Baby Don't Cry - Chapter 3
"... I fell inlove with my bestfriend." natapos na akong kumanta. I felt bad. As always, hnd nagbago ang naramdaman ko sa kantang 'to. Nakita ako ng buong klase na umiiyak. Hindi ako nahihiya, natuwa ako. Natuwa ako kasi na-express ko ang sarili ko at ang nararamdaman ko.
Nagpalakpakan silang lahat. Pero halatang na-carried away sila sa pagkanta ko.
"Wow. What a beautiful voice Zena. Sobra ang improvement mo..." napa-nganga ako literally. Anong sinasabi niya?
"Sir? What do you mean improvement?" halatang natataranta siya. Ano bang meron?
"Ah, wala. Ok, let's move on. Sinong susunod kay Zena?" bumalik na ako sa upuan ko. Ang cold ng environment ko. Nakaka-irita kasi nararamdaman kong may pangyayaring hindi ko alam.
"Sir! Ako po." si Azumi, bumalik na ang energy niya kanina. Hindi ko parin malaman kung bakit siya umiyak? At sino o ano niya ung kayakap niya? Nagpunta na siya sa harapan. nagsimula na agad siya.
"Ang kakantahin ko po ay para sa bestfriend ko. na itinuturing kong ate dahil mas matanda siya sakin. hehe. Matagal na kaming hindi nagkita, kaya sobrang namiss ko siya. Namiss ko ung kakulitan at kabaliwan namin sa lahat ng bagay. Pero feeling ko,ang masayang mga nangyari o nagawa namin ay magiging alaala nalang." nalungkot nanaman siya. Pero pinilit parin niyang ngumiti. Umupo siya sa piano chair at tumugtog.
*NP: Kiss the Rain*
Napapikit ako. Ang galing niyang tumugtog. Hindi ko alam ung song, pero nararamdaman ko ang nararamdaman niyang lungkot. Music lang ang naririnig ko, hindi siya kumakanta. Pero, feeling ko alam ko ung song para maramdaman ko ung song. Kakaiba ang feeling. There's something inside her.
Patuloy lang akong nakapikit. Namalayan ko nalang na may kumakalabit sakin. Pagbukas ko ng mata ko, si Azumi.
"Azumi?" nabigla ako. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Zena, bakit ka umiiyak?" ha? Ako ba ang umiiyak o siya? Hinawakan ko ang pisngi ko, only to find out, umiiyak nga ako.
"I don't know. I'm sorry. Ikaw? Bakit ka umiiyak?" mas humigpit yakap niya sakin.
"Wala. Katulad mo kasi bestfriend ko. sorry." himiwalay na siya sakin, at pinunasan niya ang luha niya. Bumalik na siya sa upuan niya.
Nakita ko lahat ng klase nakatingin sakin. Pero isang tao lang ang hindi, ung susunod na kakanta o tutugtog sa harap. Nakayuko siya, pero nakikita ko ung lungkot niya.
"Ah, pwede na ako mag-umpisa?" nagtinginan kaming lahat sakaniya.
"Ok. Start now Baekhyun." ngumiti siya.
......
Nag-iiyakan silang lahat. Anong meron sa kwento niya? Ako lang ata ang hindi nkakarelate. Pati siya? Umiiyak na? Nao-o.p na ako. Hindi ko alam ang mga nangyayari.
"Yeondae Zena..." Nabigla ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Pero mas nabigla ako sa sunid niyang sabihin.
"I miss you. So much."