T B Y E - 5

14 2 0
                                    

"Nga pala! How did you know na nasa Mall kami kahapon?!" Nagtatakang tanong ko nung biglang naisip ko ang pagpunta niya duon kahapon ng biglaan.

"Ahhhh..alam ni Tristan na uuwi ako kahapon dito at tinext niya naman ako kung nasaan kayo." Nakangiting sagot niya.

"Ehh?! Bwiset! Tas di manlang sinabi sa akin?!" Kunwaring galit na sabi ko habang nagpupunas ng buhok ko. Katatapos ko lang maligo e'.

"Hahaha! Para surprise, diba?" Natatawang ani niya at kumindat pa. Tss! Haha!

"Hahaha! Yeaaah." Nakangiting sabi ko.

"Hey guys!" Gulat kaming napalingon ni Ashton sa pinto, si Tristan at Niasha.

"Yow!" Bati naman ni Ash.

"Ready na ba kayong magbakasyooonnnnn????!!!" Malakas na sigaw ni Niasha at tila nae-excite pang sabi niya, natawa naman kami sa kanya.

"Oo naman!" Nakangiting usal ni Ash.

"Yes! Ofcourseee!" Natutuwang sabi ko.

"Oh ano pang ginagawa natin?! Mag impakeeee na tayooo! Hahaha!" Natatawang sabi naman ni Tristan.

"We're done." Nakangiting sabi ni Ash. Nagulat naman ang dalawa.

"Seryoso?! Ang bilis ah?!" Gulat pang sabi ni Niasha.

"Oh well. Naka-impake naman na ang gamit ni Ashton e, 'yung akin kahapon ng umaga ko pa naayos. Wala kase akong magawa kahapon e'! Hahaha!" Natatawang sagot ko.

"Oh eh, ano pang ginagawa natin dito??" Tanong ni Tristan kay Niasha.

"Tara na't mag impakeeee!" Sigaw ni Niasha sa mismong mukha ni Tristan. Natawa naman kaming dalawa ni Ashton sa kanila.

"Alriiiight! Wait lang guys ah!" Paalam ni Tristan at hinawakan ang kamay ni Niasha papunta sa kwarto ni Niasha para mag-ayos.

Makalipas ang ilang oras..

"Ano? Okay na ba? Wala na ba tayong nakalimutan??" Tanong ni Ashton habang chini-check ang mga gamit namin.

"Wala na siguro." Sagot naman ni Tristan.

"Taraaa naaa! Excited na akooo!!" Napapatalon pang sabi ni Niasha sa sobrang excited, napangiti naman kami.

"Okay! Let's Go!" Anyaya ni Ashton matapos mag check ng mga gamit namin. Sinara ko naman ang pinto at nilock ito, ganoon din ang ginawa ko pagkarating sa gate.

"Amin na 'yang mga bagahe ninyo." Nakangiting suhesyon ni Tristan at kinuha nga nila ni Ashton ang dala naming bagahe ni Niasha at nagpauna na kaming pumasok ni Niasha sa sasakyan.

Apat na malaking bagahe ang dala namin at isang medyo maliit na bagahe at tanging puro pagkain lamang ang laman niyon. Kulang pa nga ang mga dala naming pagkain kaya't dadaan muna kami sa Mall para bumili pa ng mga kakailanganin namin. Pagkapasok nila Ashton at Tristan dito sa sa sasakyan agad na din kaming umalis para pumunta sa Mall.

Pagkarating sa Mall, pumunta na kami kaagad sa bilihan ng mga pagkain. Ang binili naman ay puro de lata, may mga chichirya, mga inumin at marami pang iba na kakailanganin namin para sa sarili namin.

"Saan gusto n'yong kumain??" Tanong sa amin ni Ashton. Nag-isip naman kami. Nagugutom na ako kaya naman gusto ko sa..

"Mang Inasal na lang! Hehe! Gutom na ako e'! Gusto ko unli rice." Nakangiting suhesyon ko.

"Sure! Okay ba sa inyo 'yun guys?" Tanong sa kanilang dalawa ni Ashton.

"Oo naman!" Sabay na sabi ni Niasha at Tristan kaya agad na kaming tumungo roon.

Think Before You EnterWhere stories live. Discover now