Chapter 1 - ang transfer student!

25 0 0
                                    

*** 1 ***

Kakaunti yung mga kaklase namin, halos lahat yung dati din naming classmates. Yung iba, dito din sa school na 'to nag-aral at galing lang ng ibang section.

"Ayun, dito tayo maupo Hannah!" si Carlo.

"Wag Hannah, dito ka sa tabi ko!" sabi naman ni Lester.

Hindi ko talaga alam kung magbebestfriends ba kaming tatlo o ano.

"Dito nalang tayong tatlo para walang away." sabi ko. Sumunod naman sila sa akin.

Biglang dumating yung Adviser yata namin, si Ma'am Alcaraz. Ang alam ko, Math teacher namin siya.

"Good morning everyone!" sabi ni Ma'am.

Tumayo kami tapos binati siya, tapos naupo rin.

"I guess most of you haven't known me yet, so let me introduce myself first. I'm Ms. Rina Alcaraz, your Adviser slash teacher in Geometry."

Sabi na eh.

Pagkatapos ng introduction at rules niya, nag-attendance check siya.

"Darwin Jimenez ..." sabi ni Ma'am. "Who is Darwin Jimenez?"

Darwin Jimenez? New student?

Nagtinginan naman yung mga classmates ko pati ako para tignan kung sino yun. Pagtalikod ko, nasa likod ko pala nakaupo. Sa may pinakadulo. Nagtaas siya ng kamay.

"You are Darwin Jimenez?"

Tumango lang siya.

"Wala ba siyang dila?" tawa ni Carlo. Tawa na rin ako. Si Lester naman baliw na baliw sa kasusulat ng requirements.

After nun, pinag-break na niya kami. Bigla na lang lumapit si Carlo dun sa transfer student at kinausap.

"Huy, ano bang ginagawa nun?" sabi ko kay Lester.

"Ha?" nabigla siya kasi sulat pa rin siya ng sulat. "Si Carlo ba? Naku, nababahog lang iyan."

Nakita ko na parang nagiging close na sila at nagngingitian. Lumapit ako.

Pagkalapit na pagkalapit ko ...

"Darwin, si Hannah nga pala. Bestfriend ko. Hannah, si Darwin."

"Hi Darwin." sabi ko.

"Hello. Nice to meet you."

"Tara sa Cafeteria!" sabi ni Carlo. "Manlilibre si Lester."

Hula ko, imbento lang yun si Carlo.

Nung nasa cafeteria na kami saka nagpakilala si Lester kay Darwin and vice versa. Mukhang mahiyain siya. Pero sa tingin ko mukhang sa umpisa lang iyan.

Kung titignan mo kaming apat, para kaming F4, or Boys over Flowers. Mukha din naman na akong lalaki kakasama sa kanila eh. Maiksi ang buhok ko na parang panlalaki, tapos nakasalamin sa makapal na frame. Si Carlo naman, nakatinghas yung buhok. In fairness, bagay. Si Lester naman yung same old guy -- simple pero disenteng tignan. At si Darwin naman, nagtinghasan din ang buhok. Makinis siya, matangos ang ilong at matangkad. Bagay na bagay sa kanya. Pare-pareho silang matangkad. Nanliliit tuloy ako na parang gusto ko ng humiwalay.

Pagtingin namin ng pila, sobrang haba na pwede ng ilaban sa Guinness.

"Si Lester nag-vovolunteer! Siya naman daw manlilibre kaya siya na rin pipila." nang-asar na naman si Carlota.

"Hoy Carlota, baka gusto mong di na kita ibili?!"

"Hoy, hiyang-hiya naman sa inyo si Darwin, baka gusto niyong siya na lang utusan niyo?"

Natawa si Darwin dun.

"Oh sige na nga, ako na." sabi ni Carlo.

After 5 mins, nakakain din kami. Mukhang sumingit lang 'to si Carlo at dinaan sa mga moves niya yung mga babae doon.

"Saan ka bang school galing, Darwin?" sabi ni Lester.

"Ah, sa St. John."

"Bakit mo naman naisipang lumipat dito sa General Hospital?"

Natawa siya. Eh pangalan kasi ng school namin eh General Luna High School, pero pag pabalbal or in kanto words, General Hospital.

"Lumipat kasi kami. Tapos mas malapit dito."

Madami pa kaming natuklasan tungkol sa kanya. Nalaman ko ding taga-Lapidsville din pala siya. Doon kasi kami nakatira ni Lester. Si Carlo naman, taga-Graceville. Magkalapit lang naman yon.

Pagkatapos ng daldalan namin for 20 minutes, nakipag-meet na naman kami sa iba pa naming teachers. Pagkatapos noon, nagsiuwian na kami.

Ewan ko ba kung bakit first day na first day eh pinatawag agad ang mga SG officers. Kaya ngayon, nakasakay kami ni Darwin sa tricycle papuntang Lapids -- sa bahay namin. Hindi ko alam pero ang awkward kasi ng feeling. Hindi ko pa masasabing close na nga kami. Hindi rin naman kasi ako ganun kafriendly, lalo na kung wala sila Lester, lalo na si Carlo.

Ewan ko ba kung bakit ang hirap.

High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon