Jade's POV
Akala ko galit si Trish sakin. Nag-usap na kami,andito na sya sa bahay ang aga niya nga e. Hindi ko nalang sinabi sa kanya na crush ko din si Jared. Mahirap na baka lalong maBH. Nakakaguilty.
"Sabi ko nga sakanya na,di mo sya type. Ang sinabi ko si Liam type mo"
"Bat naman si Liam!"
"Diba crush mo yun? Okay na yun,wala naman din yun dito e!"
"Sabagay"
Kumain,manood at magchismisan lang ang ginawa namin buong araw. Si Jared naman text ng text saken,di ko nalang nirereplyan kahit gusto ko. Nakakainis bakit sa lahat ng pwede kong magustuhan siya pa! Sakit ka sa ulo Jared e!
"Psst. Problema mo?"
"Ah. Wala. Tara kain na tayo dinner"
Kwentuhan lang lang kami kwentuhan hanggang sa natapos kaming kumain at ginawa ang mga night rituals. Tumambay muna kami sa balcony ng kwarto ko.
"Di ko alam kung bakit ko sya nagustuhan"
Bukambibig niya si Jared. Kanina pa yan. Oo nalang ako ng oo sakanya.
"Malambing naman kasi siya,kahit ang yabang ng aura niya"
"Oo nga,sana kang gusto niya na din ako"
Ayan na sya,ayan na ang dreamy eyes niya. Hayys :3 Naalala ko si Jared,gusto ko siya makausap.
"Antok na ako Jadeeeeee"
"Edi matulog ka,poproblemahin ko pa ba yan?"
"Ay ang sungit. PMS ang lola. Hahaha Sige matutulog na ako! Bye Lola Sungit!"
"Gaga. Goodnight!"
Nakatingin lang ako sa langit. Ang ganda ng moon. Napag-isip-isip ko,bakit nga ako nagiguilty e hindi naman sila ni Jared? Di rin naman crush ni Jared si Trish? Bat ba ako nagiguilty? Ish. Ayoko lang kasi na mag-agawan kaming dalawa sa isang lalaki. Andami pa naman jan. Tsk. Kainis. Gusto ko sana itext si Jared,kaso di ko alam ang isasagot ko kapag magtatanong siya na bakit buong araw akong di nagparamdam. Hayssss. Nako naman!
*bzzt bzzt* Uy may nagtext. Gabi na ah.
One Message Receive
Fr ; JaredYabang
May problema ka ba? Pumasok kana,malamig jan :)
Ha? Nakikita niya ako? Tumingin ako sa palagid,wala naman akong nakikitang tao. Pusa at aso lang na pagala-gala.
To : JaredYabang
Nasaan ka? Nakikita mo ako?
SENT! Agad din naman siyang nagreply. Sorry talaga Trish,last na to ngayon. Magpapaalam nalang din siguro ako.
Jared : Nasa harap mo lang ako,di mo ako nakikita? :)
Paglingon nakita ko siya sa balcony sa katapat naming bahay. Oo nga pala,pinsan niya nga pala yung nakatira jan. Kumaway siya,kumaway din ako.
Jared : Ang ganda mo ;)
Ako : Nagjojoke ka? Hahahaha
Jared : Totoo,maniwala kana nalang kasi sakin :)
Ako : Oo nalang. Hahaha!
Jared : Di ka pa ba inaantok? Past midnight na oh.
Ako : Hindi pa e. Ikaw ba?
Jared : Hindi pa din. Sabi sayo e. Soulmates tayo. <3 yiee. Hahaha
Ako : Kilig ka naman jan. Hahaha
Jared : Akala mo naman di ka kinikilig jan. Nakikita ko ngiti mo oh. Telescope :D
Ako : Seryoso?
Lumingon ako,and yes may dala nga syang telescope. Ano trip ng taong to?
Jared : See? Seryoso ako. Hahaha
Ako : Trip mo? Hahaha. And FYI di ako kinikilig,masama bang ngumiti? :P
Jared : Palusot ka Jade. :p Di ka pa talaga antok?
Ako : Hindi pa e. Ikaw ba? Antok kana? Tulog kana :)
Jared : Oo e. Pero sasamahan parin kita :)
Ako : Sige na,matulog kana. Matutulog nalang din ako. Tara na Goodnight na. Hahaha Kosensya ko pang napuyat ka! Sweetdreams :">
Jared : Hahaha Sige tulog na tayo. Goodnight Ate Jade :* Sleep tight :) Byebye! Nga pala Ate Jade,crush kita,gusto kita. I like you. So much. Sige night na!
Tumingin ako sa kabilang balcony,nagwave siya sakin at saka pumasok. Ngumiti lang ako. Sorry Jared. Pero ito na siguro ang huli. Gusto ko ding sabihing gusto ko din siya pero ayokong masaktan si Trish. Ano ba to,nakakaiyak.
Sakit ka talaga sa ulo Jared e. I hate you. I hate you!!!
Di ko namalayang lumuluha na pala ako. Tumayo ako. Took one last glance dun sa balcony kug saan nakaupo si Jared.
I hate you,since from the start. But you made me like you. And I hate it.
Nasanay na akong lagi kitang kasama. And I guess kailangan ko na ring sanayin sarili ko na wala ka.
Im sorry pero kailangan. Bye Jared.
Jared Lord Satorre. The man I hate and I like the most at the same time.
Tss. Ang drama ng sinsabi ng isip. Kasi naman Jared e. Pero seryoso na talaga yun,susundin ko yung sinabi ng madrama kong isip. Aysh. Kainis ka! I hate you!
Mamimiss kita.
-[A/N] Pwe. Hahaha Isang chappy nalang matapos na ang story to na nagawa ko lang kasi bored ako XD Pero infairness. Nakakalungkot. Lul Ge. Next chappy para matapos na. Hahahaha ~ Malds
BINABASA MO ANG
I Hate You.
Teen Fiction"And I guess it's better not to say 'I love you' but instead 'I hate you' best describes my feelings for you"