Short Story #3

203 14 0
                                    

Bestfriend ko sya .. pero ang puso nya tumitibok para sa iba ..

Lagi ko syang kasama pero ang bukambibig nya ay pangalan ng iba .

Ang sakit nun para saken lalo na kung hindi lang kaibigan ang tingin ko sa kanya .. 

Siguro naman nagets nyo na ko ?

I love my bestfriend though he loves someone else .Pero bilang BESTFRIEND nya, kelangan ko syang suportahan sa isang bagay na nagpapasaya sa kanya, at sa nakikita at naririnig ko ngayon . sa tono ng pagkwekwento nya saken tungkol sa kanila ng Girlfriend nya . 

Masaya sya ..

Hindi lang masaya ..

dama ko ren na Mahal na mahal nya sya talaga.

****************

" anong ginagawa mo ? " Nagulat ako sa nakita ko, nakita ko ang GF ng bestfriend ko na may kahalikan na ibang lalaki. teka ! Tino-two time nya ba ang bestfriend ko ! Hindi pwede toh !

" Mind your own business Girl, subukan mong magsumbong sa kanya . Oh wait .. hindi ka naman papaniwalaan nun .. ako ang GF . at mas mahal nya ko kesa sayo. Hindi sya magagalit saken . Tss .. bahala ka na pala kung gusto mong magsumbong . haha " 

Pinagpatuloy lang nya ang paghalik dun sa lalaking kasama nya. Niloloko nya lang ang bestfriend ko ! Kelangan malaman agad to ng bestfriend ko ! Wala akong pakelam kung hindi nya ako papaniwalaan ang mahalaga masabi ko toh sa kanya !

Tumakbo na ako papunta sana sa bahay nila pero, POTEK ! tumawag ang mama kong umuwi ! kaya dumiretso na lang muna ako sa aming bahay.

Isa ..

Dalawa ..

TAtlong oras din akong nagtagal sa bahay .

Matpos kong Gawin ang mga dapat kong gawin, Pumunta agad ako sa bahay ng Bestfriend ko.

Pero huli na ..

" Yeah babe, and she's now threating me .. " Paawang sabi ng GF nya habang nakapulupot ang kamay nito sa bestfriend ko.

" IKAW! " tinuro ako ng bestfriend ko ng may galit sa kanyang mga mukha . " Bestfriend pa naman din kita ! Tas gagawin mo toh sa girlfriend ko ! Pano mo toh nagawa hah ?! "

" Teka, wala akong ginagawa ano ka ba .. " Hindi nya ako pinakinggan . 

" Just Get out my house please ! Kumukulo ang dugo ko sayo ! " Sinigawan nya ako. hindi nya man lang ako pinagexplain .

" Pero-"

" GET OUT ! " - nabigla ako sa pagtaas na naman ng boses nya, tumakbo na lang ako palayo .. naluluha ako. Mas pinaniniwalaan nya pa ang GF nya kesa saken na Bestfriend nya na ng ilang taon . Ang sakit para saken .. Wala akong magawa, Mas mahal nya ang GF nya kaya mas may tiwala sya dito . hindi ko naman sya masisisi ..

Pero tama bang Ganito na lang ang gawin ko ?

hindi na ba ako gagawa ng paraan para malaman nya ang totoo . BESTFRIEND ko sya ! Niloloko na sya ng taong mahal nya !

kelangan ko parin sabihin sa kanya . kahit anong pagtatabuyan ang gawin nya sakin ..

*********************

" Mag-usap naman tayo please .. bestfriend .. " pagmamakaawa ko habang nakaharap sa kanya .

" Sasabihin mo na ba ang totoo na gumagawa ka ng kwento para mapaghiwalay kami ? " Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya . kung ganon binabaliktad ng GF nya ang sitwasyon ..

OneShots & ShortStories ni KawaiiPlayer =)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon