Chapter 2 - ang nagbabait-baitan!

21 0 0
                                    

*** 2 ***

Kinabukasan, habang naglalakad ako papasok ng school, napalingon ako kasi may narinig akong motor na papasok ng gate. Nakakagulat kasi ... si Darwin pala iyon. Ngayon naman, naka-cap siya. Halatang-halatang grabe ang kilig ng sangkababaihan na nakatambay doon sa may bench.

'Siya ba yung transferee?'

'Ang gwapo naman niya!'

'Third year pa lang siya?'

Ganyan yung mga naririnig ko sa paligid. Tuloy pa rin ako sa paglakad, nagulat lang ako ng biglang may humawak sa may balikat ko.

"Hoy."

"Ay anak ng --!" lumingon ako. "O-oh, Darwin?"

Sinabayan niya ako maglakad. Aaminin ko, nakakawonderstruck siya.

"Bakit parang nagulat ka?"

"Eh nakakagulat naman talaga eh."

Tumawa siya nung mahina lang habang nasa bulsa niya yung kamay niya.

Awkward pa rin talaga siyang kasama. Hindi katulad nila Carlo at Lester na ang dali ko lang nakaclose.

Unang nag-umpisa yun kay Lester. Noong Grade 3 kami, inaaway ako nung classmate naming lalaki. Tapos bigla na lang nagsumbong si Lester sa teacher namin nun. Kaya kinaibigan na niya ako. Si Carlo naman eh kaibigan na niya yun noon. Naalala ko pa nga nung may bali-balitang may gusto daw sa akin yun kaya lagi daw sumasama sa akin. Tss. Pero ngayon, super close na kami.

Paakyat na kami ngayon ng hagdan. Pakiramdam ko, iba ang aura niya ngayon eh. Parang ngayon eh ito na yung totoong siya.

"BESPREN!" bigla na lang akong niyakap ni Carlota pagtungtong na pagtungtong ko ng pinto.

"Ano ba Carlota, nagkita naman tayo kahapon ah?"

Lalo pa niyang hinigpitan.

"Sandali di ako makahinga!"

Bumitiw na siya. Siraulo talaga 'to. Ayan tuloy, inaasar kami ng mga kaklase namin. Pero yung iba eh sanay na sa mga ganoong eksena.

"Wala, namiss talaga kita."

"Matutuwa siguro ako kung si Lester ang yayakapin mo ng mahigpit na mahigpit."

Tapos umarte siyang parang nasusuka.

Maaga pa noon, pero marami-rami na rin yung tao dito. Si Darwin eh naupo na sa upuan niya, tapos parang pumikit. Lumapit naman ako.

"Huy ... inaantok ka pa ano?" sabi ko.

"Hindi ah."

"Eh bakit ka nakapikit?"

Dinilat na niya yung mata niyang singkit.

"Bakit mo ba tinatanong?"

"W-wala. Gusto ko lang."

Oo nga kasi, bakit ba ako nangengealam? Eh kung nagmemeditate ba naman yung tao eh.

Hinila niya yung cap niya, tapos tinakip doon sa mukha niya.

"Hoy, dahil bago ka lang dito, gusto ko lang malaman mong bawal mag-cap dito sa school."

Hindi siya sumagot. Nakatakip pa rin sa mukha niya. Ewan ko ba, trip ko yata ngayon mangbwisit eh.

"Hoy, Darwin Jimenez."

Bigla na lang niyang tinanggal yung cap at isinuot sa akin.

"Ang aga-aga mo naman mang-bwisit. Ingay-ingay mo."

***

Sabi ko na nga ba't sa umpisa lang 'yan eh. Kunwari mabait pero makikita mo rin ang baho after some time.

"Tomboy ka ba? Bakit ba itong sila Lester ang mga kaibigan mo? Di ba dapat sa kapwa mo babae ka sumasama?"

"Hindi ako tomboy no! Saka pake mo ba?"

"Saka yung buhok mo, para kang lalaki! Paanong di ako magtatakang tomboy ka?"

Ano bang problema niya sa akin? Gumaganti ba siya?

"Ano bang pakealam mo?!"

"GUYS! Tama na!" sabi ni Lester na kanina pa binging-bingi sa amin. Nasa cafeteria  kami ngayon for lunch. "Hannah, mukhang nagiging war freak ka na din ah!?"

"Hindi ah." sabi ko naman sabay sipsip doon sa juice na iniinom ko. "Nasaan na ba si Carlota?"

Sakto namang dumating si Carlo na hingal na hingal at mukhang bahog.

"Hoy guys! Guys! May balita ako ..."

"Ano yun?" sabi ni Darwin. Ako medyo di interesado kasi gutom na ako.

"May audition na kung sino pwedeng sumali sa school band! Oh ano, sali tayo!"

School band? Hmm ...

"Ayoko. Magiging busy ako sigurado."

"Lester, di naman ikaw eh. Si Darwin at Hannah lang."

"Whatever Carlo." sabi ko sabay lamon.

"Please naman bespren. Nag-audition na nga ako eh. Tanggap na ako."

"What?! Hindi nga?! Paano nangyari yun?!" sabi ni Lester.

"Why are you so epal?!" sabi niya na parang nagbabakla-bakla. "Sige na. Pangarap ko ngang maging vocalist ka eh. O kaya kahit sa gitara lang. Di ba marunong ka naman nun? Sige na."

Nag-isip muna ako.

"Sige na nga."

"YEEEEEES!" sigaw niya. "Ikaw Darwin?"

"Sure."

High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon