Oo

36 0 0
                                    

Ika'y palihim na minamahal
Tinago ko ito ng napakatagal
Sayo'y hindi kayang aminin
Baka bigla kang lumayo saakin

Dumating ang araw na pinaghandaan
Habang tayo'y may pinaguusapan
Siningit ko ang nais kong malaman
"Mahal mo ba ako?"

Umasa ako
Dahil ang sagot mo ay "Oo"
Labis akong natuwa
Akala ko meron ng pag-asa

Pero masakit pala talaga umasa
Dahil sa nga sumunod mong salita
Na sana ay hindi mo na dinagdag pa
"Syempre kaibigan kaya kita"

-bpmarmalade

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon