Simula

40 2 9
                                    

"Please naman oh... wag ganito" pagmamakaawa ko sakanya. Tumutulo na yung luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Wala akong ibang makitang reaksyon sa kanyang mukha kundi galit at iritasyon. Ano bang ginawa kung mali at saan ba ako nagkulang?

Napaigtad sya nang hinawakan ko ang kamay nya pero tinakwil lang nya ang kamay ko.

"No Elliana... we're over." pagkasabi niya non bumuhos na talaga ang luha ko. Yes, I admit, masakit, sobrang sakit.

Wala akong pakialam kung may nakakita man sa amin. Basta ang inaalala ko lang ngayon ay kung bakit biglaan? Alam ko namang playboy sya, pero bakit ngayon pa na mas lalong minahal ko na sya! Am I not enough? Hindi ko na nga matirhan sarili ko eh! He broke my heart and I don't like it!

"You said you love me?! " puno ng galit na sigaw ko sa kanya, habang namumugto ang aking mga mata kakaiyak.

"But that was just before!" sigaw nya pabalik sa akin. "And I don't love you anymore" dagdag nya na ikabuhos muli ng aking luha at ikinalambot ng aking tuhod.

Ang sakit isipin na ang taong minahal mo ng husto at minahal mo pa ng buong-buo ay ang taong mananakit din pala sayo.

Tinignan ko ang kanyang mga mata, so I can see if he's joking but all I can see is anger filled with his eyes.

Hindi ko na kaya, sumasakit na yung puso ko, lalong sumasakit. I looked away coz I realized how desperate I am to be with him, even though he don't love me anymore.

Katahimikan ang bumalot sa amin, until I broke it.

"Pwede bang d-dito m-muna ako? Mamaya m-mo nako p-pauwiin?" I tried to act calmly but i failed.

"Tatapusin ko lang ang gabing ito tsaka wag kang mag-alala hindi na kita guguluhin pa. Promise." dagdag ko

His jaw clenched and I can see how irritated he is.
Gusto na talaga nya akong pauwiin. Hwag kang mag-alala Dominique Gabriel Tan, papalipasin ko lang ang gabing ito at hindi na kita guguluhin pa.

Pumasok ako sa loob ng bar at naramdaman ko rin ang presensya nya sa likod ko kaya tuloy tuloy lang ang lakad ko, right now magpapanggap ako na wala sya ngayon. Umupo ako sa high chair ng Island counter at nilagok ang hard liquor. Nakita ko sa gilid ng aking mata sya sa sofa na may kausap. Seems like he's fine. When his eyes bore into mine, I can see that he's mad pero hindi niya pinapahalata.

Okay alam ko na talaga na gusto na nya akong pauwiin.

Biglang natigil ang aking pag-iisip nang may humarang sa aking harapan. Tumabi sya sa akin at bumulong.

"Can I sit beside you? " he said and winks at me.

Siguro dahil sa lungkot na naramdaman ko ngayon, hindi ako makasagot ng hindi.
Hindi naman masama kung tatabi sya sa akin ah unless kung may gagawin syang mali.

"Sure." I said like there's nothing happened today.

"Hi I'm Joshua, Josh for short." he said. He raise his hand for shake hands so I accept it.

"Elliana." I smiled.

"You're so cute." he said with the soft voice.

"Ah thank you... You too." I said it back.

Totoo naman ah, cute naman sya, gwapo rin.

Marami pa kaming napag-usapan, ang saya nya kausap. Nawala tuloy ang lungkot ko. Andami naming pinag-usapan na mas ikakasaya ko lalo. Hindi ko akalaing sa panandaliang pag-uusap namin nakalimutan ko si Dominique.

Speaking of him? Where is he? Pagtingin ko sa kung nasaan sya kanina wala na sya. Siguro naiirita na sya dahil nandito ako. Siguro panahon na siguro na kalimutan ko sya.

May naramdaman akong may nakatitig sa akin. Pag lingon ko wala naman. Lasing na siguro ako. Kung ano ano na iniisip ko,siguro dala na din sa pagkalungkot ko at pagkasawi ko. Mabuti pa magpaalam na ako Kay Joshua. Nahihilo na kasi ako. Naparami yata ang inom ko.

"Ahm Josh uwi na ako, ahm nice meeting you." I said, while smiling at him.

Tatayo na sana ako nang paupuin nya ako pabalik.

"Mamaya na, ihahatid kita." malambing na boses na sabi nya, his voice is smooth and soft.

He's so close to me and it's too bad coz there's something in my throat and I felt like I want to vomit.

Bago pa ako makapagsuka may humawak na sa aking palapulsuhan. He's scent is very familiar at mas lalong gusto kong sumuka. May nagbabadyang luha sa aking mga mata pero pinigilan ko dahil pagod na ako sa kaiiyak.

"Iuuwi na kita." he said coldly.

"Leave me alone, Dominique , I thought we're over? " sabi ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita at patuloy lang niya akong hinihila hindi nako kumontra dahil nahihilo na talaga ako. Napansin nya yatang pagewang-gewang ako, kaya binuhat nya ako. Hindi nako nakapagpigil, sinapak sapak ko sya sa kanyang dibdib.

"Ano ba bitawan mo nga ako! " saktong pagbitaw nya nasa parking lot na kami.

Akmang aalis na sana ako pero hinawakan niya muli ang palapulsuhan ko.

"Ano ba, kaya kong umuwi! " I shouted at him.

Hindi ko alam na tumulo na pala ang nagbabadyang luha kanina sa aking mata.

He stopped and say "I'm sorry."

Then I realized how bad he is. Sinaktan niya ko. Winasak niya nang buong buo ang puso ko. Pinaglaruan nya ko. Hindi ko inakalang nabihag ang puso ko at dun patalaga sa kanya. At ngayon humihingi siya ng sorry?

All I can say to him is he had a cold and playful heart.

Hindi ko na kaya. Kakalimutan ko na talaga sya. Ipapangako ko sa sarili ko na hindi na ako kailanman lalapit sa kanya.

Umiling-iling ako at pumiglas sa pagkahawak sa kanyang kamay sa aking palapulsuhan, at agad na pumara ng taxi at pumasok.

He hurted me once at hindi na ulit yun mangyayari. Kung laro lang ang lahat then I play! But I want to make sure that we play fair. I want to hurt that Playful Heart he have. I want my revenge.

A Playful HeartWhere stories live. Discover now