IRIYA POV:
AAAAAAAAARRRRGGGHHH !!! PUTCHA!!
SANA DI NIYA NAPANSIN ANG PAGKABALISA KO < ( >o< ) >
Putcha yung Romualdez na yun !! Problema na agad ang salubong niya sa'kin !
SINO BA SIYA SA TINGIN NIYA, HA ???
HINDI NIYA KAYA AKO KILALA !!
***FLASHBACK***
Pagkatapos agad ng last subject, agad akong dumeritso sa rooftop, bitbit ang notebook at ballpen ko. Umupo naman ako sa silya na inilagay ko dun noong lumipas na tatlong taon.
Sadyang naging tambayan ko na talaga ang rooftop.
Naisipan kong magpalipas ng oras dito sa pagsusulat.
Yan lang ang magagawa ko ngayon dito ..
*scribble*
*scribble*
Huminto ako... Ba't parang may nakatayo sa pintuan..
Bumarot yung mga balahibo sa katawan ko..
*scribble*
*scribble*
Oh, my gaasss..
Nakatayo pa rin ang nilalang sa pintuan, ayon sa peripheral vision ko ..
( O_O )
Papalapit na siya !!
DEMONYO !!!!
"Ui, Iriya .. "
*DOOGSH*
Tuloy, lumipad yung inhibisyon ng utak ko at nahulog ako sa sahig ..
Napaangat ang tingin ko sa taong nakatayo sa harapan ko..
*sigh*
Papatayin ako ng estranghero na ito, ehh !!
Pinapaaga niya ang libing ko ...
"IKAW!! A-ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO DITO, HA ??"
Lumapit siya sa kinaroroonan ko at inialay niya sa akin ang kamay niya para tulungan ako ...
(_ _ ## )
NAKAKAASAR TONG TAONG ITO, EH !!
Tumayo akong mag-isa at pinagpag ang palda ng uniform ko ...
Pinagmasdan ko lang siyang ngumiti sa ginawa ko at humiga siya sa sahig ..
May naglalaba siguro ng mga gamit niya ..
Di niya naisip na ang hirap kayang maglaba ng puting uniform kapag nadumihan ..
"Umalis ka na nga, Romualdez. Higaan mo na lahat ng mga lugar ng academy na'to, basta wag lang sa harapan ko kung saan nakikita ko ang pagmumukha mo, Asungot."
Ayoko talagang may makasama na lalaki. Lalo na at di ko kilala !!
Hindi ko pa kaya nalimutan ang nangyari kaninang umaga !!
Umiyak kaya ako sa harapan ng asungot na ito!
My God, baka sinapian lang ako kanina !!
Alam kong nagulat siguro sila sa nangyari doon !!
BINABASA MO ANG
Her Heart is a Stereo
Teen FictionShe knows she that she exists normally, like everyone else does. She never pondered beyond what she did not know or what she did know but just forgot. Suddenly, he appears before her. She recognizes these different parts of her, a memory inside her...