CYFB 1

86 7 3
                                    

HANNA's p.o.v

"G-ganon na lang? Iiwan mo na ako ng ganto kadali!?!" Sabi ko habang pilit kong hinahawakan ang kamay niya pero tinatanggal niya.. Naninigas na ako dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko kaya 'tong eksenang to. Matapos ang lahat ng pinagsamahan namin sa isang taon, iiwan niya nalang ako.

Ang dali lang sa kanya na sabihan ako ng kung ano ano, yung ipagtabuyan ako. Ipagpalit ako sa babaeng kakakilala niya lang.

"S-stephan please, please.. Akala ko ba ako lang? Kaya ko naman na patawarin ka sa ginawa mo eh. " Pagmamaka-awa ko sa kanya. Hindi ko na kaya! Kanina pa ako umiiyak habang siya ay nakatingin sakin.

Umalis siya ng wala kung anong sinasagot sa pagmamaka-awa ko.

Ganito ba talaga lahat ng lalaki? Marami akong naririnig na mga kuwento sa radyo, o kaya sa mga classmates ko na ang mga lalaki daw ay mga manloloko. Yung tipong pagkatapos mo ibigay ang lahat ay bigla ka nalang iiwan, para sa bagong babae nila. Cliché diba!? Akala ko kami na talaga.


 TANGINA WALANG FOREVER!

Pero hindi ko akalain na gagawin sakin ni Stephan 'to. Ganto pala kasakit. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.  Ngayon alam ko na, pare-pareho lang ang mga lalaki. Lahat sila, lahat sila.. mga manloloko.

"This is enough! Hindi na ako iiyak! Ayoko nang umiyak para sa gagong Stephan na yan." bulong ko sa sarili ko habang palayo siya.

"Hindi ko na kailangan ng lalaki sa buhay ko."

I decided to take a long-walk after that scene. Hindi ko pa kayang umuwi sa bahay. I live alone.  My parents are in abroad. Of course, it's about business.They decided to left me alone here, ang dahilan nila dahil sa dito kase ako nag-aaral. Well, okay lang saken yon. I can take care of my self. I maybe look strong but madali lang ako umiyak lalo na't kapag hindi ko na kaya.

As i walk in the park. Bigla akong nagsisi.. Dapat pala umuwi nalang ako agad at natulog.

Ngayon nakikita ko lang naman ang boyfriend ko, oh I mean my-dearest-ex-boyfriend with his slut. Yung pinalit niya sakin! Augh! Damn it!

Habang tinignan ko silang dalawa na naglalandian, may tela na nakatiklop  ang humarang sa mukha ko.

"Don't cry. Don't look at them" sabi nung lalaki. Inaabot niya sakin yung panyo niya. T-teka.. hindi ko namalayan umiiyak na pala ako habang nakatingin sa dalawa.

"You don't care. You don't know anything.. Don't ever get concerned on me. Pare-pareho lang kayo." Hindi ko siya tinignan at hindi ko rin kinuha yung panyo niya. After that bigla nalang akong tumakbo palayo.

Ang sakit sakit..

-- --

hi new author here ;3 pengeng inspirasyon ♥

-d

Crashing Your Frozen BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon