I Kaming MAGAGANDA nasasaktan din.

164 2 0
                                    

I - Kaming MAGAGANDA nasasaktan din.

"ANONG KASALANAN KO, HA? BAKIT? Bakit palagi na lang akong nasasaktan? ANO BA ANG KASALANAN KO PARA PARUSAHAN MO AKO NG GANITO? Bakit ang unfair mo sa'kin? Ang unfair unfair mo!!!!!! Hindi naman ako masamang tao para iparanas mo lahat sa akin 'to! Pero bakit lagi na lang? Kelan ka mag sasawa na pahirapan ako!"

Halos mapaluhod at mawalan na ako ng boses sa kaiiyak. Hindi ko pa rin matanggap ang panloloko sa akin ng hayop kong boyfriend. Alam kong hindi kasalanan ng diyos ang panloloko sa akin ng walang hiyang iyon pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi sya sisihin sa mga sakit na pinag daraanan ko ngayon. Pakiramdam ko kasi ayaw nya akong maging masaya lahat ng minamahal ko kung hindi nya kinukuha ay niloloko naman ako.

Tinatanong ko ang sarili ko kung saan ba ako nagkamali. Masyado ba akong nag madali? Masyado ba akong nagtiwala o masyado ba akong malandi? Kaya nagka mali ako ng na pili? O talagang totoo ang malas at malas ako pag dating sa larangan na ito. Hindi ko alam...

Isang linggo na ang nakakaraan at heto pa rin ako. Damang dama pa rin ang sakit ng mga pangyayari. Kung sana ay hindi ko siniseryoso ang pag ibig siguro ay hindi ganito ka sakit ang nararamdaman ko. Kung sana ay hindi ko binigyan ng pansin ang pag ibig hindi siguro ganito. Pero maiiwasan ko ba iyon?

Nine years old ako noon ng una kong maranasan ang umibig at masaktan, gusto ko sya at ayaw nya sa akin. Ewan ko kung pag ibig nga iyon, basta ang alam ko sinaktan nya ako at pinaluha. Ngayon na dalawampu't limang taong gulang na ako at masasabi kong malayo-layo na rin ang aking narating ay nasasaktan pa rin ako. Bakit napaka ilap mo sa 'kin pag ibig?

Gusto kong paniwalain ang sarili ko na immune na ako sa sakit. Matagal na akong nasasaktan, dapat ay sanay na ako. Pero ang hirap magkunwari, ang hirap balewalain. Parang mas gusto ko pang mahulog sa umaandar na sasakyan at mabalian ng buto o kaya ay mapilayan kaysa maramdaman ang sakit na ito. Physical pain is really nothing compared to emotional pain.

Dati sinasabi ko, ang OA pag may nakikita akong mga babae na nag wawala, nang aaway, umiiyak ng sobra, naglalasing, sinisira ang sarili, nababaliw at nagpapakamatay pag niloloko o iniiwan ng mga minamahal nila. Dati sinasabi ko, sus lalaki lang yan. Dati sinasabi ko, madami pang lalaki sa mundo hindi dapat sila iniiyakan. Pero hindi pala ganon ka dali iyon. Hindi pala ganon ka dali sabihin iyon pag ikaw na ang nasasaktan. Talaga palang nakakabaliw, talaga palang masakit na minsan maiisip mo ng magpakamatay. Pero hindi ko iyon gagawin. Malalampasan ko ito. Mag mamahal akong muli at... masasaktan? hahaha

Bakit kasi may mga lalaki na walang konsensya? Bakit na kakaya nyong mag sinungaling makuha lang ang gusto nyo? Bakit nakakaya ng konsensya nyo ang manloko? Bakit hindi nyo kayang maging honest? Bakit hindi nyo alam ang salitang "makontento"?

Hindi nyo pwedeng isisi sa aming mga babae kung bakit kami nasaktan. Hindi nyo pwedeng sabihin na "hindi kasi kayo nag iisip." Hindi nyo pwedeng sabihin na tanga kami kaya kami na loko. Ganon kasi kami mag mahal, puso ang pinapairal. Hindi tulad nyo, na puson ang unang tumitibok at hindi ang puso.

"Tama na besfree, inom ka muna. Nailabas na ata ng mata mo ang lahat ng tubig sa katawan mo eh."

Hindi ko pinansin ang iniaaro nyang baso na may lamang tubig, sa halip ay hinarap ko sya.

"Besfree, anong mali sa'kin? Mahirap ba akong mahalin? Pangit ba ako?"

"Besfree, walang mali sayo. Sila ang may problema. Hindi ka naman pangit, mas maganda lang talaga ako. Tayo ka na dyan." Sabi ng bestfriend kong si Monica habang tinatahan ako at inaakay papunta sa kama ko.

"Bakit saka nya sinabi sa'kin na may asawa sya nung hulog na hulog na ako? Di ba sana sa umpisa pa lang sinabi na nya sa'kin para hindi ganito ka sa sakit. Di ba sana sa umpisa pa lang sinabi na nya para napigilan ko. Para hindi na umabot sa ganito."

