Maaga ako nagising upang gawin ang aking morning routine.
Lumabas ako sa bahay upang makalanghap ng sariwang hangin, ilang sandali lang napag-isipan kong mag-jogging.
Habang nag jo-jogging ako, iniisip ko na paano ko sisimulan ang paghihiganti ko sa lalaking yon. Kung ano kaya ang magiging reaksyon nya. Siguro walang mararamdaman yon, bato puso nun eh tsaka mapaglaro.
Ah basta, Elliana ituloy mo lang yang binabalak mo.
Nakangisi ako pagkabalik ko sa bahay.
Pumasok ako sa kwarto then pagkatapos naligo.
Habang naliligo sa ilalim ng shower, biglang tumunog cellphone ko.
Tinapos ko muna ang pagliligo ko pagkatapos kinuha na yung cellphone.
Sino kayang nagte-text?
Pagkaopen ko, pangalan niya yung unang lumabas sa inbox ko.
Hindi ko pa pala nabubura yung mga sweet messages niya sa akin.
Hindi ko akalaing affected parin ako. At tsaka hindi ko alam na may isang butil na tumulo galing saking mata.
Walang silbi lang din pala ang paglalasing ko gabi-gabi para kalimutan siya at heto ako ngayon nakita lang mga sweet messages niya noon bumibigay agad.
Pinunasan ko ito. At tiningnan kung ano ang message niya sa akin.
Dominique:
" Magkita tayo sa coffee shop ngayon din. May sasabihin ako sayo."Ano na naman kayang kailangan nito? At bakit sya makipagkita sa akin? Di ba pwedeng through phone nalang? Nakakairita!
Biglang napangisi ako sa naiisip.
Paano kayang isama ko dun si Joshua tapos magkukunwari kami at sasabihin ko sakanya na namamasyal lang kami?
Oh ano?! Kahit kailan ang talino mo talaga Elliana.
Dali-dali Kong tinawagan si Joshua. Isang ring palang sinagot agad. Minsan naisip ko rin na wala batong ginagawa sa buhay?
"Good morning" napaigtad ako nang nagsalita sya.
"Ah Good morning din." I greeted back.
"Ano pala kailangan mo at napatawag ka?" he said with a sweet voice.
"Ah napatawag kasi si Dominique at sinabi niyang magkikita daw kami." I said.
Naramdaman Kong natigil siya.
"Hello Josh, are you there?" I asked with curious thoughts.
"Ah-h... Bakit daw? Anong kailangan?" He said with irritated voice.
"May sasabihin daw sya, pero hindi ko siya nireplyan at naisip ko na kunwari mamasyal tayo na di ko nakita text niya" straight to the point na sabi ko.
Naramdaman Kong natahimik ulit sya kaya dinagdagan ko.
"Matutulungan mo ba ako Josh?"paglalambing na tinig na sabi ko
"Ahh syempre, malakas ka sakin eh" he sounds serious.
"Yeheyy!! Thank you talaga Joshh! " I said it happily
"Walang anuman basta ikaw! So saan pala tayo magkita?" he asked
"Ah punta ka na lang dito sa bahay"
"Ok, I'll be there in 5 minutes, Bye! "
Kaya naman kagaya nang sabi nya na mararating sya in 5 minutes, ayon nandito na sya.
Pinagbuksan ko sya nang gate.
"So tara na?" I said
"Let's go" he said
Sumakay ako sa kotse nya and he start the engine.
Marami kaming napag-usapan hanggang sa malapit na kami sa coffee shop at yun nakita ko yung lalaking nagpapapunta sa akin pero syempre hindi ako magpahalata.
Lumabas kami ni Joshua na magkahawak kamay. Na parang magjowa na masayahin.
Masayang-masaya kami na pumapasok sa loob na parang kami lang dalawa ang nasa loob.Habang nag-oorder kami, naramdaman Kong may nakatitig sa akin at alam kong siya yon kaya binalewala ko at nagkukunwaring ipulupot ko yong mga braso ko sa tiyan ni Josh at maglalambing.
Ganyan ang posisyon namin habang nag-oorder kami.
Hindi ko namalayan na may kumuha sa papulsuhan ko at inilayo Kay Josh.
Wow naman, isang hawak lang bumibilis na agad yung tibok ng puso ko damn.
Napangisi ako dun pero hindi ko yun pinahalata. Kunwari galit ako dahil sa ginawa niya.
Why Dominique? Why? Are you jealous?
Then keep that thing coz there is a next thing that I can do to make your face burn.
Dahil sa iniisip ko, hindi ko namalayang nakalayo na pala kami kay Josh.
Nagpumiglas ako pero ang lakas nya. I am strong but he is more stronger than me.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"sigaw ko sakanya.
"Why are you with him huh? " he said with calm voice
"Anong pake mo kung kasama ko sya?"balik tanong ko sa kanya
"Of course I care" he said with cold voice.
"You liar!"sigaw ko sakanya
"Yes I'm a liar"may diin na pagkasabi niya na parang may ipinahiwatig sya doon.
Syempre hindi ako nagpadala sinapak ko siya then run away.
Hindi ko namalayang sa pagtakbo ko bumuhos na yung luha ko.
Kahit kailan hindi ko talaga maiintindihan yong lalaki nayon.
Akala ko sa kakapagod kung umiyak ayaw na umiyak ng aking mga mata pero nagkakamali pala ako.
Sa sakit nang naramdaman ko nakalimutan ko nang kasama ko pala si Josh.
Natigil ako sa Parke at umupo sa bench. Iniisip ang pinagsasabi niya kanina.
Hindi ko akalaing binigyan ko yun ng halaga.
May biglang tumabi sa akin at alam kong sino yun.
Ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya at pinapatahan niya ako.
"Shhh tahan na" patahan niya sa akin
Mabuti patong tao nato. Marami na syang nagawang mabuti sa akin. Ang daling mahalin ng taong ito.
Paano kaya kung unang naging kilala ko si Joshua. Hindi naman sya mahirap mahalin. Siguro naging kami tas hindi sasakit tong puso dahil hindi naman to nang-iiwan.
Sana nga maibalik ang dati tas siya yung kasama ko araw-araw. Paniguradong, masayang-masaya kami hindi katulad ngayon.
Hindi ko namalayang nakatulog ako sa balikat nya.
YOU ARE READING
A Playful Heart
General FictionEllianna Scott. A girl who loves the best but always ends up getting a heartbreak. No matter what she does, she always ends up with Dominique Tan. Dominique Tan. A guy who only knows how to broke girls heart. Especially Elliana Scott. Paano kung i...