*Chapter 9*

1 0 0
                                    







~Ivan's POV




Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse ko.. Papunta kaming restaurant.. E lilibre ko kasi tong amazonang to.. Baka kasi masipa pa yung ano ko. naluko na talaga. baka hindi ako mag karoon ng anak nito pa nag kataon..


Tinignan ko sya tahimik lang syang nakaupo sa passenger seat. Ako kasi ang nag drive ngayon dahil inutusan ko yung driver ko na gisingin na yung 10 bodyguards ko na nakatulog. Nakatulog ba o pinatulog? Haha..
Masyadong tahimik. Nakaka bingi na. Kaya nag open ako ng topic.

"Bakit ba ang galing mo sa basketball? Sinong nag turo sayo?" Ako..

"Ang papa ko" siya.

"Player ba ng basketball ang papa mo?" ako

"Hindi naman. Marunong lang talaga syang mag basketball." sya

"Ahhh" ako

"Teka, usap tayo ng usap pero hindi pa kita kilala. Sino kaba? I mean, anong pangalan mo?" sya. Aray. Na hurt ako don ah. Hindi nya ko kilala.

"Pano nangyari yun, eh mag kaklase tayo." pabulong kong sabi..

"Ano?" sya.

"Wala. Ako nga pala si Ivan Montreal. May dalawa akong kapatid. Siguro kilala mo na sila. Actually yung mukhang playboy. Kambal ko yun." ako

"Ah. Siguro playboy karin." sya

"Anong playboy. Hindi no" ako.. Totoo naman eh.. Hindi nga ako masyado nakikipag usap eh.. Sa kanya lang ako nagiging madaldal. At parang nag iiba ugali ko sa kanya. Para akong bata pag kausap ko sya, Ewan ko ba.

"Nandito na tayo. Ihinto mo na" sya. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami.. Pinark ko na yung kotse ko. Pag labas namin. Pumasok na agad kami sa restaurant..







~Sofia's POV







Pag pasok namin sa restaurant. Umorder agad kami. Nagutom ako kanina eh. Pag dating ng order namin kumain agad ako. Pag tingin ko sa kanya. Naka tingin din pala sya sakin. Problema nito?

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" Ako. Tumawa lang sya.

"Ang takaw mo alam mo yun?" Siya. Matakaw daw. Nagutom ako eh. Hindi ko nalang sya pinansin. Pag ka tapos naming kumain, napag pasyahan ko nang umuwi..

"Oh pano ba yan. Uuwi nako" ako. Teka bakit bako nag papa alam sa kanya. tss weird.

"Hatid na kita" sya..

"Wag nalang mag bubus nalang ako." Ako..

"Sigurado ka?" sya.

"Oo naman." ako

"Sige. Pero friends na tayo, right?" siya. Friends? Sige nanga. Wala naman sigurong masama don.

"Okay" ako sabay alis.

Hindi pa ako nakakalayo ng bigla syang sumigaw..

"Alexa hintay!!" sya. Lumingon ako sakanya. Nakita kong tumatakbo sya palapit sakin. Ano nanaman ba ang kailangan ng isang to? At ano daw Alexa?

"Anong kailangan mo. At bakit Alexa tawag mo sakin?" ako..

"Diba pangalan mo din ang Alexa?" sya..

"Oo nga. Pero lahat sila Sofia tawag sakin." ako..

"Alam ko. Kaya nga Alexa tawag ko sayo para maiba naman." Sya

"Tss. Bahala ka nga. Teka ano bang kailangan mo?" Ako.

"Ahhh. Hmmmm, the thing is...." anong problema nya?

"Ano nga?" ako..

"Ano kasi.. Pwede bang humingi ng ano. Ng number." Sabi nya na parang na hihiya pa. Tss. Yun lang pala eh..

"Anong klaseng number ba? Plate number? ID number? LRN Number? O Lotto number?" ako. Aasarin ko muna to. Haha.

"Hindi. Yung ano... Yung cellphone number mo" sya. Haha. I can't believe na ang isang kagaya nya na parang suplado at hindi nakikipag usap kahit kanino, ay na uutal kapag kausap ako. Hahaha

"Ahhh. Okay. Akin nang cellphone mo" ako. Binigay naman nya ang cellphone nya sakin. Sinave ko nayong number ko sa cellphone nya.

"Oh." ako sabay balik ng cellphone sa kanya.

"Thanks. Bye." sya sabay alis. Kaya umalis na rin ako. Sumakay nako ng bus. Pag dating ko sa bahay. Pumasok agad ako. Pagud nako eh. Pag dating ko sa sala. Nakita ko yung dalawa nanonood ng TV.. Teka may kasalanan pa sakin tong si Trish eh..

"Oh. Ate nandito kana pala." Trish.

"Teka, may kasalanan kapa sakin." ako. Ngumuso nalang sya sakin. Tss. Akala nya madadaan nya ako sa pa nguso nguso nya. Pwes hindi no.

"Tumigil kanga. Nag mumukha ka ng aso dyan. Ito nalang ang punishment na ibibigay ko syo. Ahmmmn. Since wala tayong maid dito na taga linis. Ikaw ang mag linis ng bahay in one week." ako sabay akyat papuntang kwarto ko.

"Ate naman eh!!!" sya. Haha.

Hindi ko nalang sya pinansin. Pagpasok ko sa kwarto ko. Nilapag ko lang yung bag ko sa table ng kwarto ko tapos dumiritso nako ng Cr para maligo. After 15 minutes. Tapos nakong maligo. Nagbihis nako tapos humiga sa kama ko. Bumuntong hininga nalang ako..

"Ang daming nangyari ngayong araw. Mukhang napagod yata ako." sabi ko sa sarili ko.

*buzz.buzz*

Kunuha ko yung cellphone ko nasa side table ng kama ko may nag text kasi eh..

From:0936****100
     :si Ivan to..
     : kumain kna?
  

Ahhh si Ivan lang pala eh. Maka reply na nga.

Ako: wla p bkit?

*buzz*

Woah.. Ang bilis mag reply ah..

Ivan : kumain kna.. Alm m ba kng anong oras n?

Ako: bkit? anong oras nba?

Ivan: wag  tanga.. Try m kyang tignan yang cp mo..

Ako: kung maka tanga nman to oh.

Tinignan ko yung cellphone ko.. 7:30 pm na pala. Hindi ko lang man namalayan.

Ako: sge kain mna ko

Ivan: ok

Bumaba nako para kumain. Pag baba ko. Nakita ko yung dalawa kaka upo lang sa dining table.. Tss. Hindi man lang ako tinawag tss.

"Ano yan? Kakain nalang ba kayo ng kayo lang? "ako.

"Ah. Ate tatawagin kana namin kaya lang ano. Ano kasi...." Trish

"Ate natatakot sya na baka dagdagan mo pa yung parusa mo sakanya. Kaya hindi ka nya tinawag." sabi ni Sofie

"Ano kaba ate?! Kahit kailan pahamak ka talaga..!" pabulong na sabi ni Trish. Pero rinig ko naman. Hindi ko nalang sya pinansin at kumain nako. Pag katapos kong kumain tumayo nako para hugasan yung pinagkainan namin.. Kaya lang tinatamad ako eh..

"Trish ikaw ang mag hugas ng mga plato. Punishment mo yan dahil sa ginawa mo kanina." ako

"Ate naman eh!" sya

"Bakit? May angal ka? Gusto mo dagdagan ko pa ang parusa ko sayo?" ako

"Naku wag na ate. Sabi ko nga eh huhugasan ko nayan." sya sabay takbo papuntang lababo. Haha. Si Sofie naman napa iling nalang. haha wala sa mood tong tumawa dahil wala na yung first kiss nya. Haha. Umakyat nako at pumasok sa kwarto ko at humiga.. After 5 minutes naka tulog narin ako..

*Zzzzzz.zzzzzzz.zzzzzzz*

Bad Boys Meet The AmazonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon