That night
Nagising na lamang ako sa malamig na hanging yumayakap sa akin. Dahan-dahang ko minulat ang akong mga mata hanggang sa mapansin kong hindi na pala kami umaandar, nakabukas narin iyong bintana ng kotse ni Seungyoun habang nakaalis narin ang seatbelt na kaninang nakayakap sa akin.
Nilibot ko ang aking paningin at hindi naman ako nabigong matanaw kaagad si Seungyoun na kasalukuyang nakatayo ilang hakbang mula sa harapan ng sasakyan, nakatalikod ito habang nakapatong ang magkabilang kamay sa railings. Nakasuot siya ng sweatpants at hoodie na grey simple lang naman sanang outfit pero ang lakas ng dating sa akin.
1:00am, iyon ang oras na nakita ko sa dashboard ng kotse niya bago magpasyang lumabas at samahan siya. Marahan akong naglakad at napapikit na lamang sa hampas ng hangin habang nakangiting dinadamdam ang bawat pagyakap sakin nung malamig na hangin.
"Gising ka na pala..." bungad ni Seungyoun nang tabihan ko siya. "It was an hour and half drive.. ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi na muna kita ginising" dagdag nito. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at doon bumulaga sa akin ang nagkikislapang city lights sa ibaba.
City lights... sa tahimik at malamig na gabi ang mga city lights lamang na iyon ang nagsisilbing liwanag. But the warmth color of those lights were enough to keep us warm. Atleast.
"Ang ganda dito..." iyon lamang ang tangi kong nasabi habang pinagmamasdan ang kabuuan ng syudad. Naramdaman kong bahagyang gumalaw si Seungyoun sa tabi ko at ilang sandali lamang naramdaman ko na ang kamay niyang tinitipon ang hibla ng buhok kong sumasayaw sa ere.
Nanatili lamang siyang tahimik habang masaya akong nakatingin at tinatandaan ang bawat detalyeng nakikita ko sa ibaba. Iyong mga ilaw ng mga sasakyan na patuloy sa paggalaw, iyong liwanang na nililikha ng nagsisilakihang mga billboard, mga ilaw mula sa building na unti-unting nawawala... lahat-lahat. Lahat nang iyon.
"I didn't expect you to like this place, Adely" sambit niya kaya ako naman itong natigilan at napalingon kaagad sakanya. Sumalubong agad sakin ang mga mata niyang namumungay.
"Why? Ang ganda kaya ng view tapos ang hangin pa. Ramdam na ramdam mo yung peaceful sa lugar na 'to. Nakakarelax. Parang ang saya magstay dito." sagot ko sakanya. Ibinalik niya yung kamay niya sa railings at nag-iwas ng tingin.
Ang mga mata niyang nasa akin kanina ay nililibot na ang kabuuan ng syudad. Gabing-gabi na pero mukhang alive na alive parin yung buong luhar dahil sa mga ilaw na nabubuhay doon.
"This place used to be a fun place for me too" biglang sambit nito kaya pasimple ko itong hinarap, malinaw kong nakikita ang side profile niya at ang pagsayaw ng malambot niyang buhok sa ere.
"Etong lugar na 'to ang pinakapaborito ko sa lahat ng tambayan namin Adely. We usually hang in here to talk about our lives. To deal with our problems, to hide and everything. But if I were being honest, itong lugar na 'to ang pinakahuling lugar na dapat kong puntahan. Sobrang daming memories ang nabuo dito dahil ito rin ang naging takbuhan ko sa lahat." pagpapatuloy niya. All of a sudden bigla nalang itong ngumiti at mabilis na umiling, unti-unti narin kumirot ang puso ko habang pinagmamasdan ang ngiting lumandas sa mukha ni Seungyoun.
That smile... I'm pretty sure that's the smile because of pain. And I hate seeing it. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko habang pilit tinatanaw ang kumikislap na niyang mga mata habang nakayuko at hindi nawawala ang tingin sa city lights.
Dumeretso ito ng tayo at dahan-dahan akong hinarap. Sinabit niya sa gilid ng tenga ko iyong mga buhok kong sinasayaw ng ere. Ang mga niyang may bahid ng lungkot ay deretso na ngayong nakatitig sa mga mata ko. He smiled at me one more time habang iyong kabila niyang kamay ay nakapahinga na sa kabila kong pisngi.
"Welcome to my world, Adely."

BINABASA MO ANG
flashdrive | cho seungyoun
Short StoryWhereas Cho Seungyoun is in search for the missing flashdrive that unveils the biggest secret between the clash of two notorious mafia, SIXC and GOTZU. But later finds himself chasing after GOTZU's muse, Adely Jeon. Seungyoun x Reader xyz series #1