KILIG SCENE #2

127 2 5
                                    

Bestfriend Tip#2: Wag papaapekto sa mga sinasabi ng iba, at higit sa lahat wag bigyan malisya ang mga ginagawa niyong magbestfriend, dont compare yourself to other girls, masasaktan ka lang!

'UIIIIIII!!!! SILAAAAA!!!!' karaniwang way nang pang-aasar ng mga kaibigan mo sa inyo.

Kung gusto mo ang nililink sayo, SINO BA NAMANG HINDI KIKILIGIN?

Kung ayaw mo, NGA-NGA! 

WALA TAYONG MAGAGAWA, MINSAN TALAGA MALAS LANG.

KILIG SCENE #2

'Anne, jan na sundo mo.' sabi ng isa kong kamember sa SINAG newspaper club.

'Ah?' sabay tingin sa paligid.

Si Crush!

Anjan na pala siya!

Retouch retouch din. >////<

'Ui kanina ka pa?' sabi ko.

'Di naman, tapos na kayo? Sabay tayo kina Nina, naghihintay na sila.' sabi niya sakin.

'Geh kunin ko lang bag ko.' sabi ko.

Pagkalabas ko ng clubroom.

'Akin na yan. Dalhin ko na.' sabi niya sabay kuha ng bag ko.

KALMA LANG!

KALMA!!!!!!

INHALE! EXHALE!...

inaabot lang ang bag, kikiligin agad?

diba pwedeng gentleman lang? PAGDADAHILAN KO SA ISIP KO.

MAHIRAP UMASA.

AYOKO UMASA.

'Yun na pala sila eh!' sabay turo sa iba pa naming kaibigan.

'Tara!' tapos biglang hawak sa kamay ko.

ETO NA BA YUNG TINATAWAG NILANG------HOLDING HANDS?

*faint* kyaaaa! KILIG!!!

Pagkalapit sa mga kaibigan.

Hiyawan.

Tuksuhan.

Normal na pangyayari kapag nakakakita sila ng dalawang taong magkahawak kamay.

pero.......

HINDI NORMAL SI CRUSH!!!!

'UIIIIIII!!!! SILAAAAA!!!!' sabay sabay na hiyaw ng mga kaibigan namin.

'What's wrong?' tanong ni Crush/Bez.

'HHWW?' sabi ng isa naming friend kung makangiti siya yung nakikipag-hhww eh!

HIYANG HIYA NAMAN AKO SAYO!

'So? I just hold her hands, ano masama dun? masyado kayong mag-isip.' depensa ni Crush/Bez.

Pero di pa rin sila tumigil sa kakaasar.

Si Ako naman, patay malisya, no comment.

TULALA in short NGA-NGA!

'Pag-hinawakan ko ang kamay ni Nina nang ganito?' sabay hawak sa kamay ni Nina na napakahigpit. OUCH!

'I-lilink nyo rin ba siya sa akin?' tanong ni Crush/Bez.

Naghiyawan na naman ang mga kaibigan namin.

Pero hindi na sa akin.

Sa iba na.

Sa ibang babae na kahawak kamay niya.

Nung time na yun, ewan ko ba.

Imagination ko lang ba na parang kabado siya or ano.

Masyado lang siguro ako mag-isip.

Pero isa lang masasabi ko.

Nung araw na iyon.

Napatunayan ko na.

MAHAL KO ANG BEST FRIEND.

[THE END]

a/n:

So sinipag ako gumawa ng kilig scene #2, inspired eh LOL!

Isa sa mga pinakapaborito kong scene with my bestfriend.

Di ko talaga makakalimutan yung araw na yun, Feb. 28. ^^

Kayo anung scene ang hindi niyo makakalimutan with your bestfriend?

Comment below >////<

ME AND MY BESTFRIEND (mga walang kwentang kwentong HINDI hango sa totoong buhay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon