Chapter I.3: The Spark

11 0 0
                                    

"Trust isn't something that you can ask, assume and gain easily. Since, I have no information of you, I could only expect and evaluate. And trust will come after... my judgement."

So basically, what she's trying to say is 'My level is not of a human but of a God.' at masyado akong assuming.

"I serve what I believe is right for you. Please have a taste first before you make verdicts, my Lady."

"Not to impress?" She raised her eyebrow.

"Yes, but to gain your trust." I simply implied.

Sa buong buhay ko sya lang ang nagsabi nito sakin pero gusto kong malaman ulit kung anong reaksyon nya pag natikman na ang niluto ko. Siguro ayaw nya lang sa klase ng nakahain na pagkain kaya naging negative ang feedback nya sa akin pero baka matanggap nya na sa luto nadadala ang anumang klase ng putahe.

Here's the thing, kung hindi mo pa alam kung ano ang panlasa ng isang customer mas mabuting maghain ng putahe na matatanggap nila hindi dahil yun na ang pangkaraniwan na standard na panlasa ng tao kundi tatatak ito na kakaiba, may purpose and at may impact.

Hinintay ko syang magsalita ngunit nakalipas ang isang minuto ay tanging malakas na paghinga at kabog ng puso ko ang umaabot sa aking tenga.

"Which one should I eat first?" Tanong nya habang iniikot ang kayang paningin sa mga pagkain na nakahain at pagbasag sa nakakabinging katahimikan.

"Ahh... depende po sa kagustuhan nyo, My Lady." Sagot ko at hanggang ngayon ay natatameme pa rin ako sa pagkatao nya.

Tumingin sya sakin at kamuntik na kong mapa-atras nang dahil sa mga matatalas nyang mata, para syang isang kadiliman na umaaligid tuwing gabi, hindi mo alam kung kailan ka lalamunin.

"In every meal, there are so called appetizer, main course and dessert. You said, you are the chef of this resto and yet, you're clueless about the first course of the meal." Mariin nyang sagot at nararamdaman ko na hindi sya natutuwa sa sinabi ko.

Pinikit ko muna ang mga mata ko upang hindi ako madistract sa tuwing mag-iisip ako ng mai-sasagot. "Ang proseso ng pagluluto ay kaparehas sa paraan ng pagkain, may nauuna at may nahuhuli base sa kanilang kakayahan upang mapa-unlad ang kalidad nito. But My Lady, the secret of its process is yours to make." Minulat ko ang mga mata, napatigil ako sa aking susunod na sasabihin dahil sa pinapanood nya ko, ang kanyang mga mata ay nakabaling lamang sa akin.

Para akong isang kandila sa isang munting kubo-kubo, na kayang hipan ng dumadaang hangin.

Bryan, kaya mo yan.

"My Lady, you are free to eat without a rule or sequence as long as you believe that it will make your meal gratifying. Eating is an action with enjoyment." Sagot ko sa kanya ng buong loob at walang pag-aalinlangan.

Simula pa lang ng nag-aral ako ng culinary arts ay alam ko na ang iba't-ibang category ng mga dishes, kung ano ang una, gitna at panghuli pero sa pagkakataong ito, gusto kong malaman kung ano sa tingin nya ang karapat-dapat.

No rules. No sequence.

Huminga sya ng malalim, kumuha ng katiting sa Easter Salad ko, tiningnan nya lang to ng ilang segundo na parang sinusuri at kinalaunan ay isinubo sa kanyang hugis pusong labi upang tikman.

Pero mukhang hindi ang reaksyon nya sa pagkain ang inaalam ko kundi ang mahinhin na pagkilos nya na konti-konti ko na naman syang hinahangaan. Perpekto ang bawat kilos at tindig nya, kahit hindi ko na hawakan ang mga kamay nya ay masasabi ko ng malambot at makinis ang kutis nya.

Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Governor, "It comes when the time has come for you. Malay mo mamaya na diba?" At di ko inaasahan na titibok na naman ng malakas ang puso ko, pinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng pants ko at hinawakan ang love token na binigay ni Governor.

Wedding RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon