Chapter 9

12 2 0
                                    

Ineexpect kasi niya mahaba ang update ko, nagsinungaling ako sakanya. Haha! Sorry. Bawi next time. Short update...

-----------------------

Chapter 9

Transferee

Pinag-iisipan ko pa kung pupunta ako sa party, i mean like... Dang, anong use nang pag punta ko doon.

Narinig ko ang tilian ng mga babae sa kabilang mesa, imbes na gumagawa sila ng project Arts and Craft para sa Arts month namin, pag chi-chismis ang ginagawa nila ngayon.

"Anong meron?" Tanong ni Ezra, gumagawa siya ng sculpture kita ang talento niya dito, magaling siya ngunit pinapaawat lang niya, hindi ko nga alam kung bakit.

"May trensferee raw." Sagot ni Eyan sa tanong niya, nagpipintura naman siya, tawang tawa nga ako sa ginagawa niyang masterpiece na hindi naman maintindihan, pero ang ganda ng pagka blend ng mga kulay.

Napa-isip ako sa nagtransfer, hindi ba end of 3rd semester na? 'Bat ngayon pa niyang naisipang mag transfer? Sayang naman.

"Babae? Lalaki?" Nakangiwing tanong ni Emma, pinupuga niya ang basahan na ginamit niyang pang painting sa may sink parte ng classroom,

"Kita mo na ngang nagtitilian ang mga Babae, kaya malamang lalaki." Nakibit-balikat lang si Emma sa sinabi ni Ezra.

Natapos ang klase namin sa Arts, ewan ko nga kung bakit pa ako nag take up ng ganitong subject. Practicing course na kasi kami ngayon kahit nasa Grade 9 palang ako, puwede kaming pumili ng clarified subjects namin, major ang pinili ko pero gusto parin ni Mama na kumuha ako ng mga minor din para mapalawak raw ang kaalaman ko. May subject ba na tungkol kay Reo lang? Sigurado ako Top 1, natawa ako sa iniisip ko.

"Crush mo oh. May kasamang senior." Napalingon ako sa ningusuan ni Eyan. Nakita kong nag-uusap si Reo at isang senior na babae, hindi sila magka klase, alam ko.

Binigyan ng babae ng Box si Reo, malayo palang alam ko na kung ano yun, Cake.

Hindi naman sa nagseselos ako pero, dang... May lakas loob siyang ipakita. Samantalang ako, mabubulok na sa torpe dito.

"Er, make a move na." Payo saakin ni Ezra.

Tinitingnan ko kung paano ngumiti si Reo sa ginawa ng babae, rinig ko ang tili ng mga kaibigan ng babae, umalis sila pagtapos.

Napalingon si Reo sa kinatatayuan ko, lumaki ang mga mata ko at hinila na ang mga kaibigan ko. So, nakita niya ang titig ko? Don't notice please.

Nilagay ko ang Mapeh book ko sa locker at nagpalit ng books para sa afternoon session. Wala akong balak kumain ngayong lunch kaya si Eyan at Ezra nalang ang pumunta sa canteen.

"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni Emma saakin, nagpapalit rin siya ng mga libro niya.

"Hindi, may plano kasi akong bilhan si Becca ng mamahaling regalo sa birthday niya, binigyan ako ni mama ng pera, pero nakakahiya naman kung magpapa dagdag pa ako, gusto ko namang espesyal." Sabi ko at isiniradp na ang locker.

"Sus, ang sabihin mo, nagpapalakas loob ka lang sa kapatid niya." Sumingkit mata ko sa sinabi niya at umirap. "Hoy, babae, huwag mo'kong irapan!" Natatawang sabi niya.

"Mabuti na yung sigurado. At hindi ako nagpapalakas ng loob."

Habang papalapit kami sa principals office, ay palakas ng palakas ang ingay. Nakakasakit sa tenga ang tili ng mga babae. Dadaanan kasi namin ang principals office bago makarating sa classroom.

"Ganito ba kagwapo ang transferee para magkaganito ang mga babae?!" Inis na wika ni Eyan habang tumatakip ng tenga niya.

Mas lalo pang umingay nung may lumabas sa Office.

Napahinto kami sa paglalakad ni Eyan dahil sa tumpuksn ng mga tao sa hallway.

"Excuse me po!" Pasigaw na sabi ni Eyan.

Kinapit ko ang salamin ko para hindi mahulog.

Hindi ko na naiwasang mapatingin kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Unang lumabas ang principal sunod yung... Transferee. And, what the...

Naka-alis na kami sa crowd pero natapilok ako. May humila sa bag ko kaya naagapan ang pagkatapilok ko.

"Watch out." Sabi ng transferee, alam kong ito ang transferee. I have my senses. Kumindat pa siya saakin, pumula ako sa ginawa niya.

Sumigaw ang school heads na magsibalikan na ang mga tao sa classrooms nila, kaya kumonti ang mga tao sa hallway, pero may mga paawat at ayaw parin bumalik.

Ngumisi siya saakin and dang ang gwapo parin niya.

Ramdam ko na siniko ako ni Emma sa tabi, pero binalewala ko.

"Grabe naman, inakit agad ni Erin ang transferee." Rinig ko sa isa sa mga estudyante kaya napamura ako sa isip ko. Anong inakit?!

Inirapan ko siya at dumiretso nang pumasok sa classroom, nandoon na rin si Eyan at Emma.

"Uyy, sino yun? Gwapo ha! Manliligaw mo ba? Impossible." Pinalo ko si Emma sa pinag sasabi niya.

Umupo na ako sa upuan ko. Grabe ha! 'Kala ko December pa siya babalik! Pero bakit, bakit. Napamura ako sa isip ko.

"Sinong manliligaw?" Tanong ni Ezra.

Pumasok na ang prof kasabay ng pagpasok ng transferee, nainis nanaman ako dahil, hindi parin siya nagbabago! Ganito parin siya. Alam kong sinadya niyang magka klase kami. Nagtilian na ang mga babae.

"Mister, Introduce your self para hindi ignorante ang mga tao." Natawa naman ako sa sinabi ni Prof.

"Before i will introduce myself..." Naging maingay na ang buong klase sa unang salita palang niya "...i would like my seat to be beside Ms. Samonte." Sabi niya at kumindat. Oh great God! He never changed, and i know, never... Will.

Natahimik ang lahat.

May narinig pa ako sa isa sa mga kaklase ko ang 'sila mag on?' Nadiri naman ako.

"Since bago ka, pagbigyan kita, pero may limmitations at rules parin tayo sa school na bawal ang PDA." Sabi ni Prof, namula ako. Gosh! "Kayo ba?" Napanganga ako sa tanong ni Prof.

"Hindi!" Sigaw ko. Nagmumukha ba akong defensive? Totoo naman na hindi.

"Yes i know that Sir..." Inayos niya muna tindig niya bago nag salita. "Hi, i'm a trensferee from Andres Academy. Transfered because of her." Turo niya saakin. Napa iling ako, ayan nanaman siya sa pa-english english niya. Yun lang ang sinabi niya at umupo na sa bakente na nasa tabi ko. Kumaway pa siya saakin, umirap ako ng pasikreto.

"Name, Mister, uhh, sorry hindi ko pa nakukuha ang transfer info mo sa office." Tinuro ni Prof, siya.

"Okay lang Prof. I'm Ynigo." Ngumiti siya.

"Just say your full name Nigs." Sabi ko sakanya, yan ang tawag ko sakanya.

"Ynigo Samonte." Kita ko ang pagka laglag pang ng mga kaklase ko.

Umirap ako. Damn that name, I hate my cousin... in a playful way.

Now what? Sino pa ang surpresang magtratransfer dito? Pansin ko madami na ahh. Sino next? Piolo Pascual?

to be continued...

Once Upon An Ugly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon