Buksan ang mga Mata

6 0 0
                                    

Isinantabi ang agam-agam
Upang ikaw ay aking malapitan
Sana ay mabigyang pansin
Ang aking layunin

Tanggapin mo sana
Ang kahon ng pag-asa
Pag-asang mapansin at makilala
Ang tayong dalawa

Para sa iyo
Ang mga sulat na ito
Na naglalaman ng busilak kong saloobin
Patungkol sa unang pagkikita natin

Sa mga araw na nag daan
Sarili'y aking pinatunayan
Ngunit anong sagot mo?
Ako ay hanggang kaibigan lamang
At may iba ka ng minamahal

Tuluyan na ako nakain ng siphayo
Di na dapat kayo nagtagpo
Hindi! Hindi ito maaari
Saakin ay dapat siya itali

Binigay ko naman ang lahat
Ngunit hindi pa din sapat
Mga mata'y naging sara
Nais ko lamang ay ang mga ngiti mo
Hindi man ako ang dahilan nito

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon