Lawliet's p.o.v ♛
It's been three day since the night I saw her crying at the park because of that asshole, Stephan. It's my first time approaching her, at sa ganon pang pagkakataon. At iisa lang ang nasa utak ko. "Putangina mo Stephan Ynarez". That guy doesn't deserve any precious tear from Hanna. Ang sakit na makita na umiiyak siya pero alam kong mas masakit sa part niya. Ikaw ba naman gaguhin e.
Pero meron pa rin parte ng utak ko ang naginhawaan. Yung tipong masaya kasi wala na sila sana may chance na akong makalapit sa kanya.
Ang tagal ko nang pinapangrap si Hanna. Gustong gusto ko siya simula pa lang ng pagpasok ko dito sa University. Nagustuhan ko siya sa hindi ko malamang dahilan. The way she moves, the way she smiles, even her hair. Yung mga mata niya, her white skin. Dyosa na matalino pa. Every thing about her is perfect.
Describe nga ako ng describe pero hindi ko naman siya malapitan o kaya mabati 'man lang. Natotorpe ako lagi, sobrang torpe ko pagdating sa kanya.
I still remember that day, the most awkward and at the same time masaya din :)
FLASHBACK ..
It was my second year here in the RobertSon University. Nasa kabilang room lang si Hanna at doon ang section nila.Tahimik lang akong nakikinig sa teacher namin. Medyo nabo-boring na ako. Nakaka-antok talaga ang Mathematics.
Nagtataka nga ako kung bakit kailangan pa mag-aral ng Algebra e. Samantalang hindi naman yun kailangan kapag nag-trabaho na ako. Halimbawa kapag nasa fast-food restaurant ka. Magbabayad ka na lang, sasagutin ka pa using mathematical sentence! Ugh darn, ayoko na neto.
Ang sama na ng tingin ko sa teacher namin. Antok na antok na ako ng biglang ibahin niya yung sinasabi niya.
"Oh, I almost forgot class. Pupunta or I mean magro-room dito for one week ang Section A. Dahil wala ang math teacher nila." Tama ba yung narinig ko? o_o
"You heard it right! Tutal naman, iisang schedule lang naman ang time ng klase ng Mathematics nila sa inyo, ipagsasabay ko nalang"
Makakasama ko si Hanna Elizabeth Hanson sa isang kwarto! Ang saya naman neto. Ang saya ng Mathematics, shet!
At yun na nga, nakasama namin ang section nila. Ang saya! May pagkakataon na naging partner ko siya sa isang activity.
"Ms. Hanson from Section A. and Mr. Palma, you two will be the last pair to report at kayo din ang mag-partner. Understand?"
Napatingin ako nun bigla kay Hanna. She just nodded. Wala man lang emosyon na nakita sa mata niya. Samantalang ako, kinakabahan at the same time natutuwa rin :)
Sana bigyan ni Lord si Mr. Enriquez, ang mathematics teacher namin ng mahabang buhay!
"You may now sit beside your partner Ms. Hanson" utos niya kay Hanna. Para akong estatwa don, hindi ako nag-rereact. Nababato ako! Anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Crashing Your Frozen Barriers
Teen Fiction"Nagawa kong mag-sinungaling at lokohin ka pero dahil yun sa pagmamahal ko sa'yo.. hindi dahil sa katulad ko siya. Natakot ako Hanna, natakot ako. "