High School Diaries

49 0 0
                                    

*Introduction*

It's been 5:00 in the morning! First day of school. Wew!

"Naunahan kita!" sabi ko. Parang luka, kausap yung alarm clock.

Tayo na agad ako. Alam mo yung feeling na excited ka na kinakabahan? Mixed emotions!

Whatever Hannah. Kailangan mo ng mag-hurry for school. May flag ceremony kaya.

Bumaba na ako. Ang sarap talaga ng amoy ng umaga. Medyo natapilok pa nga ako sa hagdan kasi naiwan ko yung salamin ko sa side table sa sobrang excitement ko.

Kain, ligo, toothbrush, bihis ... tapos pasok na! Ito lang naman ang gusto ko every school year eh. Yung first day. New friends, new classmates, new notebooks, new ballpens, pati yung medyas bago. Pero mga dalawang linggo lang, babaho din yang mga iyan.

6:30 ako nakapasok. May 15 minutes pa bago yung assembly and yung flag ceremony. Malapit lang naman kasi ang bahay namin.

Hinanap ko sila Lester at Carlo, yung mga bespren ko. Yeah, dalawang lalaki ang bestfriends ko. Ayoko kasi ng babae ang laging kasama or makaclose. And that was for some reasons. Besides, masaya silang kasama. At naiintindihan naman nila ako at ganun din ako sa kanila.

"Hannah!"

May sumigaw mula sa likod ko. Paglingon ko, si Lester.

"Uy Lester!" tumakbo ako palapit sa kanya. "Asan si Carlo? Ba't di kayo magkasama?"

Biglang may nagtakip sa mata ko. Sus, pinahulaan pa kung sino siya.

"Carlo naman, luma na yan!" sabi ko.

Narinig ko na naman yung tawa niyang malutong. Pagtingin ko, si Carlo nga.

"Bango ng kamay mo ah ... At naka-gel ka pa!" sinubukan kong guluhin yung buhok niya, pero nakaiwas siya kasi mas matangkad siya. "Bawal kaya yan! Porket third year na tayo, pasaway ka na!"

"Si Hannah naman, ngayon lang ako magpapapogi eh ..."

"Sus, pogi daw?" sabi ni Lester na umaktong parang nasusuka. "Ansabe?"

"Mas pogi kasi ako sa'yo ... di ba Hannah?"

"Shhhh ... ayan na naman kayo, ang ingay-ingay niyo na naman!" sabi ko. "Tara nga doon sa may lists ng mga pangalan natin kung anong section tayo. Mamaya eh nagkawatak-watak na pala tayo."

Pumunta naman kami. Nung mahanap namin yung mga pangalan namin, napabuntung hininga lang. Kala ko di na kami magkaklase eh.

"Sayang, kala ko nasa lower section ka na Lester!" pang-aasar ni Carlo.

"Excuse me. Dapat ako ang nagsasabi niyan sa'yo eh."

"Wag na nga kayong parang aso't kabayo diyan! Tara, dun na tayo sa room natin. Excited na ako eh." sabi ko sabay angat ng konti sa eyeglass kong may makapal na frame.

"Nga pala Hannah, mag-contact lens ka na nga lang! Mukha kang manang diyan sa salamin mo."

"Naku Carlo, mukha ba kamong manang? Eh parang dati lang eh inlababong inlababo ka kay Han --"

"Hindi ba talaga kayo tatahimik?!" napasigaw ako. Hmp.

Nakarating na rin kami sa room naming bago. Dito sa second floor ng Bldg. A.

"III - A. Hmmm ..." napasabi ko. "Magiging masaya kaya 'tong school year na 'to?"

Bigla na lang akong tinulak nila Carlo papasok at naupo na sa kung saan.

I am Hannah Lhea Garcia, and this is my story.

High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon