*Chapter 10*
~Sofia's POV
Nagising ako dahil subrang ingay sa labas. Storbo naman oh. Inaantok pa kaya ako. I swear papaluin ko talaga tong gumising sa kin..
"ATE BABA NA.. KAKAIN NA TAYO!!"sigaw ni Trish. Sya pala yung gumising sakin. Humanda ka ngayon Binuksan ko nayung pinto ng kwarto ko at nakita ko sya sa labas..
"Buti naman ate at naisipan mo nang lumabas dyan sa- *PAK*"hindi nya natuloy ang sinasabi nya dahil pinalo ko sya. Ang ingay kasi eh.
"Ano ba ate?! Masakit kaya"sabi nya sabay himas sa ulo nyang pinalo ko..
"Ano ba kasi ang kailangan mo"ako
"Kakain na kasi eh.. Tinawag na kita dahil baka parusahan mo nanaman ako"sya haha.
"OK" ako. Bumaba na kami. Nakita ko si Sofie na kumakain na. Umupo na din kami at kumain na.
"Ate kamusta naman kayo kahapon. May nang yari ba? Si ate Sofie kasi ayaw mag kwento eh.."Trish. Haha natural na Hindi yan mag kukwento sa nangyari kahapon mabuti nga kami lang apat ang naka kita. haha.
"Gusto mo talaga malaman?"ako sabay tingin kay Sofie.. Tinignan lang ako ng masama ni Sofie.. Haha..
"Oo eh.. Ano bang nangyari..? Trish.. Ngumiti lang ako ng nakakaloko kay Sofie.. Haha
~Sofie's POV
Bwiset talaga tong si ate.. Siguradong aasarin nanaman ako nito ni Trish..
"Ahm.. Ganito kasi yun.."ate.. Naku. Iniiwasan ko nga ang topic na yan eh.. Hindi ko talaga lubus maisip na wala na yung. UUURRGGHH!! ayoko ng pag usapan yan..
"Ano ate?"Trish..
"Sasabihin ko sayo mamayang uwian"ate. Salamat naman.. Medyo matagal pa bago ako ulanin ng asar nitong si Trish..
"Pabitin ka naman ate eh"Trish.. Haha.. Pagkatapos naming kumain.. Pumasok na ako sa kwarto ko at ginawa ang morning ritwals ko.. Ligo..toothbrush..bihis.. Suklay ng buhok.. Pagkatapos bumaba nako.. Naabutan ko yung dalawa papasok ng kotse.. Iisang kotse lang kasi yung ginagamit namin eh.. Para daw tipid sa gasolina.. Tss. hindi naman kailangan mag tipid eh.. Hindi kasi binigay ni mommy yung susi ng kotse naming dalawa ni ate eh.. Kaya Kotse lang ni Trish yung ginagamit namin. ako ang mag mamaniho dahil kung si ate Sofia kasi parang lilipad yung kaluluwa mo dahil sa bilis mag pa takbo..
Pina andar ko nayung kotse. pag dating namin sa school pinark ko nyung kotse.. At lumabas na..
"Trish Hindi kana namin ihahatid ha.."ako.. Nakakatamad na kasi eh..
"Okay.. Don't worry kaya ko na.. Una nako bye.." Trish sabay alis..
"Tara" ako.. Tumango nalang si ate
.nag lalakad na kami papuntang room. 7:30am palang eh. Mamaya pang 8:00am klase namin. Same lang kasi lahat ng schedule namin ni ate. Pag pasok namin ng room grabe ang inggay may mga naglalandian nag babatuhan ng papel.. Hindi nalang namin sya pinansin.. Umupo nalang kami sa table namin.. Cheneck ko muna yung upuan baka kasi may kung anong sira na naman.. Pag tingin ko wala namang kakaiba sa upuan namin kaya nag taka tuloy ako.."Anong nangyari. Nakakapag taka naman. Dahil wala nang nag bubully satin"ako.
"May kasunduan kasi kami ng leader ng 3 bad boys na si Ivan"ate.. Kasunduan? Ah Ivan pala ang pangalan nung mukhang pinaka matanda sa kanila.. To be honest, di ko naman masabi kung sino yung pinaka bata at pinaka matanda sa kanila dahil parang magkaka edad lang sila. Feel ko lang kasi na sya yung pinaka matanda kasi sya yung mukhang pinaka mature mag isip sa kanila eh.
"Anong klasing kasunduan naman yun?"ako..
"Nakipag laro ako sakanya ng basketball. At may pustahan kami.. Na kapag sya ang nanalo ililibre ko sya at magsosorry ako sakanya. at hahayaan ko syang sipain ako. pero pag ako ang nanalo hindi ako mag sosorry sakanya at ililibre nya ako. Hindi narin nya tayo bubulihin.. At hindi na nya ako sisipain."sya. grabe yung kasunduan nila ha..
"Sinong nanalo?"ako.. Alam ko naman na sya ang mananalo eh. Naninigurado lang ako. Wala pa kasing nakakatalo sa kanya ng basketball eh.. Kahit na nga ako hindi ko sya matalo..
"Ay tanga.. Hindi ba Obvious? Syempre naman edi ako"sya kung maka tanga naman to oh..
"Pano mo naman nasisiguro na susunod sya sa kasunduan nyo?"ako.. baka kasi dayain lang sya nung Ivan nayun..
"Sinabi ko sakanya na sisipain ko yung precious balls nya pag hindi sya sumunod sa kasunduan namin.."sya.. Haha.. Napaka brutal talaga ng babaeng to.. Napa iling nalang ako.. Mayamaya dumating na yung dalawang ugok..
"Hi Alexa.."sabi nung Ivan daw.. Anong sinabi nya Alexa? Bago yata yun ah.. Sa pag kakaalam ko ayaw nyang tawagin sya sa ibang pangalan eh.. Bukod sa Sofia.. Himala.. Haha.. Tumango nalang si ate. Hindi nya kasi ugali na mag response ng hi o hello eh..
"Hi Jane"sabi nung manyak nyang kasama. anong sabi nya Jane? Tss. Inisnaban ko nalang sya.. Galit pa kaya ako sakanya..
"Hi mong mukha mo"ako..
"Lol!! haha basted.."sabi ni Ivan sakanya. Sabay tawa. Tinignan lang sya nang masama ng unggoy nayun..
"Ivan.. Babe?! Kamusta kana?!" sigaw ng isang malanding boses. Pag tingin namin sa pinto.. May nakita akong isang babaeng maganda at sexy kaya lang subrang kapal ng make up. Tapos ang ikli ng damit.
"Myka?" gulat na sabi ni Ivan at nung manyak na unggoy nayun. Teka kilala nila yang babaeng yan? Lumapit yung babae sa kanila tapos kiniss nya sa checks yung dalawa. eww. Nakakasuka..
"Dylan kamusta kana?" Sabi nung Myka daw doon sa manyak na unggoy..
"Okay lang naman ikaw?"sabi ng unggoy na Dylan na yun..
"Okay lang din. Ikaw babe kamusta kana?"sabi nung Myka daw.. At ano babe? Gf nya bayan?
"Okay lang din.. Ano bang ginagawa mo dito Myka?"sabi Ni Ivan.. Tinignan ko ng mabuti si Ivan, biglang naging cold yung aura nya. Sino ba tong impaktitang to?