyadong makakakita samin

"Thank you" sabi ko ng iupo niya ako sa silya dun sa clinic

"Toy, anong nangyari? " tanong nung nurse

"Natapilok po kasi ako eh" sagot ko

"Ah! ganun ba sige dun ka na lang sa kama, kailangan lang yan hilutin, ikaw toy? Boyfr----" di na natapos nung nurse ung sasabihin niya dahil umepal na agad ako

"Naku, hindi po, aum ate nurse ako na lng po maghihil---" binuhat na ko ni Ace papunta dun sa isang room at iniupo ako dun sa kama tas ipinatong niya yung paa ko sa binti niya sabay sabi ng

"Ako na po ang maghihilot sa kanya. Ako nga pala po si Ace"

"Ah ganun ba? Sige Ace salamat"

"Ace bakit ang ba-bait mo saken" tanong ko

"Ganda mo kasi, crush nga kita eh" seryosong sagot niya, yung parang wala sa katinuan, yung parang nagdedaydream

"Aba, Ano, teka, teka, mali pala, Ano kasi eh ma-mabait ka kasi, oo tama mabait ka kasi" sabi niya na halatang nataranta

"muntikan na" bulong niya pero rinig ko naman

"muntikan na?" tanong ko

"Rinig mo? Hayy, humiga ka na lang dyan okay." sabi niya kaya humiga na lang ako habang hinihilot niya pa rin ang paa ko

(ACE's POV)

        Haaaaayy!!!!!! grabe muntikan na kong mabuking muntikang mantikan na talaga. Bakit kasi ang ganda niya nawawala tuloy ako sa sarili ko. Kasi ganito yan pagkapasok na pagkapasok ko ng classroom si Des na agad ang nakakuha ng atensyon ko. Hindi ko alam kung paano? Kailan? Saan/ Bakit? Basta ang alam ko, nakakabakla man pero totoo eto eh na love at first sight ako sakanya. Promise kung kayo ang nasa pwesto ko ngayon ganito din ang mararamdaman nio. Naalala ko tuloy nung nasambot ko siya kanina nung nagkatitigan kami ang ganda ng mata niya brown na brown tas ang tangos pa ng ilong niya tapos mas gumanda pa siya dahil sa kulot na mahaba niyang buhok.

"Mukha kang anghel na nahulog sa lupa, nag-alala ako sayo ha, grabe ka kasi ang ganda mo, bat ba kasi ang ganda mo at halatang-halata din naman na maganda ang ugali mo"

10 MINUTES LATER

"Ace gising na lunch na oh, Kain na tayo, sabay ka na samin treat ko" sabi ni Des. hay isang napakagandang panagi---.

"Aray totoo pala" hinampas kasi ako ni Des eh, napakaganda talaga niya isipin nio nalng oh akala ko panaginip un pala totoo na

"Anong totoo pala? Gutom lang yan? Tara na nga kakain na tayo"

*** CANTEEN ***

(ZOE'sPOV)

Andito na Kami ngayon sa canteen kasama si Ace, Jec at Sab

"Hi Jec, Hi Sab sasabay sa atin ngayon si Ace ha, Okay lang naman siguro diba?" sabi ko

tapos nakita ko nama silang nagngingitian eh . . . okay mukhang madadagdagan kami ng kaibigan

"Okie Dokie" sabi ni Sab

" May magagawa pa ba ako" nakangiting sagot ni Jec

**** Author's Note ****

Guys sa susunod na ulet yung chapter 3 ha magkakaroon kami ng exam next week eh

Don't forget ti Vote and comment

<3 SPREAD LOVE <3

Boy Of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon