Kaya Pa Ba?

11 0 0
                                    

Mula ng minahal natin ang isa't isa
Ang sarili nating pamilya ay tutol na sa ating dalawa
Pero alam kong kakayanin natin ang pagsubok na ito
Ipaglalaban natin ang isa't isa hanggang sa dulo

Nangako tayo sa isa't isa
Na kahit mahirap tayo paring dalawa
Pero bakit parang unti-unti ka ng nanlalamig
Parang lumalayo na ang loob mo sa akin

Kaya pa bang tapusin ang sinimulan
Ang ating sinimulang laban
O tapos na ba ng hindi ko nalalaman

Kaya pa bang tuparin ang mga pangako
Mga pangakong sabay natin binuo
Mga pangakong para sa isa't isa na minsa'y binitawan
Pangakong hindi ka iiwan hanggang sa dulo ng laban

Kaya pa ba nating lumaban ng sabay
Magkahawak pa ba ang mga kamay
Kahit walang kasiguraduhan kung may kakapitan pa ba
Ngunit umaasa paring may mga kamay na nag-aabang at nakahanda

Kaya pa bang tiisin ang mga sakit na nararamdaman
Mga sakit na naiparamdam ng mga taong nakatingin lamang
Mga mapanghusga nilang mga titig
Na parang binabantayan bawat galaw natin

Minsan gusto ko nalang na magbingi-bingihan
Na parang di ko naririnig ang mga masasakit na salitang kanilang binitawan

Simula pa nung umpisa kahit alam kong mahirap
Patuloy parin akong lumaban
Pero nasaan ka na?
Sumuko ka na ba ng tuluyan?

Masakit man aminin pero ako'y pagod na dim
Mahal kita pero ako'y bibitaw na
Ngayon malaya ka na
Maging masaya ka sana

-bpmarmalde

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon