Naglalakad ako sa gitna ng madilim , malamig at walang katao taong tulay. Tulala, sabog ang buhok (sisihin nyo ang hangin), nakapantulog at nakapaa. Nakng! Muka kong tanga mga prends. Pero wala eh, ayoko sa bahay. Ako lang kasi mag isa. Next time ko na ikukwento kung bakit. Ayokong magdrama malamig na.
Pabalik na ko sa inuupuhan kong apartment ng may makita akong bulto ng tao malapit sa railings ng tulay. Hala, may mumu. What the duck prends. At shuta lang, mukang tatalon pa ata to. Pero teka, mumu tapos tatalon? Patay na papakamatay pa ulit? Ang bangis. Baliw na talaga ko. Malamang tao yan. Tapos tatalon, mukang magpapakamatay pa ata tapos makikita ko pa katanga naman neto. Kargo de konsensya ko pa pagnatuluyan to, kaya...
"HOY KUYA! HOY BAWAL YAN. HOY" sigaw ko. Eskandalosa na kung eskandalosa mas magandang malakas para marinig nya. "And what do you think you're doing?" shet napa english pa ko ng dis oras ng gabe, duck lang.
Nangunot noo yung lalake habang nakatingin sakin. Naglalakad ako papalapit sa kanya. Syempre yung mabilis na lakad. Lakad takbo ganern.
"Who the hell are you, Miss?" sabe ni kuya.
Tuluyan na kong nakalapit sa kanya. Di ko masyadong maaninag yung mukha nya. Medyo madilim kasi sa part na to. Patay sindi pa yung street lights. Basta ang nakita ko, may kulay asul syang mata. At mas matangkad sya sakin.
"You don't care. Gusto ko lang sabihin na kung magpapakamatay ka, siguraduhin mong walang makakakita." hingal kong sabe. Tapos tinitigan nya lang ako. Shemay, naintindihan nya ba ko?. "Hoy , naintindihan mo ba yung sinabe ko?" dagdag ko pa.
"Ano bang pakelam mo?" tiim bagang nyang sabe. "Wala. Sayo wala, pero sa mga maiiwan mo meron. Kung gusto mo talaga magpakamatay siguraduhin mong wala kang mapeperwisyo. Hindi mo ba alam na ang dami daming tao jan na gustong mabuhay? Tapos ikaw magpapakamatay? Isipin mo. Isipin mo lahat ng sakripisyo ng mga magulang mo para lang mapalaki ka ng maayos." hinihingal na sabe ko.
He stared at me with his amuse eyes. I suddenly felt like, pakielamera ba ko masyado? Ayoko lang naman na may magpakamatay sa harap ko eh. And, okay fine ayokong masayang yung buhay nya. Aba! Pinahiram ni God yan tapos sasayangin nya?
"You don't know anything about me miss. You don't know what i've been through. Nakakasawa na. Pagod na pagod na ko. Fuck this life of mine." naluluhang sabe nya. Medyo naawa naman ako ng very light. Kasi ako nga, wala nang kasama sa buhay eh (bukod sa bestfriend kong mema) nakakalungkot talaga. Wala kang masasandalan.
"Look, mister. Lahat naman ng tao napapagod. Lahat tayo nasasaktan. Nakadepende nalang yan sa tao kung susuko o hindi. Kung gusto mo talagang tumalon dyan, okay fine di kita pipigilan coz it's your decision anyway pero sana , sana maisip mo yung mga iiyak kapag nawala ka. Yung mga malulungkot kasi di ka na nila makakasama. Maikli lang ang buhay natin kaya dapat di natin to sinasayang. Pero gaya nga ng sabi ko , it's your decision." Mahabang lintanya ko. Unti unti syang bumaba ng railings habang nakatingin sakin. O-kay? What was that? Ang chaka ko ba?
"You're right. Maybe, mas maganda kung kakausapin ko nalang ang mga magulang ko regarding sa problema ko. Kasi kahit ano namang gawin ko ang problema, problema pa rin. And, i dont want them to be sad, just because they won't be able to see me anymore." sabe nya. Napangiti naman ako ng malapad dahil dun. Oryt, 1 point for Cassandra the Great, yeaaaaah.
"You know what. Mas maganda kung may mapaglilibangan ka nalang." nakangiting sabe ko sa kanya. "I'll give you one of my contacts sa isang dance group baka sakaling makatulong sayo. You can express your feelings thru dance. Sad, hatred, anger, happiness, love lahat yan pwede mong ilabas. It will help you a lot, I swear." sabay ngisi sa kanya.
"oh, you're a dancer? Di halata ah" he said and laugh with humor. Hala ang gwapo ng tawa nya, duck na yan.
"Yes, I am. Wag mo kong tawanan at baka ako pa magtulak sayo dyan sa tulay" pambabanta ko sa kanya. Tumigil naman sya pero halata pa rin natatawa. Tss, gagong to.
"Okay, thank you for your kindness and concern. I will keep it. Maybe, one day magkita tayo ulit and i will return it to you. Goodbye Ms. Dancer." he smiled then bid a goodbye.
"Bye, kuyang railings"
BINABASA MO ANG
Rhythym of the Hearts
De TodoSa pagsasayaw nya lahat idinadaan ang mga nararamdaman nya. Mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan. Isang pagkatataon ang ibinigay sa kanya upang maipamahagi ang natatanging talento na meron sya at ang tanging paraan upang makapagtapos sya ng pag...