~Sofia's POV
"Sofie mauna kana.. may dadaanan langa ako.. Sunduin mo nalang si Trish sa room nya.. Dalhin nyo nalang yung kotse.. Mag co commute nalang ako.." ako.. tumango nalang sya..
Umalis nako.. habang naglalakad ako patungong Resto.. Kakain muna ako bago gumala.. napansin ko na parang may sumusunod sakin.. Hindi ko nalang pinansin..
Pagka rating ko sa isang Resto.. Umorder agad ako ng pagkain..
~Ivan's POV
Nandito ako ngayun sa isang Resto, sinusundan ko si Alexa.. May plano kasi ako.. Grabe.. Ang lakas nyang kumain.. Pero hindi naman tumaba.. nandito ako ngayun sa bandang likoran nya..
*bzzz.bzzz.buzzz*
May tumatawag pala sakin..
"Hello?" (Sir handa napo ang mga tauhan natin)
"Talaga?
"(Opo,pero sir sigurado ba talaga kayo sa gagawin nyo? Ang sabi nyu babae sya pero bakit sampo pa ang lalaban sa kanya?)"
"Wag kang mag alala kung Hindi nya kayanin ibig sabihin lang nyan mahina sya.."
"(Pero Sir isa parin syang-)"
"sige na.. Bye"
*tooot*
Tignan natin kung hanggang saan ang makakaya mo Alexa..
~Sofia's POV
Pag ka tapos kong kumain.. umalis na agad ako.. ngayon ko lang napansin na padami ng padami ang mga sumusunod sakin siguro mga sampo silang lahat.. puro lalaki.. Naka black suit silang lahat.. parang mga bodyguard.. Pero bakit nila ako sinusundan.. kailangan ko silang takasan sa ngayon hanggat kaya kopa.. Baka kasi malaman nila mama na nakikipag away na naman ako.. Binilisan ko nalang yung pag lakad ko.. Hanggang napunta ako sa lugar kung saan wala masyadong tao.. Perfect.. Dito ko nalang ito tatapusin.. napapagud nako kakalakad eh..
"Ano bang kailangan nyo sakin?"walang emosyon kong sabi habang nakatalikod sa kanila..
"Pasensya na pero napag utosan lang kami na hulihin kayo."sabi nung isa.. sino naman kaya ang lokong nag utos sa kanila na hulihin ako.
"Umalis na kayo" cold kong sabi.. habang naka talikod parin sa kanila..
"Hindi po pwede.. mabuti pa siguro
Sumama nalang kayo samin. "Sabi pa nang isa.. wala na kong choice kung hindi patulugin tong sampung to.. humarap nako sa kanila.."Eh kung ayaw ko anong gagawin nyo?"ako sabay ngiti sa kanila ng ngiting pang aasar..
~Ivan's POV
"Eh kung ayaw ko anong gagawin nyu?"Alexa sabay ngiti.. Hindi yun normal na ngiti.. Ngiting pang aasar yun.. Kakaiba talaga tong babaeng to.. nandito ako sa loob ng kotse ko naka masid ako sakanila.. sa totoo lang yang sampung yan mga baguhang bodyguards namin.. gusto ko lang subukan kung makakaya ba nila si Alexa at kung makakaya ba sila ni Alexa.. Masyado bang brutal tong ginagawa ko?.. na curious kasi talaga ako sa babaeng to eh.. Para kasing kulang pa sakanya ang sampung yan.. Pero pag hindi nya kayanin lalapit ako at kunyari tutulungan ko sya.. haha.. Ayos no ako ang nag pa bugbug sakanya tapos tutulungan ko sya..
Lumapit sa kanya ang dalawa kung tauhan at hahawakan na sana sya pero biglang tumalsik yung dalawa... Kung titignan mo sya parang wala lang sakanya ang nangyari.. Kahangahanga talaga sya.. Lumapit pa yung tatlo.. sinuntok nya yung isa sa mukha at sinipa.. kaya ayun 3 na ang tulog.. Susuntukin na sana sya nung isa pero nahawakan nya ang kamay nito at sinipa nya sa where.it.hurt.the.most(A/N: kung hindi nyu po na gets.. yung precious balls po ng mga lalaki ang sinipa nya)kaya ayon bagsak.. Lumapit yung dalawang lalaki sakanya at hinawakan sya sa magkabilang braso at sumugod na yung 4 pa.. Lalabas na sana ako para tumulong kunyari haha.. Pero nagulat nalang ako dahil biglang bumagsak yung dalawang nakahawak sakanya.. Natigilan naman yung 4 na susugod sana..
"Alam nyo ba na ang pinaka ayaw ko sa lahat Ay yung hinahawakan ako"sya sabay lapit don sa apat at sa isang iglap napatumba nya yun lahat... kahanga hanga talaga sya.. Parang nasa kanya na lahat ng hinahanap ko.. I think I like her.. Pag tingin ko sa mata nya...
~DUB.DUB.DUB.DUB.~
Napa hawak ako sa puso ko. Grabe ang bilis ng tibok.. Hindi kaya mahal ko na sya.. O.O..sinabi ko bang mahal ko sya??erase erase.. Hindi mo sya mahal.. siguro crush lang.. tama *tango* *tango* crush mo lang sya.. Paghanga lang yung naramdaman mo sa kanya.. tama tama.. Huminga Mona ako ng malalim bago lumabas sa kotse ko.. lumapit ako sakanya..
"Alam mo kahanga hanga ka talaga"ako.. Lumingon sya sakin at tinignan nya ko ng masama..
"Biruin mo napatumba mo yang sampung yan.."ako sabay turo dun sa sampung bodyguards namin na tulog na..
"Ikaw ba ang may pakana nito.."cold nyang sabi.. Teka pano nya nalaman yun..
"Teka, pano mo nala-*BLAAAGGG*"Hindi ko natuloy yung sasabihin ko sana dahil sinipa nya ko.. May lahi yatang kabayo to eh.. Napa upo tuloy ako.. grabe ang lakas nyang sumipa..