Two

55 4 0
                                    

Jade's POV

May pasok pa pala. Ugh. Kung hindi ko lang mahal ang grades ko di na ako papasok e. Pero konting tiis nalang kasi CHRISTMAS BREAK NA DIN! Mwahahahahaha.

*bzzt bzzt*

Naks ang aga-aga may nanggugulo na sa inbox ko.

One Message Receive :

Fr : JaredYabang

Goodmorning Jade :) Inggat!

Naisave ko pala yung number niya kagabi. Weird nitong lalaking to.

To : JaredYabang

Uh. Problema mo? May kailangan ka ba?

Suplada kung suplada, nantitrip lang talaga to -_- Sarap bigwasan eh.

*bzzt bzzt*

One Message Receive :

Fr : JaredYabang

Ang aga-aga ang sungit mo. Smile na jan masisira ang ganda :) Sige kitakits sa school! Bye.

Ang landi ng lalaking to, may crush na nga siya, crush pa sya ni Trisha tapos ako itong nilalandi nya? Unbelievable. Tsktsk. Di ko na nga lang to papansinin. May pasok pa nga pala ako, makaligo na nga lang.

-

Naglalakad na ako papuntang Rak Building kung saan nandun yung rooms ng 4th year students, isang exclusive school ang RNI High. Hindi karamihan ang students, high standard, complete facilities, well-trained teachers. Whole package na nga ata tong school namin. Since 1st year, dito na ako nag-aaral, masaya naman dito, maraming activities na ginganap every mon———

*BLAAAGGGG!!!!!!*

And I had a meet and greet with the floor.

ARAY KO PO! T-T

Kasalanan to ng lalaking bumangga sakin. Bulag ata to e. GRRRRRR!

"Miss I'm sorry,di ko sinasad— Jade?!"

Tingnan ko mukha nung lalaki and guess who? Si JARED lang naman. Aish!

"Bulag ka ba ha? Tsk. Kainis!"

"Jade sorry,di ko sinasadya. Sorry"

"Sa susunod kasi mag-ingat ka! Pasalamat ka't maganda parin ako. Psh. Tabi nga!"

Nagawa ko pang magbuhat ng sarili kong upuan eh. Hahaha

Umalis nalang ako agad. Nakakainis. Pasalamat talaga siyang wala ako sa mood makipag-away ngayon.

"Thankyou Jade, alam ko naman di mo ako matiis e ang gwapo ko kasi"

Mejo malayo na ako pero narinig ko parin yung sinabi nya. Ang yabang talaga. Ang yabang!!!

Nakarating na ako sa room ko, at sinalubong ako agad ni Trish.

"Oh ang aga nakabusangot ka jan"

"Yung leshe mong crush binangga ako!! Ang yabang pa. Tss"

"As in?! Sana ako na lang yung binangga nyaaaaa" with Dreamy eyes pa. -_-

"Landi mo Trish sobra. Magsama kayo!"

"Heh! Bitter ka!"

Biglang nagring ang bell means magsisimula na ang klase. Mabuti  nalang at sawa na akong makinig sa kalandian ni Trisha.

Naglesson lang naman, this and that. Medyo nakakaantok, pero nakikinig pa din naman ako.

"Okay class. You may now take your recess"

Yes! Sa wakassssss! Lumabas na kami ng classroom at pumunta ng canteen. Gutom na talaga ako. Bumili na kami ng pagkain saka umupo.

"Dami mong binili. Ang takaw mo talaga Jade"

"At least sexy parin" Sabay kain ng tuna sandwich na binili ko. Eh sa nagugutom talaga akoooooo.

Masyado akong nakafocus sa kinakain ko ng bigla ako niyugyog ni Trisha -_- Ano na naman ba to?

"Uh. Jade. Jade. Jadeeeeee! Papunta sya dto. Papunta talaga sya dito Jade. Ohmygad.!!"

Halos pabulog nyang sabi. Kilala ko na to. Tsk

"Okay lang ba mukha ko? Wala bang dumi or something?"

"Uhm actually meron, sige sandali. Pupunasan ko"

Kinuha ko yung tissue na may stain na ng chocolate saka pinunas sa bibig nya. Ngayon may dumi na talaga ang bibig nya. Hahahahahahahaa nakakatawa ang fes niya. Hahahahahahahaha!!!!

"Oh bakit ka tumatawa jan?"

"Wala.wala. Ayan okay na"

Pinipigilan ko lang yung tawa ko,ang epic ng face ni Trish! Hahaha Lumapit naman talaga si Jared sa table namin.

"Hi! Pwede maki-upo?"

Nagsmile sya ng todo hanggang sa nawala na yung mata nya. Hahahaha Infairness, he's cute!

Uhh eh, ha? What am I saying? Erase erase!

"Ah Oo! Sige umupo kana" ^____^ - Trisha

Sa tabi ko sya umupo tapos kaharap nya si Trish. Sus. Landi ni Trisha. Di nya parin alam na may chocolate sya sa bibig nya. Hahahaha Napansin ko namang natatawa tong si Jared, napansin niya rin sguro yung dumi sa mukha ni Trish. Pffffffft!

"Teka... Bat parang natatawa kayong dalawa? Anong meron? Share din!"

Tuluyan na kaming natawa ni Jared.

"Kasi Trish hahahaha may ano hahahaha!" Tawa parin ng tawa si Jared. Mukhang naiinis na si Trish. Hala!

"Ano?!" Hala. Naiinis na talaga!

Tumigil na kami sa pagtawa saka nagsalita ulit si Jared.

"Kasi Trish may *sabay punas sa bibig ni Trish* chocolate ka sa bibig mo"

Pustahan pa tayo, kinilig na yang babae yan. Kita sa fes e. Hahaha Fail yung plano, natuwa pa yung gaga.

"Ahh. T-thank y-youu"

See? Kinilig nga, nagsastammer eh. Tsk. Nagkwentuhan nalang kaming tatlo the whole time. Okay naman palang to si Jared, medyo mayabang parin naman pero okay sya kasama. Nagbell na ulit, so bumalik na kami sa classrooms namin. Since last day na namin to dahil simula na ng Christmas break bukas, maaga kaming dinismiss.

Sumabay samin si Jared pauwi. Iisang subdivision lang kasi kami. Tawa lang kami ng tawa sa mga corny jokes niya hanggang sa nakarating na kami sa mga bahay namin.

My day went well. And that's because of him. Masaya siya kasama. Since that day lagi na siyang sumasama sa amin and most of  the time kami ang laging magkasama.

I'm taking it back,hindi sya mayabang. At nagugustuhan ko na sya,nasanay na ako sa presence niya,nasanay akong lagi siyang anjan.  I like him kahit alam kong gusto din sya ni Trish. Ugh. Ano ba to,andali niya naman kasing magustuhan eh. Tsk. I hate him! For making me like him!

I hate you Jared Lord Satorre. Haysss.

-

[A/N] Oks lang ba? Hahaha Sge. Comment kayo negative or postive man. Oks lang,wag lang harsh! XD

~ Malds.

I Hate You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon