Ang Wushan ay isang maliit at ordinaryong bayan na sakop sa kaharian ng Fenlai, kanlurang bahagi ng ‘Mountain Range of Magical Beast’, ang pinakamalaking kabundukan sa kontinente ng Yulan.
Habang papasikat ang araw ay may dalang lamig pa rin ang pang-umagang ihip ng hangin sa bayan ng Wushan. Pero ganun pa man, ang mga mamayan sa maliit na bayan ay maagang nagising at nagsimula sa kani-kanilang trabaho. Kahit ang mga anim o pitong taong gulang na mga bata ay gising na rin at naghahanda na para magsimula sa kanilang tradisyon nang ehersisyo tuwing umaga.
Sa isang bakanteng lugar, sa silangang bahagi ng Wushan, ang init sa sinag ng pang-umagang araw ay dumadaan sa mga siwang ng dahon sa nakapalibot na mga punong kahoy at tumatagos ito at nagkalat patungo sa lupa.
Makikita roon ang malaking grupo ng mga bata na umaabot sa bilang na isa hanggang dalawang daan. Ang mga batang ito ay magkakahiwalay sa tatlong grupo, bawat grupo ay nahahati sa iilang linya. Ang lahat ng mga bata ay tahimik na nakatayo roon, seryoso ang mga mukha. Sa punong hilagang grupo ng mga bata ay may edad na anim na taon. Ang sa gitna ay may siyam na taon. At ang nasa timog ay nasa trese hanggang desisais anyos.
Sa harapan ng malaking grupo ng mga bata ay may tatlong may edad na mga lalaki at malalaki ang katawan. Parehong walang manggas ang t-shirt na suot ng tatlo at parehong nakapantalon.
“Kung gusto ninyong maging isang malakas at makapangyarihang mandirigma, kailangan ninyong magsikap habang bata pa kayo.” Malamig na sabi ng pinakapinuno ng may edad na mga lalaki, taas noo itong nakatayo habang ipinagsalikop sa likuran ang dalawang kamay. Sinuyod nito ng malamig at mabalasik na tingin ang hilagang bahagi na grupo ng mga kabataan. Tikom ang bibig ng may anim at pitong taong gulang na mga bata. Ang malalaki at mabibilog na mga mata ay walang kakurap-kurap na pinagmasdan ang lalaki, walang sino man sa mga ito ang may lakas ng loob na gumawa ng kahit kaonting ingay.
Ang pangalan ng pinuno na ito ay si Hillman. Isang kapitan ng mga guwardiya sa angkan ng mga Baruch, ang maharlikang angkan na nagmumuno ng Wushan.
(Me: Noble-Maharlika; Rich- Mayaman. Kaya may pagkakaiba sila.)
“Lahat kayo ay ordinaryong mamamayan. Hindi kagaya sa mga maharlikang angkan, wala kayong paraan para matuto sa mga mahahalagang libro kung paano palakasin ang inyong battle qi. Kung gusto ninyong maging isang taong may halaga, at kung hangarin ninyong kayo ay respetuhin…kung ganun, lahat kayo ay kailangang gamitin ang pinakaluma, pinakasimple at pangunahing paraan para paghusayin ang inyong mga sarili- sa pamamagitan nang pag-eensayo ng inyong katawan at pagtibayin ang inyong lakas! Maliwanag ba!?” Hinagod ng tinging ni Hillman ang grupo ng mga bata.
“Maliwanag!” Sabay-sabay na sagot ng mga bata.
“Mabuti.” Kontintong tumango si Hillman sa narinig. Naroon sa mata ng may anim na taong gulang na mga bata ang pagkalito, samantalang ang mga mata kabinataan ay naroon ang determinasyon. Naintindihan nang mga ito ang ibig ipahiwatig ni Hillman.
Musmos palang ay nakasanayan na ng lahat ng mga kalalakihan sa Kontinente ng Yulan ang puspusang pag-ehersisyo. Kung tatamad-tamad, sa hinaharap ay mamaliitin ito ng karamihan. Kayamanan at kapangyarihan- ito ang sukatan ng pagkatao! Ang taong walang kapangyarihan ay mamaliitin ng iba, kahit ng mga kababaihan.
Kung ang isang tao ay gustong ipagmalaki ng mga magulang, gustong sambahin nang mga kababaihan, gustuhing mamuhay ng maluwalhati?
Kailangang maging isang makapangyarihang mandirigma!
Lahat ng mga naroroon ay mga ordinaryong mamamayan. Silang lahat ay walang paraan para hawakan man lang ang mga librong magtuturo sa mahalagang paraan kung paano papalakasin ang kanilang battle qi. Ang tanging daan nila patungo katanyagan ay ang pag-eehersisyo habang musmos palang at mag-iipon ng lakas! Matinding pagsusumikap! Mas magsisikap pa nang mas matindi kaysa mga maharlika, ibuhos ang buong lakas at dugo para palakasin ang katawan!
BINABASA MO ANG
Coiling Dragon Book 1
AventureWell played!! kaya pasukin na natin ang mundo ng cultivation kung san may pagmamahal na mabubuo, pagpupursigi at paghihiganti na mabubuo...