CYFB 3

60 7 4
                                    

Lawliet's p.o.v

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ko nasabi at nagawa yung mga yon. Ano bang pumasok sa isip ko at nagawa ko yon?! Ilang araw na akong lutang at wala sa sarili. Daig ko pa naka-droga. Mag-iisip ng malalim, sabay sasabunot sa buhok at tatawa. Gago lang eh.

Iniisip ko rin kung ano ang ginagawa at iniisip ni Hanna. Sana kahit papano nakalimutan niya na yung problema niya tungkol kay Stephan. Sana okay lang siya. At sana din, nakalimutan niya na yung mga kabadingan na sinabi ko. Nakakahiya talaga!

Ngayon nga ako may chance na malapitan siya at maligawan siya. Paano ko pa siya maliligawan kung isang bakla ang tingin niya sakin? Ang hirap naman neto. Pero sana talagang nakalimutan niya na.

Hanna's p.o.v

I want to have fun!

I want to have fun!

I want to have fun!

Yan lang ang nasa isip ko. Gustong gusto ko'ng magsaya! Syempre, single na ako eh. And also, I want alcohol to take away all of my damn problems! Especially, Stephan! Gago siya! Akala ba niya siya lang ang may kayang mag-saya? It's a big N.O! Pero hindi ako magpapaka-bitch. Ayoko maging gaga! Hindi ako man-lalaki. Iinom lang, ita-try ko lang na lunudin ang sarili ko.

After nung nangyari sa canteen mas lalo akong nagalit! Bago ko siya nun i-approach, pinag-isipan ko talaga! Akala ko may chance pa, pero wala na eh. Ang daming mata ang nakakita nun. Sobra sobrang nasaktan na nga ako, napahiya pa ako! At hindi na yun mauulit. I feel so sorry for my self. Napagtanto ko rin na " Huwag maghahabol ng asong ulol, magmumukha ka lang tanga. Ulol nga e. "

Tutal naman the classes are over, and no one is waiting for me. I'll have fun. Alone? Hmm, ewan. Ayokong maglasing mag-isa at  baka mapahamak pa ako. So, kahit sino na lang. I'll call my dearest friend, Shyn :) Classmate ko siya since and friendship ko din. Mabait at matalino!

I pickep up my phone and dialled her phone number immediately!

[Dialling Shyn♥]

Hindi pa nagtatagal mag-ring, sinagot niya na agad.

"Hey Shyn!" bati ko sa kanya.

[Hey what  do you need?] tanong niya.

"I want to have fun! f-u-n! Come with me please~" I asked her with a sweet tone.

[No, just no.] Diretsyahang sagot niya. Ano ba naman 'toh! Minsan lang ako mag-request e.

"Why? Are you busy, Shyn? Tapos na naman ang klase. "

[I said no. Go home Hanna] she answered with a serious tone. Para siyang nanay na umayaw sa request na barbie doll ng anak niya.

"Fine. I am sorry for bothering.." I said. Hindi na siya sumagot pagkatapos non. Siguro busy siya. Madami siguro siyang gagawin kaya ayaw niya o kaya pagod siya. Eh bakit! Pareho lang naman kami ha :(

Sige na nga! Iba na lang ang yayayain ko. Eh sino naman? Ugh! Nakaka-inis. Alangan naman yung mga queenbitches dito sa campus . Baka kesa sa alak ako mag-suka sa mga kagagahan lang nila. Yuh, they are totally ew~. There was a time na may kumalat na scandal sa university pero hindi umabot sa school office. Ang isa sa mga queenbitches ang bida sa scandal na yon! And guess what, okay lang daw yon. Maganda naman daw siya.  Okay, cut this off. Eto ba ang plot ng story? Hindi naman diba. Ayoko ng pagusupan! It's giving me creepy goosebumps.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crashing Your Frozen BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon