Chapter 17

3.7K 85 1
                                    

Chapter 17

Pagkatapos mangyari ang mainit na pag iisa nila.Palagi nang nagpapakita sa kaniya ang binata.Ikinaiirita niya iyon dahil na rin siguro napaghahalataan na sila ng kaniyang katrabaho.Paniguradong siya ang laman ng mga tsismis ngayon.

Katulad ngayon palinga linga siya sa paligid .Ayaw niya munang makita si Hulyo.Naiirita siya sa sarili dahil sa tuwing nagpapakita ito ng motibo binibigyan niya ng malisya.Mahirap na baka mahulog muli siya.Pag dating kay Hulyo nagiging marupok siya.

Hangga't maari ayaw na niya umiyak pa dahil dito.Nakahinga siya ng di niya makita ang anino ng binata.

Magiliw siyang naglakad ngunit nag iingat pa rin.Ikatlong araw na nila dito at mamaya aalis na rin siya.Eto ang tamang panahon para magawa ang nais gawin bago umalis.Pinagbigyan sila na maglibot.Binigay nila ang isang araw na ito para naman maglibang.

Naka one piece bikini siya at may suot na salamin. Hinintay niyang bumukas ang elevator.Laking gulat niya na si Hulyo ang sakay nito.Dali dali siyang naglakad palayo ngunit nahila pa rin siya nito at ipinasok sa loob ng elevator.

"Are you avoiding me?" iritado nitong sambit.Nag isang linya ang kilay nito.

Hindi siya makatingin dito "Bakit naman kita iiwasan?"

"Bakit nga ba?may nagawa ba ko Clara?" galit na usal nito.

Ba't ba ito nagagalit?

"Bakit galit ka?inaano kiya dyan?"

"Yun na nga e.Iniiwasan moko ramdam ko yun Clara ganyan na ba ang pandidiri mo sakin" galit ngunit malungkot na saad nito.

Hindi siya nagsalita sa halip nakatitig lang siya dito.

"Wala ka naman ginagawa pero bat nababaliw ako pag di kita nakikita?" Humalukipkip ito at sumandal sa pader ng elevator.

"Selfish na ba ako kung gusto kitang angkinin kahit hindi ka sakin?" mapait itong napatawa.

Nanatili siyang tahimik at nagugulat sa pinagsasabi nito.

"Gusto ko akin ka lang.Gusto ko ako lang Clara.Mababaliw ako sa tuwing may lalaki kang kasama.Gusto kitang ipagdamot sa kanila.Pero hindi ko magawa dahil wala naman akong karapatan " nagulat siya ng may biglang pumatak na luha sa mata nito.

"Im fucking in love with you Clara.So damn inlove ,at hindi ko na kayang umahon pa sa pagkakalunod ko sa pagmamahal sayo." nagmulat ito at tumingin sa kaniya kaya sumikdo ang kaniyang dibdib.

"Magsabi ka kung gusto mo na layuan kita.Magagawa ko yun,pero wag mo asahan na mawawala ang nararamdaman ko sayo" ngumiti ito ng malungkot bago umalis.Hindi niya napansin na bumukas pala ang elevator kanina pa.

Nanghihina na napaupo siya.Muling sumara ang elevator at doon bumuhos ang luha na kanina pa niya pinipigilan.Nagkamali siya ngayon at alam niya yun.

Di lang naman sa part niya masakit e.Dahil niconsider rin niya ang part ni Hulyo.After what he say!naguluhan na siya.

Bumalik muli siya sa kwarto at doon umiyak .Ni hindi siya kumain ng tanghalian sa sobrang pag iyak e.

Namamaga na rin ang kaniyang mga mata.Eto ang pinaka ayaw niya, yung iiyak at masasaktan na naman siya.

Tulalang nakatingin lang siya sa labas.Hapon na at ngayon na ang alis nila.
Pero wala siya sa sarili.Naimpake na rin niya ang damit.Ngayon ay hinihintay nalang nilang makompleto sila at sabay sabay silang tutungo sa airport.

Kanina pa rin siya palinga linga.Na parang may hinahanap.Labag rin sa loob niya ang umalis .

Tumabi sa kaniya si Saline at inakbayan siya. "Broken?"

Hidden Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon