ARAH's POV
"Listen carefully, Students. Before I should Left in this room." Tukoy niya sa aming kwarto. "You should need to remember the paper works that I give. Okay?"paalala niya at tinignan kami isa-isa na para bang naghihintay ng sagot.
Alerto kaming sabay sabay na sumang-ayon sa kanyang sinabi. "Yes! Ms. Agustin. We will!"
Napabuntong hininga ito. "Its Good to know that! As for now, Class will be dismiss!." aniya, saka pinulot ang kanyang mga gamit at mabilis na tinahak ang daan papunta sa pinto ng kwarto para lumabas.
Hindi na ako nag-abala pang tumayo bilang pagbibigay galang sa aming guro bagkus nanatili na lang akong nakaupo at pinagmamasdan ang likuran niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Sa totoo lang, ito ang kauna unahang namaalam siya ng maaga dahil kadalasan lagpas pa ito sa takdang oras niya, base sa kanyang rason na sinabi niya kanina may kailangan pa daw itong asikasuhin sa faculty room. Kaya ayun nagmamadaling umalis.
Hyss. Hirap talaga pag isa ka sa mga Guro. Marami kang aakuhing responsibilidad sa mga tao at sa mundong ito.
Nabigla ako ng Agad na nagkagulo ang mga studyante rito sa loob. Syempre ganun naman talaga kapag nag ring na ang bell at alam na nilang magsiuwian na. Pero imbes na pansinin ko iyon ay hindi na lang ako nagpahuli sa pagliligpit nung mga librong nagamit ko kaninang discussion. Mahirap na baka mapagiwanan ako rito, nakakatakot pa naman. Char! Maayos na isinukbit ko ang aking sling bag sa aking balikat at di nagdalawang isip na lisanin narin ng mag-isa ko lang ang classroom.
Time check. It's already 11:35 in the morning. Limang minutos na lang din ay susunod nang lalabas si Rhys sa kanilang classroom. So, I dont have a choice to wait him again. Sabagay, nasanay na ako. Dahil lagi namang ganito ang daloy ng schedule niya. Mas mauuna ako at malelate siya.
Ito ang mahirap kapag hindi pareho ng strand na kinuha niyo. He decided to take the strand of Technical Vocational while me I choose the Accountancy Business Mngt. Actually my mom wants that not mine. Para daw alam kong magpatakbo ng isang kompanya dahil soon ako na daw maghahandle nung Company ni mama. Hyss.
And, Speaking of them. Today is Thursday and Three days to go before they coming back to live at here permanent. Siguro ay baka tapus na ang working contract nila doon. Also, I only have 3 days for grabing the chance to think and create what must should I be do.
"Khiarah!" biglang nangibabaw ang isang tinig ng lalake sa kalagitnaan na siyang dahilan kung bakit ako napatigil.
Agad naman akong napatingin sa direksyon niya.
Kapansin-pansin sa galaw nito na masigla siyang kumakaway bago nagdesisyong tumakbo papalapit sa aking pwesto.
"Dismissal niyo na ba?" naniniguradong tanong niya ng tuluyan na itong makarating sa harap ko.
"Oo, kanina pa."
"Ay! Oo Mukha nga kasi nandito kana." Tsk nakuha pa niyang magbiro. Hindi ko napigilan ang sarili kong irapan siya na agad naman niyang ikinatawa. " So ano, tara na ba? Kasi alamo sa totoo lang kanina pa ako nagcracrave eh." nakangusong baklang(joke) aniya sabay hinihimas nung malaking (joke) tiyan niya.
Natawa ako. "Sigeh. Total kanina pa nga rin ako nagugutom."
Agad kaming nagtungo sa kabilang building kung saan nandon ang aming cafeteria.
Naunang humiwalay sa akin si Rhys upang makilahok sa pila at ako naman ay kasalukuyang naghahanap ng bakanteng pwesto para sa aming uupuhan. Naagaw ang atensyon ko sa gilid ng mamataan ko ang isa doon na walang taong nakaupo roon. Dali dali akong pumunta at pasimpleng umupo.
YOU ARE READING
No Turning Back (On Going)
Novela Juvenil"Until now, ikaw parin. Ikaw parin ang hinahanap ng puso kong kaytagal ng nagsusumamo sa pagmamahal mo."