****
The more you hate, the more you love.
Abnormal na lang siguro ang hindi nakakaalam sa katagang ito. Buong elementary years ko, madalas nababanggit 'yan ng mga kaklase ko. Kahit ako nga ay hindi nakaligtas sa katagang 'yan.
"Chevy? Che-Chebureche!" Pang-aasar ko sa new student namin. Buti nga tinanggap pa siya kahit grade 6 at graduating pa naman siya nang lumipat.
Sus! Nakatapak lang sa land of milk and honey kung makapag-ingles akala ko hindi marunong magtagalog.
"Yeah, right. Whatever! Double loser!" Maarteng sagot niya sa akin na may ginawa pang hand gesture na pa-letrang L tapos inilapit sa noo niya.
"The more you hate, the more you love." Asar ng mga babaeng kasama nung maarteng bagong salta.
"Over my dead gorgeous body!" Maarteng sabi na naman nito na may american twang kung makapagsalita.
"Hoy, kayo! Tigilan niyo ako sa kaka-the more you hate, the more you love dyan. Kahit 'yang amerikanang hilaw na 'yan na lang ang natitira. Hindi ko papatulan 'yan." Maangas at may pagbabantang sabi ko at umalis na rin.
Noong una ay natutuwa akong may bagong kaklase kami kaya lang nang kausapin ko siya nung isang linggo. Pucha! Ang sungit. Nakakabwisit!
"Ba't salubong 'yang kilay mo?" Pansin ni Harold, pinsan at schoolmate ko rin, nang tumabi ako sa kanila dito sa bandang likuran ng classroom namin.
"Amerikanang hilaw."
Alam na nila kung anong ibig kong sabihin kapag 'yun ang sinabi ko. Nagtawanan at kinantyawan lang ako ng mga loko.
"Inaasar mo kasi. Mabait naman 'yung si Chevy ah!" Sabi ni Baron
"Nakakaasar kasi. Ang arte na, ang sungit pa."
"Sa'yo lang ata eh." Natatawa pa ring asar nila sa akin.
Kung hindi lang talaga ako sinungitan nun, hindi ko naman siya bwibwisitin.
--
A WEEK AGO -- Dalawang linggo pa lang ay may assignment na agad na pinagawa sa amin 'yung teacher namin. Kinokondisyon pa nga lang namin 'yung sarili namin ay sasabak agad kami.
Tinapik ko ng mahina sa balikat 'yung katabi kong new student na Chevy ata ang pangalan.
"Alam mo ba 'yung assignment natin sa Filipino? Di ko kasi..."
Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil sinupalpal agad ako.
"You should pay attention when the teacher give instructions for our assignments."
Problema nito!? Nakakainsulto kung makapagsalita. Pwede naman niyang sabihin nang maayos sa akin. Bakit papangaralan pa ako nito. Tsaka, pinatawag kaming basketball team nung filipino time namin kaya di ko nakuha.
"Sorry ah! Wala kasi ako kahapon." Angil ko sa kanya.
Sino bang di kukulo ang dulo sa taong 'to. Kaya bago pa tuluyang mag-init ang ulo ko at makalimutan kong babae pa rin siya, umalis na lang ako.
--
Ilang buwan pa ang lumipas pero ganun pa rin. Kumukulo pa rin talaga ang dugo ko sa Chevy na 'yun. Lalo na kapag naririnig ko kung paano siyang makipag-usap.
"Oh my gosh! I super like your bag!" Sabi nito sa isa sa mga classmate namin na kadarating lang.
"Girl, sa divi ko lang 'to nabili. Mas maganda nga 'yung iyo eh. Imported!"
"Divi? Where is that?" Kunot noong tanong niya
"Isasama kita next time kapag pumunta kami ni mama ulit dun."
BINABASA MO ANG
Bitter sweet endings (COMPLETED)
Cerita PendekPaano nga ba masasabing maganda ang katapusan ng kwento? Kapag ba, nagkatuluyan sila? Sa mga hopeless romantic, siguro.. Oo. Pero, ako? Hindi. Mas gusto ko 'yung realistic. Pawang katotohanan lang at walang halong ka-echosan. Note: If you're a fan o...