Adely
"Ano ba kasing naisipan mo at bigla ka nalang pumunta dito nang ganito ka-late?" bungad ko agad sa kanya matapos ko itong mahila paakyat sa balcony. Bantay sarado 'yung buong building kaya nahirapan akong pumuslit palabas. Heto, si Seungyoun nagawa pa akong ngitian! Ang saya niya pa.
Deretsong nakatingin sa mga mata ko habang hindi nabubura ang ngiti sa labi, dahan-dahan niyang nilapit yung mukha niya sa akin. Sa bawat paglapit niya ako naman itong palihim na umaatras at hindi magawang iwasan ang titig niyang parang may gustong sabihin. Iba ang mga titig na 'yon na parang gusto na lamang makipaglaro, parang nakamagnet na iyon sa mga mata ko kaya kahit ang pag-iwas ng tingin ay hindi ko na magawa.
Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang segundo nakahinga naman ako ng maluwag nang bigla itong ngumiti ng napakalapad sa harapan ko bago tumayo ng diretso, na nabibigyan ng sapat na espasyo para sa aming dalawa.
"Wala lang" tipid na sagot nito na ikinakurap ko.
"Ha?"
"Tinatanong mo kung bakit ako nandito diba? Wala lang." ulit nito bago sumandal sa pader habang nakapamulsa. Ilang minuto kaming natahimik habang si Seungyoun naman ay nakatingin lang sa malayo pinagmamandas yung view na natatanaw mula dito. Mga building lang naman 'yon na may humahalong city lights.
Marahan ko itong kinalabit at hindi naman ako nabigong makuha agad ang atensyon niya.
"Tanaw na tanaw pala dito yung campus namin" sabi nito. "Halos isumpa ko na 'yan pero hanggang dito hinahabol parin ata ako" dagdag pa nito at marahang natawa.Nagpatuloy lang nang ganoon ang kwentuhan namin kapwa nag-iingat na walang makarinig sa aming dalawa hanggang sa tumunog iyong cellphone niya. Bahagya kong sinilip iyong screen sa ikatlong ring noon. "Wala ka bang balak sagutin? Baka importante" tanong ko sa kanya.
"Mga tropa ko lang 'yon. Saan na nga ba tayo?" sagot nito na ikinailing ko. "Sagutin mo muna 'yan. Tatlong beses ka nang tinatawagan nung tao hindi ba ibig sabihin non importante yung sasabihin niya?" wala sa sarili kong hinawakan iyong kamay niya saka hinila siya papunta sa kabilang dulo nitong balcony.
"Sagutin mo na. Hindi ako makikinig. Promise!" sabi ko at itinaas pa iyong kanan kong kamay saka bumalik sa kinatatayuan ko kanina. Kagaya nang sinabi ko sinagot niya nga iyong tawag tahimik lamang ito at mukhang pinapakinggan yung nasa kabilang linya. May kung ano siyang sinabi doon dahil sa nakita kong paggalaw ng kanyang labi na hindi ko na nasundan.
Matapos non binaba niya rin yung tawag at pasimpleng ipinasok yung cellphone niya sa kanyang bulsa. "Adely.. I need to go." sabi nito saka lumingon sa loob ng kwarto namin. "May kasama ka ba dito? Si Avery?" mabilis niyang tanong na tila ba nag-aalala.
"Ha? Oo naman kaso tulog na." sagot ko siya naman itong mabilis na inilagay iyong kamay niya sa ilalim ng baba niya na para bang may iniisip. "Hmm." sabi pa nito habang nakangiwi at sa malayo nakatingin.
"Oy akala ko ba aalis ka na?" basag ko sa moment niya. Napatingin ito sakin kasabay ng pagbuntong hininga niya at pagbaba ng kamay sa magkabilang gilid nito. "Right, nevermind. Una na ako" sabi nito at ngumiti.
"Ingat ka. Medyo mataas yata to eh" bulong ko habang nakahawak sa barandilya at nakatingin sa ibaba.
"Basic."
"Ang yabang mo" sabi ko at napairap nalang sa isip ko. Medyo may pagkamahangin rin pala ang taong 'to. Ako itong kinakabahan sa pagbaba niya samantalang wala manlang siyang kahirap-hirap na bumagsak sa lapag. Tiningala pa ako nito pagkatapak ng mga paa niya doon sa ground ng nakangiti.
"See that?" tanong niya kasabay ng pagkibit-balikat.
"Loko-loko." napailing na lamang ako sa kanya.
"Aalis na ako. Pumasok ka na sa loob, make sure to lock the door. Recheck mo rin yung mga bintana niyo kung nakalock ba" bilin nito sa akin na binigyan ko lang ng thumbs up. "Yes sir!" sagot ko pero imbis na mag-umpisang maglakad papalayo nanatili itong nakatayo doon."Kala ko ba aalis ka na?"
"Mauna ka nang pumasok sa loob Adely"
"Ayoko. Gusto kitang panooring umalis"
"Kulit mo talaga." sabi nito at bahagyang natawa.
"Pumasok ka na." makikipagtalo pa sana ako pero naalala ko iyong tumawag sakanya. Baka importante talaga iyon at nakakatagal pa lalo ako sa kanya. "Sige papasok na ako. Ingat!" mahinang sigaw ko sapat para hindi marinig ng iba.
Hindi ko pa tuluyang naisasara yung pintuan nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Seungyoun mula sa labas. "Goodnight Adely!!" malakas na sigaw nito dahilan para masapo ko ang noo ko dahil narin sa echo na nagawa nito. Nakagat ko na lamang ang pang-ibabang labi nang marahang gumalaw si Avery na nasa kabilang kama. Lagot talaga 'yon sakin pag nagkita kami!

BINABASA MO ANG
flashdrive | cho seungyoun
Kısa HikayeWhereas Cho Seungyoun is in search for the missing flashdrive that unveils the biggest secret between the clash of two notorious mafia, SIXC and GOTZU. But later finds himself chasing after GOTZU's muse, Adely Jeon. Seungyoun x Reader xyz series #1