"Hindi ko din alam kung anong dahilan ng lalaking iyon at ayoko ng alamin pa. Hinding hindi ka na lalapit sa kanya. Hinding hindi na sya makakalapit sayo. Tama ang desisyon mong lumayo na. You deserve someone better. Better than him, than him, than him, than him.Better than them!" Sabi nya habang dinuduro isa-isa ang picture ng mga ex-boyfriend ko na nakadikit sa likuran ng pinto sa kwarto ko.

Hindi ko rin alam kung bakit kailangan idikit ko dun ang mga pagmumuka nila. Basta nakasanayan ko lang. Pag masama kasi ang loob ko at may mga bagay na hindi ko masabi sa kanila ng harapan, sa likod ng pinto ako sumisigaw. Sa kanila ko inilalabas lahat ng galit ko, minsan nga ay sinusuntok at sinisipa ko pa iyon.

"Ito na ang huling luhang ipapatak ko. Matitikman nila ang batas ng alipin!"

"Oi sounds creepy. Hindi ko gusto yan besfree. Wala kang kailangang gawin, hintayin mo na lang ang karma na gumanti para sayo. Yang karma kasi parang movie lang yan, kung hindi pa showing, malamang coming soon."

"Ayoko ng magmahal, pagod na 'ko." Yun na lang ang nasabi ko habang pinupunasan ang luha ko,gamit ang likod ng aking palad. "I'm not going near a man again, ever!"

Hinarap nya ako at ipinatong ang dalawa nyang kamay sa aking balikat, seryoso nya akong tinignan sa mata. "You will, besfree. Hindi lahat ng lalaki ay kasing sama ng mga lalaking iyan. Hindi lahat ng lalaki ay katulad nila." Tumayo sya at lumapit sa pinto, isa-isa nyang tinanggal ang mga litratong nandoon.

"You'll find a good, decent man someday." Dagdag pa nito. Zacharias, Abel, Benjamin, Peter, Elijah, Ezekiel, Ishmael, James, Joseph, Luke, Mark, Matthew, Moses, Noah, Paul, Philip, Simon, Seth, Stephen, Timothy, Andrew, Gabriel and Levi. Lahat sila kakalimutan mo na. "

Tama si Monica, walang magandang naidudulot sa 'kin ang makita araw-araw ang mga pictures na yun. Lalo lang akong na de-depressed. Bawat larawan na yun ay nagpapaala-ala ng ibat-ibang klaseng sakit na pinag daanan ko.

"Grabe pala yung mga pangalan ng ex mo, 'no? Lahat nagmula sa bibliya pero ang mga ugali mula sa impyerno" Sabi ulit ni Monica matapos tanggalin ang mga picture doon at tinabihan ulit ako. "at sa dami ng ex mo, paano yun nagkasya sa puso mo?"

Baliw talaga 'to si besfree. Bakit? Hindi ko naman sila sabay-sabay minahal ah.

"Hindi naman siguro nila kasalanan lahat, kung bakit nila ako iniwan, niloko at pinagpalit sa iba. Baka may mali lang talaga sa akin. Baka may kulang, baka totoong malas ako." Karamihan kasi sa ex ko ay iniwan ako dahil nagkamalas-malas daw ang buhay nila ng makilala ako, may madalas pa ngang maaksidente kapag napapadikit sa katawan ko. (Kaya tuloy hangang ngayon virgin pa rin ako, sa kabila ng dami ng naging boyfriend ko.) At kung ako rin siguro ang nasa sitwasyon nila, lalayo ako sa malas.

"Besfree, maganda ka, matalino, mayaman at mabait. Kung ganyang klase ang malas eh malamang lahat ng tao sa mundo pipiliin na maging malas na lang."

"Kung i-describe mo ako, parang ang perfect ko. Pero bakit madalas pa rin akong masaktan? Yan ang hindi ko maintindihan."

"Tao lang tayo, besfree. Tayong magaganda nasasaktan din. Walang buhay na perpekto, hindi lahat ibibigay sayo. Hindi lahat makukuha mo. Hindi mo kontrolado ang mangyayari, Hindi lahat ng gusto mong mangyari ay magkakatotoo."

"So, tatanggapin ko na lang ang kapalaran ko na maging oldmaid?" Ngumuso ako.

"Besfree, ang tao parang kaldero din. Bawat isa may nakalaang takip, bawat tao may ka-match. Parang itong unan, may naka laang punda sa bawat isa. Pwede mong palitan ng mas malaki o mas maliit na pillow case, pero hindi ka makokontento dahil hindi ka kumportable dito kaya hahanapin mo pa rin ang pundang mag fi-fit sa unan na ito. Katulad sa buhay natin, may dumarating pero umaalis din naman."

Wala na akong masabi. Basta sa mga words of wisdom ni besfree natatahimik ako.

"Sige na magpahinga ka na. Itulog mo na lang yan." Paalam nya, at niyakap ako.

"Tama na ang iyak ha, Mahahanap mo rin ang tamang takip at punda na mag fi-fit sayo." Pahabol nito bago tuluyang sinara ang pinto.

Mimaw (ang boyfriend kong MAMAW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon