Kasabay ng pag akyat ng babae sa stage ang pagpasok nung mga lalaking nadaanan namin kanina bago makapasok dito.
Ang dami pala nila!
Ang iba sa kanila ay pumwesto sa kanan , ang iba naman ay sa kaliwa , meron ding nasa likod at ganoon na din sa harap.
Malalaki din ang katawan ng mga lalaking to'!
"HAHAHAHA!!" Tawanan ng karamihan, ganoon din ang mga kasama ko at ako nagpipigil lang.
Pano ba naman kase! Naka-mask sila at 'yung mga nakakatawa pa ang ekspresyon nito. Pero wala manlang reaksyon ang mga lalaking to' kahit pa na pinagtatawanan na sila.
Seryosong-seryoso!
"Hahahaha! Oh tama na muna ang tawanan! Kailangan ko muna ang atensyon ninyong lahat." Nakangiting ani ng babae. Nabawasan naman ang ingay at lahat kami ay nag-aabang sa sasabihin pa niya.
"Handa na ba kayong lahat na malaman kung bakit kayo nandirito?!" Sigaw na tanong niya habang nakangiti.
"YESSSS!!!" Sigaw naming lahat at tila nae-excite sa sasabihin nito.
"Alriiight!! First of all, gusto ko munang magpakilala sa inyong lahat. My name is Demonic Evilre. Hahaha! I know na nagtataka kayo kung bakit ganon ang pangalan ko. Di ko din alam e'! HAHAHA! But for me , it's unque." Natutuwang ani nito at kumindat pa.
"Ang panget kaya!" Komento ni Juliane. Natawa na lamang kami sa sinabi niya.
Sabagay sino ba naman kase may gustong ganyan ang pangalan? Kase pangalan niya Demonic , muntik na maging Demon! Tapos apelyido niya naman , Evilre! Evil??! Ano ba 'yun nagkataon lang ba 'yun o sadya??
Hays! Bahala na nga. Ba't ko ba iniisip pa 'yun?
"Nabasa niyo naman siguro ang nakapaskil kanina sa pinto bago kayo makapasok dito??" Tanong niya sa aming lahat.
"Yes!" Sabi ng iba.
"Oo naman!" Sabi din ng iilan at kami , tumango lang.
"Good! Pinag-isipan niyo ba?? Hahaha!" Tanong niya sa amin at tinignan kami lahat.
"Hahaha! Hindi na! Mukhang mag-eenjoy naman kami dito e'!" Sigaw ng isang lalaki at sumang-ayon naman ang karamihan sa amin.
"Syempre naman, pinag-isipan din namin." Sagot naman ng isa at tumango din kami bilang pagsang-ayon at ganun din ang iilan sa amin. Pero mas marami pa ding hindi na nila pinag-isipan pa.
"Nako! Kung ako sa inyo, pinag-isipan ko munang mabuti! HAHAHA!" Mala-demonyong tawa nito.
"Creepy naman tumawa ng isang to'!" Komento ni Niasha.
"True! Pero baka ganun lang talaga siya tumawa." Ani naman ni Juliane.
Siguro nga.
"Well, wala naman kayong pagsisisihan sa pagpasok niyo dito dahil talagang mag-eenjoy kayong lahaaaat!!" Malakas na sigaw nito dahilan para humiyaw ng malakas ang karamihan.
"Kung mag-eenjoy din naman pala. Ba't may pa-Think Before You Enter pa sila bago pumasok? Tsk." Komento naman ni Gabriel at ngumisi. Tama nga naman siya.
"Ikinagagalak kong makita kayo dito ngayon! At ang sayang makita na talagang excited na kayong lahaaat!!" Masigla at tila tuwang-tuwa na sabi niya at ngumiti sa aming lahat. Nagsihiyawan muli ang karamihan."Handa na ba kayong malaman kung ano ang mga inihanda namin para sa inyo??!" Pasigaw na sabi nito at iniharap sa amin ang hawak n'yang mike.
YOU ARE READING
Think Before You Enter
Mystery / Thriller"Think Before You Enter." Ano nga ba ang nakapaloob sa istoryang ito? Ano ang mga maaaring mangyari, kung sakaling pumasok ka dito? Ano nga ba ang magiging kapalaran mo? Magiging kasiya-siya ba? O Uuwi ng luhaan at sugatan? O di kaya'y.. Di na aa...