Orasyon sa Puso ng Aswang

579 6 3
                                    

Madilim na ang gabi ng umuwi si Mario, galing siya sa nililigawan niyang si Perla. Sa liblib na lugar nakatira ang naiibigan niyang dalaga.

Para makarating doon ay kailangang lakarin ang maliit na pilapil sa gitna  ng palayan. Wala pa namang serbisyo ng kuryente sa lugar na iyon.

Naninindig ang mga balahibo niya sa tuhod nang may marinig si Mario na huni ng ibong paniki. Kasabihan na sa kanilang lugar na kapag may humuhuni raw na gayong ibon ay may ginagabayan itong aswang, at itinuturo kung saan ito dadako.

Hindi maaring magkamali si Mario, papalapit sa kanya ang huni ng paniki. Nangangahulugang makakasalubong niya ang aswang.

Wala ng ibang daan upang siya'y makaiwas, walang ibang dadaanan kundi ang maliit na pilapil na iyon.

Nilalakasan ni Mario ang loob. Haharapin niya ang aswang kung ito'y kanyang makakasalubong.

Naalala ng binata ang orasyong ibinigay sa kanya ng kanyang lolo. Maililigtas daw siya kung tatlong beses niyang ito'y sasambitin.

Ngunit malapit na ang huni ng paniki, at hindi niya pa rin makita sa kanyang wallet, kung saan naisiksik ang nasabing orasyon.

Sa sobrang dilim ng gabi'y hindi niya makita ang hinahanap niyang bertud.

"Magandang gabi binata".Maganda rin kaya ang dugo mo? Tumawa ang aswang. "Masarap ka sigurong hapunan" muling tumawa ang aswang

Pwede ba ginoong aswang huwag ka nang tumawa....kasi lalo ka pang pumapangit eh:

Lalong humalakhak ng isang nakatutulig na tawa ang aswang.

"Bad trip ka naman eh," wika nito may nakita ka na bang guwapong aswang?...basta kamukha mo,aswang iyon."lalong lumakas ang tawa ng kausap ni Mario.

Mas lalo kang badtrip. Namula sa galit ang binata. Hinarap niya ang aswang lalaban siya rito.

"Oroc orac Liam Gatum Ratum Gaturum". Inulit niya ito ng tatlong beses. Iyon ang orasyong ibinigay sa kanya ng kanyang lolo. S sobrang galit ay bigla niyang naala-ala ito. Sabihin baga naman ng aswang na iyon na basta kamukha niya'y siguradong aswang din.

Nagtatakbo ang aswang nang marinig ang orasyon. Ang ibaba at itaas nitong mga pangil ay nalaglag pa sa kinatatayuan ni Mario. Kahit madilim ay kitang kita ito ng binata. Paano nama'y may brace pa pala ang mga pangil ng aswang.

"Tarantado kang aswang ka,aswang ka lang naka brace ka pa" natatawang nagagalit si Mario.

Talk of the town si Mario kinabukasan. Balitang balita sa nayon ang pakikipaglaban nito sa aswang. Palibhasa'y wala namang ibang nakakita maraming dagdag itong kahambugan kung paano siya nakipagbuno sa aswang.

Inilihim niya ang tungkol sa orasyon. Gusto niyang palabasin kasi na siya ay malakas. Naglaban sila ng braso sa braso hanggang sa bunutan niya ng pangil ang aswang.

Paniwalang-paniwala naman ang mga kanayon ni Mario sa kanyang kayabangan. Nasa kanyang pag iingat kasi ang dalawang pangil ng aswang. Kaya paniwalang paniwala ang mga ito kay Mario.

"Ano ba ang itsura ng aswang?" tanong ni Lito, isa ito sa kanyang kababaryo at siya niyang kausap. Nakatambay sila sa isang tindahan ng mga oras na iyon. Pinag uusapan pa rin nila ay ang aswang na nakalaban ni Mario.

"Syempre pangit, kaya nga todo ang naging galit sa akin ng sabihan ko siyang pangit eh." pagyayabang ni Mario.

Bilib na bilib naman sa kanya ang mga taong nakapaligid sa kanya. "Nasabi mo iyon sa aswang? anong ginawa niya noong magalit sa iyo" buong paghanga sabi ng isa kay Mario.

Inilabas niya ang kanyang pangil, kaya napilitan na akong lumaban. Nagpambuno kami, noong una tinatalo niya ako, pero nang makabwelo ako naitumba ko siya. At nang sya'y mapunta sa ilalim ko ng mabuwal, binunot ko ng dala kong plais ang kanyang mga pangil. Pinagtagni tagning kahambugang paliwanag ni Mario.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Orasyon sa Puso ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon