Chapter 1 - unang pagkikitang muli

198 5 2
                                    

============Charmaine’s POV============

Hi, guys! I’m Charmaine Ellaine Marie Sandoval. I’m 17 years old. Unica Hija ako kaya naman alagang-alaga ako ng pamilya ko. 1st year college ako sa isang university na pang mayayaman lang ang nakaka-afford. Ang pamilya ko ay isa sa pinakamayaman sa buong mundo.

“Hoy,  Charmaine Ellaine Marie Sandoval! Hindi ka pa ba babangon dyan o gusto mo pang kaladkarin kita papuntang banyo para maligo? Gumising ka na at malelate ka nyan sa school. First day pa naman ninyo”pagalit na sabi ni mama sa akin habang yinuyugyog ako sa kama.

“Opo babangon na. And Mama you don’t need to say may fullname kapag gigisingin ako. Di pa Charm na lng for short?!”

“Hoy! Charmaine wag mo nga akong artehan dyan. Hala sige pumasok ka sa banyo at maligo. Tapos pagkatapos mo maligo bumaba ka na at kumain” 

“Opo.  Ma anong a....” hindi na ako pinatapos magtanong lumabas na agad yung nanay ko. Kainis. Gusto ko lang naman malaman kung ano ang almusal eh. Kainis talaga yun.

Tapos na akong maligo, magbihis at naayos ko na rin yung kama ko. Oh di ba ang bait ng dating ko?! Hehehe!! Kumakain na ako ngayon. Habang nakikinig sa sermon ng aking butihing ina.... Hay nakakarindi!!

“ Ikaw umuwi ka ng maaga dahil may bisita tayo mamaya. Baka naman dahil ayaw mo pang pumasok eh magcutting classes ka naman like last year?” sermon sa akin ni mama. Habang ako kain lang ng kain.

Cutting? Kailan ko naman ginawa yun?             

============FLASHBACK=============

“Sir, may I go out?” paalam ko dun sa teacher namin na si Mr. Reyes.

“What will you do out side?”

“Sir, I just want to go to the comfort room. Baka naman sir tanungin nyo pa kung ano ang gagawin ko sa loob ng comfort room?” 

“Ok you may go out now”

“Thank you, Sir” 

Tapos siguro mag-iisang oras na akong lumabas hindi pa rin ako bumbalik sa room. Kaya siguro napagisipan ng adviser ko na lumabas para hagilapin ako.... At nahagilap nga ako.... Bad Trip!

“Ms. Sandoval, right?”

“Yes, Sir” sagot ko biglang tayo.

As I remember ang sabi mo sa akin kanina is you’re just going to the wash room, right?”tanong nya sa akin at tumango lang ako ako. Then what are you doing here? Ito ba ang tinatawag mong wash room?huh?” tanong nya ulit sa akin.

“Sir, I’m sorry. Hindi na po mauulit.”

“Talagang hindi na mauulit. I want to talk with you’re parents tomorrow.”

============END OF FLASHBACK=============

End of flashback tuloy kasi biglang dumating ang best friend kong si Christian Alfred Rivera. Best friend ko sya since high school. Bakit kaya andito ito?

“Alfred, oh hijo, anong meron at naparito ka? tanong ni mama kay Alfred.

“ Oo nga bakit ka andito? Ahh alam ko na kung bakit. Naamoy mo naman na kumakain kami kaya andito ka. Lagi kasi tuwing kakain kami saka ka dumadating. Hala sige na kumain ka na.”

My Endless Love Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon