Chapter 3 - sa flag ceremony

22 0 0
                                    

*** 3 ***

Wala namang masyadong espesyal na nangyari ng araw na yon. Basta nalaman ko lang na lead vocalists kami ni Darwin.

"Ang galing mo talaga bespren! Sabi ko naman sa'yo eh. Kawawa naman ako, pang-guitarist lang."

"Wala ka naman kasing katalent-talent eh." si Lester na naman po eh bumabanat.

"Epal na naman si gag*. Ikaw nga yun eh. Puro pagtakbo-takbo lang ng SG ang alam at pagpapacute sa mga babae gamit ang kanyang mahiwagang dimple sa left cheek!"

"Di naman kasi hamak na mas gwapo ako sa'yo."

Nung umaga na yon, nakatanga lang kami sa Math Park. Tapos nakita namin si Darwin na paakyat na sana. Tinawag ni Carlo.

"Darwin!"

Tumingin siya, tapos kumaway. Tapos nung nakita naman ako, kinindatan ako. Tapos may mga kinilig na babae doon sa harap namin. Hmmmmp! Mukhang makikipag-asaran na naman siya.

"Congrats men, lead vocalist! Musta naman yon?" sabi ni Lester, tapos nagpatuloy sa pagbabasa.

Ngumiti siya. Tumingin sa akin, tapos inirapan ko. Wahahaha.

"Ayos nga eh, kasama ko si Hannah."

"Si Lester kasi ayaw sumama. Di sana ikaw ang nag-rarakenrol nung drums nun." sabay tawa ni Carlotay.

Hindi na sumagot si Lester kasi busy siya sa binabasa niya. Naupo naman si Darwin sa tabi ko.

"Kailan daw ba tayo mag-uupisa ng rehearsals? Matagal-tagal ding panahon yun para mahasa tayo."

"Oo nga. Siguro una tayong tutugtog sa Foundation Day. Sobrang aga nga ng pa-audition dito eh." sabi ni Darwin. "Kailan nga pala Foundation Day dito?"

Naaamoy ko yung hininga niya. Amoy mint. Grabe ang aga naman niya mag-candy.

"July 18."

"Malapit na pala eh."

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

After mag-bell, umakyat na kami ng room. Pero nakita namin na bumababa din yung mga classmates namin. Pinapababa daw kami, mag-faflag ceremony daw. Hindi kasi nakapag-ceremony kahapon, kasi magkukulang sigurado sa oras.

Nakapila na kami. Dahil hindi naman ako isa sa mga pinakamaliliit sa klase, nandito ako sa may bandang hulihan. Nakakagamo ngang tignan si Darwin dahil palipat-lipat siya ng pwesto, hanggang sa matapat siya dito sa akin.

Kinanta na namin yung kinakanta namin bago yung prayer.

"Come, holy spirit, I need you

Come, holy spirit, I pray

Come with your strength and your power

Come with your own special way."

Nakaangat yung mga kamay namin habang kinakanta yun, na parang nag-Aama Namin. Bigla na lang hinawakan ni Darwin yung kamay ko! Grrr.

"Come like a spring in the desert

Come to the weary of soul

Lord, give us healing power

Touch me and make me home ..."

Buti na lang ibaba na yung kamay nun para mag-sign of the cross at magdasal. Susmaryosep. Ipagdadasal ko na 'to na sana di ko siya masuntok.

"Amang Diyos, kami ay nagpupuri at lumalapi sa iyo, sa harap ng iyon trono. Nagpapakumbaba at nananalangin, upang masilayan ang iyong mukha, at matagpuan ang iyong gabay sa kaalaman. Kaming lahat ay lumalapit sa iyo, oh Panginoon. Kami'y sumuway sa iyong mga kautusan. Kami ay nagkulang sa pag-ibig namin sa iyo at sa aming kapwa. Mahabag ka sa amin."

Tingin ako ng tingin ng masama habang nagdadasal. Buti walang nakakakita sa akin.

"Panginoon, maraming salamat po sa mga biyayang ipinagkakaloob niyo sa amin. Patawarin niyo po ang lahat ng nagkasala sa amin. Isinasama po namin sa aming dalangin ang aming mga guro at pinuno ng paaralan at bayan, upang patuloy nilang malinang ang aming kaisipan at kabutihang asal. Ang lahat ng ito'y hinihiling namin sa matamis na pangalan ni Jesus, Amen."

Pagkatapos non, kakantahin naman namin yung Tagalog version. Nakaangat ulit yung mga kamay namin.

"Halina, espiritu santo

Kinakailangan kita ..."

Hinawakan na naman ako sa kamay! Ano ba siya?!

"Sigla at lakas ng mahina,

Pag-asa naming lahat ..."

Tapos nagpalakpakan kami. Siya naman halatang di alam ang gagawin.

Tinignan ko siya ng masama. Pero siya, parang tumingin ng anong-kasalanan-ko look.

"Bakit hawak mo pa yung kamay ko?!" galit kong sabi.

"Eh bakit? Di ba ganun naman yun pag nagdadasal? Hawak hawak?"

Umirap na lang ako. Kung ganon, eh bakit yung isa niyang katabi sa pila di niya hinolding-hands?!

Ngumiti siya ng nakakaloko.

High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon