BabyDon'tCry-Ch1

34 3 0
                                    

Baby Don't Cry - Chapter 1

Hmmm. Ang sarap ng hangin. Sobrang ganda ng lugar na 'to. Dati, pangarap ko lang ang makapunta dito. Sa picture ko lang unang nakita 'to. Pero ngayon, andito na ako...

"Zena, let's go."

"Mom, kakarating lang natin aalis agad tayo?" si Mommy, excited umalis. Wala pa kaming 5 minutes dito naisipan nang umalis. Tsk.

"Balik nalang tayo dito sa susunod na araw. C'mon Zena." syempre, sumunod naman ako.

1week na kami dito sa Pilipinas. Pagkalabas na pagkalabas ko kasi sa hospital, nagpa-book na agad si Mommy ng flight namin papunta dito. Nakasakay na kami sa kotse namin, nasa pinaka-likod ako at si Mom, nasa may tabi ng driver's seat.

Nakatulog na ako sa plane kanina kaya hindi na ako makatulog ngayon. Kaya naisipan kong mag-online. Nag-scroll up and down lang ako, nakakaboring kasi halos wala akong kakilala sa lahat ng lumalabas sa news feed ko. At kakagawa ko lang ng account ko sa FB. Io-off ko na sana phone ko nang biglang tumunog ang Messenger tone ko.

*Pop!*

Tinignan ko kung sino, pero hindi ko naman kilala. Binati lang naman niya ako ng good afternoon. Io-off ko na sana ulit pero nag-message ulit siya.

"Hi Zeng!" ha? Zeng? Sino 'to? Hindi naman Zeng ang pangalan ko, Zena. Inignore ko nalang siya, nag-scroll up and down nalang ulit ako sa news feed ko. Pero nag-message nanaman siya.

"Zeng, message me. I missed you so much!" What? Ano ba naman 'to. Napilitan akong imessage siya.

"Annyeong! I'm not Zeng. My name is Zena. Please, stop messaging me. I don't even know you." Nag-offline ako sakaniya para hindi na siya mag-message ulit pero, ayan nanaman siya. Hay! Sino ba 'to?

"I know your name Zeng! Didn't you missed me? I missed you!" Argh! Nakakainis. Ano bang trip 'to?

"I said, I don't know you. So please! Just please! Stop messaging me!" Nag-off na talaga ako. Hay! Stalker na walang magawa sa buhay. Nag-soundtrip nalang ako sa iPod ko.

*Playing: Bestfriend by Jason Chen*

Napapikit ako. Prelude palang niya, ang lakas na ng epekto sakin. Hindi ko alam, pero lumalakas ang tibok ng dibdib ko. Naiimagine ko ang lyrics ng kantang 'to. Sinabayan ko ung music.

"Do you remember when I said I'll always be there?  Ever since we were ten baby. When we were out on the playground playing pretend. I didn't know it back then. Now I realize, you are the only one, it's never too late to show it. Grow old together have feelings we had before, back when we were so innocent." Binukas ko ang mga mata ko, nang maramdaman kong napaluha na ako. Hinayaan ko lang, at nagpatuloy sa pagkanta. "I pray for all  your love, boy our love is so unreal. I just wanna reach and touch you and squeeze you, somebody pinch me. This is something like a movie, and I don't know how it ends boy, but..."

"Zena!" Hindi ko na natapos ung last lyrics nang bigla akong tawagin ni mommy.

"M-mom?" Pinunasan ko agad ang luha ko. Basang-basa na pala ang pisngi ko.

"Bakit ka nanaman ba umiiyak?" Oo nga pala. Hindi lang ito ang unang umiyak ako. At hindi din ito ang unang beses na makita ako ni Mommy na umiiyak.

"Na-carried away lang sa music Mom. Hehe." Yan ang palagi kong sinasabi pag nakikita akong  umiiyak ni Mom. Ngumiti lang ako, pero alam niyang pilit lang 'yon.

Hindi na ako pinansin ni Mommy. Nag-online nalang ulit ako sa FB. Siguro naman hindi na online ung stalker ko. Pagkabukas ko, may message siya pero offline na siya. Inopen ko ung message niya, at nabigla ako sa message...

"I fell inlove with My Bestfriend."

--END OF CHAPTER 1---

A/N: Sorry kung maikli lang ang first update ^_^ Alam ko may clue na kayo sa nangyayari at mangyayari, pero support niyo parin. Hihi. Thank you sa mga nag-vote na at nag-read ng prologue ♡

Baby Don't Cry [PAUSE STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon