Chapter 2

34 2 0
                                    

Chapter 2

Friends

"Grabe ka naman Ezra, kala ko ba isang cup of rice lang ang kaakainin mo ngayon." Reklamo ni Emma kay Ezra, tumataba na kasi ito.

"Oo na! Kasalanan ko bang napakatakaw ko. Hmp! Kumakain lang naman ang tao ehh, nakakagutom kaya! Sisihin niyo si professor, nagutom ako dahil sa kakaexplaine niya kanina, napaka walang kuwenta, wala akong naintindihan." Sabi niya at sumubo ulit ng pagkain, napa iling nalang ako.

"Oo nga naman, mabuti nalang hindi major subject ang tinuturo niya, napaka talaga!" Sabi ni Eyan at tinusok ang steak niya.

Nandito kami ngayon sa cafeteria, lunch time, di ko parin nakalimutan yung kanina, ako lang ba ang nakakita sakanya ng ganun? Natawa ako.

"Oy oy oy, erin ano nanaman yang ngiti-ngiti mo diyan ahh?!" Sabi saakin ni Ezra at tinuro ang tinidor niya saakin.

Umiling ako.

"Weh? Inisip nanaman niyan ang crush niya." Sabi ni Eyan.

"Reo nanaman yan." Nagsitilian silang tatlo, may mga taong napatingin tuloy sa dirksyon namin.

"Uyy tumahimik nga kayo!" Suway ko sakanila. Natawa lang sila.

"Don't worry girl, nandito lang kami, kahit alam naming wala ka nang pag-asa sakanya." Humalakhak sila.

"Ang sama niyo, imbis suportahan niyo nalang ako. Hmp!" Umirap ako. Tumawa lang ulit sila.

"Eto naman, joke lang! Alam naming pangit ka, pero there's no wrong in trying right?" Sabi ni Emma, napasimangot ako. Tama nga naman sila, pangit ako, di ko tatangihan iyon. "Uyy erin, cheer up! Hindi lang ikaw ang nagiisang pangit sa mundo, nandito rin kami." Natawa kaming apat sa mga pinagsasabi namin. Napansin ng mga kabilang table ang ingay namin kaya nagbubulungan sila.

"Hmp! Inggit lang yan sila!" Sabi ni Ezra sabay tingin sa kabilang mesa. "Porket magaganda sila, kaya na tayong laitin." Sabi naman ni Eyan. "Oo nga." sang ayon namin ni Emma.

"Erin, parating crush mo." Turo ni emma sa likod. Lumingon ako, kita ko wala naman ahh.

Tinukso nila ako napahalhak naman sila, doon ko napagtantuhan na joke lang pala 'yon. Ang sama nila! Tinapunan ko ng kaunting fries si Ezra.

"Aba langya 'to ahh!" Tinapunan rin niya ako ng kaunting yogurt. Natawa naman siya kasi natamaan rin si Emma sa tabi ko.

"'Bat ako nakasali Ezra!" Natatawang sabi ni Emma kaya ginantihan rin si Ezra, kumuha siya ng ice cream at pinahid kay Ezra.

Abat! Nag fo-food fight na kami rito ahh! May mga estudyanteng napatingin saamin, bahal na.

May narinig kaming humalakhak ng malakas sabay kaming tatlong lumingon sa tabi namin kita namin na si Eyan pala iyon, tumigil siya sa pagtatawa.

"Sige kayo! Huwag ako! Susuotin ko pa tong uniporme ko bukas!" Banta ni eyan saamin.

"Eww!" Sabay naming tatlong sagot. Hindi na kami naghintay sasusunod niyang sasabihin at tinirahan na namin siya ng pagkain. Natawa kami sa expression niya.

"Ang sama niyo!" Sigaw ni Eyan saamin pabalik. Nagtapunan na kami ng pagkain dito, may narinig pa akong bulungan ng tao sa tabi

'Eww ang lalagkit pa, ang papangit pa'

Wala na akong pakealam basta masaya kami, at totoo kaming magkakaibigan sa isat isa.

Itinapon ko kay Ezra ang caldereta ngunit naka-iwas siya, kaya natapon iyun sa taong nasa likod niya.

Once Upon An Ugly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon