The Importance of My Boyfriend (Story.1)

91 2 0
                                    

Pahalagahan ang Boyfriend mo.

~

Ako si Andrea. 17 years old at 2nd yr BSBM. 

" Babe! Hintay Babe! " Sigaw ng isang lalaki mula sa likod ko. 

Sya si Pipoy. Nakakainis mang sabihin, pero OO. Boyfriend ko sya. Hayst.

Hinawakan nya ko sa braso, " Babe naman.. Bakit naman iniwan mo ko dun? " Tanong nya saken ng nag-aalala.

" Hindi kita iniwan. Ang tagal mo lng talaga. " Inis kong sabi sa kanya.

7 months na kami nito ni Pipoy sa.. Ay nga pala! BUKAS.

Tss.. Hindi ko maimagine kung pano kami tumagal nitong lalaking toh. Hindi ko nga din alam kung bakit naging kami e.. Ginayuma ata ako. Tss.. > _ <

" Ah. Ganun ba babe.. Sorry babe ah, Ang haba kasi ng pila dun sa Ice cream parlor na gusto mong bilhan e.. "

" Ah so kasalanan ko pa?! " Inis kong sagot sa kanya. Actually, Indi naman talaga sya ganun katagal e. Tska, ang plano ko talaga.. Iwan ko na lang sya.

Kelangan ko ng space..

" Hindi.. Hindi babe. Ako talaga may kasalanan e-- " Lumakad na ako. " Uy, Babe.. Teka. Galit ka ba? Wag kang magalit babe.. Please, Sorry na. "

Naglalakad na rin sya ng ksabay ko.

" Wag ka ngang maingay dyan! " Sigaw ko sa kanya.

" Eh kasi babe. Wag ka ng magalit. Please? Please? Sorry po talaga. " Sinasabi nya yun saken habang magkadikit ang dalawang kamay nya at tila nagmamakaawa. 

Teka, Chance ko na toh!

Chance ko na to para makahingi ng konting space sa kanya!

" Pipoy.. " Tumingin ako sa kanya. Napalunok ako. Bakit ganun? Nang pagkatingin ko sa kanya, Para bang.. Para bang.. Naging bago sya sa paningin ko. Hindi ata si Pipoy toh ah? Pero hindi e.. Sya toh. ARGH! Ano bang nanyayari saken.. Bakit ako nakakaramdam ng ganito.. Naguguluhan ako.

Naguguluhan ako kung sasabihin ko ba sa kanyang...

Kelangan ko ng space at oras para mapagisa,

Napailing ako.

" Babe.. May problema ba? " Tanong nya saken habang nakatitig sa mga mata ko. 

Ugh. I can't do this. 

Pero, nasasakal na talaga ako..

" Just leave me alone.. Pipoy, I need to go home. " Saka ako lumayo sa kanya at lumakad ng mabilis.

" Wait! Babe ! Andrea! " Tumatakbo na ako, Naguguluhan ako...

Mahal ko pa ba sya?

Mahal ko parin ba sya?

Hindi ko na ba sya mahal?

Minahal ko ba sya?

Kasi feeling ko, All this time. Iniiwan ko lang sya.

Hindi ko sya pinahahalagahan.

Pero, Nasasakal ako sa kanya e. Masyado syang mabait na Boyfriend. 

Naiinis ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan..

Sa araw-araw na ginawa ng diyos.. Bakit ganun? Naiinis ako, Nagagalit ako, Mainit lagi dugo ko sa kanya..

Pero, Hindi ko naman masabi s akanyang.. Break na kami.

Ano ba talaga?! >__<

Nakauwi na ako sa bahay, Humiga ako sa kama. Napapagod na ang utak ko.

OneShots & ShortStories ni KawaiiPlayer =)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon