T B Y E - 6

9 2 0
                                    

"Dito ba talaga?" Tanong nung lalaki sa kasama n'yang babae.

"Malamang! Eto na nga oh! Tsaka sinundan naman natin ang map na to'!" Mabilisang sagot naman nung babae. Nagtataka pa rin kaming lahat.

"Bakit may pa-Think Before You Enter pa sila?!" Nagtatakang tanong ko.

"Mag-iisip pa ba tayo kung papasok tayo dyan? E, nandito naman na tayo! Ang haba pa ng binyahe natin! Sayang lang ang pagpunta natin dito kung di naman tayo papasok!" Mabilis na sagot ni Niasha.

Sabagay.

"Ay kami din! Grabe! Sampung oras ata kaming bumyahe!" Sabat nung babae.

"Kami nga dose oras ang byahe namin!" Sabi naman ni Niasha.

"Tara na. Pumasok na tayo." Ani Tristan at hinawakan niya naman ang kamay ni Niasha. Isa-isa na nga kaming pumasok sa pintong iyon.

"Grabe naman dito! Ang dilim! Maglalagay sila ng ilaw iyong maliit pa!" Naiinis na sabi ni Niasha ng makapasok kami.

"Hala oo nga!" Komento ng kasama naming babae ng makapasok sila.

Tinignan ko naman ang mga reaksyon ng bawat isa sa amin. Puro nagtataka ang idinidikta ng kanilang mga mukha at mga naka-kunot noo pa.

"Tara guys! Lumakad na tayo." Ani nung babae at nagpauna silang maglakad. Sumunod naman kami sa kanila.

"Ang dilim! Akala ko ba you will be joy and fun?! Eh, bakit ganito?! Pagpasok mo ang dilim tas ang tahimik pa! Nasaan ang 'joy and fun' nila dito?! Wala manlang nag welcome sa atin pagpasok natin dito! Ano ba 'yan!" Sunod-sunod na tanong at reklamo ni Niasha.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Ashton ng lumapit siya sa akin.

"Yup! Medyo nagtataka lang ako bakit ganito dito. Hahaha." Natatawang ani ko pa.

"Me too. Baka sadyang ganito lang talaga? Baka nasa dulo pa nito ang talagang pinaka-event or what." Sagot naman ni Ashton.

"Siguro nga." Napapatangong sabi ko at di na siya muling nagsalita pa.

Nagpatuloy lang kami sa aming paglalakad. Hanggang sa may maaninag kaming kulay pula na ilaw.

"Eh?! Bakit pulang ilaw?! Di ba pwedeng 'yung kulay white na lang?!" Naiinis na tanong ni Niasha na naka-kunot noo pa.

"Ang creepy huh!" Komento nung babae.

Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may pulang ilaw.

"Oh..mabuti naman at dumating na kayo." Sabi nung lalaki na malaki ang boses. Naka-upo ito sa isang upuan at naka-dikwatro, mayroon ding medyo malaking lamesa sa kanyang harapan. "Kayo na lang ang hinihintay ng karamihan. Maaari na kayong pumasok sa pintong iyon, para makapag-umpisa na." Seryosong sambit ng lalaking nasa harapan namin. Napatingin naman kami sa itinuro n'yang pinto na nasa dulo. Nagsimula na kaming maglakad papunta roon. Bakas sa mukha ng isa't-isa ang pagtataka.

"Tayo na lang daw ang hinihintay? Ibig sabihin di pa sila nagsisimula? Ano bang meron dito? Bakit kailangan pa tayong hintayin bago sila magsimula? Ang weird." Naka-kunot noong tanong ko. Pero ni isa sa kanila ay walang sumagot. Marahil wala din silang alam tungkol dito.

Pagkapasok namin sa pinto na iyon tumambad sa amin ang mga taong may mask. Bahagya pa nga akong natawa ng makita ko ang mukha nila. 'Yung gamit kase nilang mask ay iyong may mga nakakatawang ekspresyon. May nakatayo sa kanan at may nakatayo din sa kaliwa. Kumabaga nasa gilid namin sila habang kami'y dumadaan.

Think Before You EnterWhere stories live. Discover now