Chapter 1

4 0 0
                                    

"Malungkot ka siguro ngayon, dahil hindi mo kami kasama. Napaka unfair mo kasi umalis ka agad ng walang paalam. Alam mo naman ikaw ang naging buhay ko, nakakapagtampo pero kahit na ganun mahal na mahal parin kita. Iyon na siguro ang hinding hindi magbabago. Kahit sobrang layo mo at hindi kita kayang puntahan wagkang mag alala daladala ko parin ang puso mo." Natanong ko sa sarili ko kung ano ang mga naging kasalanan ko para maging ganito ang aking buhay. Sobrang laki ba nito para kunin ang mga mahahalagang tao sa aking buhay.








...............

Panibagong araw sa aking bagong trabaho. Kelangan kumayod para mabuhay. Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko o kung ano ang gagawin ko. Nakakapanibago, medyo matagal tagal na kasi yung huli kung trabahong napasukan. Para lang din palang bagong araw ng pasukan sa bagong paaralan, nakakakaba hindi mo alam kng ano ang pwedeng mangyari.

Bago ako pumasok sa companya, tumingin muna ako sa paligid kung may makikita akong salamin or kotseng nakaparada. Titignan ko muna ang sarili ko baka sobrang haggard ko, nag jeep lahg kasi ako tsaka sobrang mausok kaya I need to check myself first. May nakita aking kotseng naka parada mukhang wala naman tao sa loob, nanalamin muna ako sa side mirror then after that I look myself to the window of the car. Tinted din kase kaya kitang kita ang reflection ko. After I satisfied of my look pumasok na ako sa loob.

"You are, Ms. Xzyrinalla Lavador?" Tanong sa akin ng medyo maykatandaan na babae. Pagka rating ko sa 21st floor siya agad ang bumungad sakin.

"Yes Ma'am, I'm Xzyrinalla Lavador." Sagot ko dito.

"Okay, follow me... By the way, I'm Rita and you will be my assistant secretary or maybe ikaw ang papalit sa akin."

"P-po??" Nabigla ako sa sinabi niya. Anong papalit? Huh! Na tritrigger ba siya sa akin? Bakit niya nasabi yun. Dahil ba mas bata ako sa kanya, eh mas matimbang kaya siya sa tagal niya na sigurong nag tatrabaho dito. Ang awkward naman makipag trabaho kung magiging ka-competinsya ko siya.

"Matanda narin ako, baka mag retire na ako ng maaga. Wag kang mag alala matagal tagal panaman iyon at plano pa lamang, wala pang kasiguradohan. Usyaa pumunta na tayo sa office natin at e o-orient din kita para di ka masyadong mahirapan."

Pumasok kami sa isang malaking glass door, at may dalawang cubicle doon at another door naman pero hindi na siya glass door kundi isang mamahaling pintoan. Exaggerated ba? E sa mukha talaga siyang mamahalin ehh..

"Ito ang magiging cubicle mo, at ito ang sa akin. Yang pinto na yan ang opisina ng big boss natin. Pero kapag andyan ang big boss natin kelangan mong umalis, ayaw niya kasing may ibang tao makakakita sa kanya."

"Po? Bakit naman po, paano po sya makaka punta dyan sa opisina niya kung hindi sya dadaan dito sa labas, at tsaka po madadaanan niya rin po yung ibang nag tatrabaho dito." Talaga naman ah, anong ibig niyang sabihin na ayaw niyang may makakakita sa kanya. Ano yun nagawa niya tong kompanyang ito ng hindi nakikipag usap o nakikipag halubilo sa ibang mga negosyante.

"Mahabang kwento basta gawin mo nalamang ang iyong trabaho. At kung gusto mong malaman kung saan siya dumadaan ng hindi nakikita ng mga empleyado dito, may personal na elevator dyan sa loob ng opisina ni boss at siya lamang ang pwedeng gumamit, kaya wagka ng magtanong kung ayaw mo mawalan ng trabaho."

"Ah, sige po." Yun nalang ang naisagot ko.. hello, kabagobago ko palang tapos mawawalan na agad ako ng trabaho dahil lamang sa pagiging chismosa ko..
At tsaka may mas malaking problema pa ako dyan, kaya d ko nalang papansinin ang aking gagawin ay gawing maayos ang aking trabaho para makapag ipon at matustusan ko ang kelangan ng aking pamilya.


Natapos ang aking kalahating araw sa pakikinig sa mga dapat at hindi ko dapat gawin dito sa kompanya. Grabe naman dito sobraaaaaaaang napaka pribado. Nag research ako tungkol sa kompyanang ito at kukunte lamang ang lumalabas, nakaka cu-curious na ako baka kung ano na ang napasukan ko. Nakakatakot!

Bumaba ako para kumain ng may narinig akong nag uusap, grabe ang chismosa ko talaga.

"Girl, mag ta-tatlong taon na ako dito pero hindi ko parin kilala yang big boss natin simula ng magka sakit si Sir Rico palagi nalang si Sir Nick ang ating nakikita. Ni minsan hindi ko nakita ang anak ni sir Rico, napaka mysteryoso masyado." Girl 1

"Oo nga eh, pero in fairness simula ng mapunta sa anak ni sir Rico itong kompanyang ito mas lumago at mas lumaki ang kompanyang ito. Ang galing no, naeemagine ko siguro kasing gwapo at kasing talino sya ni sir Rico. Nakaka excite naman, pag nakita ko sya jojowain ko agad kundi magpapa anak agad ako para sigurado. Hahahaha!" Girl 2

Ano bayan grabe naman tong mga babaeng to, parang hindi sila empleyado dito kung pantasyahan nila yung big boss namin. Pero di nga, wala ni isang nakakita sa kanya. Ang weird naman!



Pagkatapos kung kamain umakyat agad ako at nagpatulong kay Ms. Rita sa mga papelis. Hindi naman ako nahirapan dahil may background din ako sa ganitong trabaho, sobra pa nga eh. Pero.... aish! Wag nanga natin iyon isipin, nakaraan nalamang ang lahat ng yun.

Maagang natapos ang trabaho ko, hindi panaman busy sa kompanya kaya maaga akong nakauwi. Bago ako umuwi may dinaanan muna ako at binilhan ko sya ng paborito niyang dragon fruit. Gustong gusto niya kasi ito, halos araw araw ito ang kinakain niya kaya ito ang binili ko para sa kanya.

"Kumusta ka na? Ang sarap ng tulog mo ang ganda siguro ng panaginip mo. Napapaginipan mo siguro siya kaya ayaw mo nang gumising at bumangon diyan. May sasabihin ako sayo, may trabaho na ako first day ko kanina, ok lang naman ang unang araw ko hindi masyadong nakaka stress. Pero alam mo ang creepy lang dun, walang ni sino man ang nakakakilala sa boss namin. Hindi naman siguro lahat pero mostly walang may alam tungkol sa kanya, except nalamang na siya ang anak ng may ari talaga ng kompanya."

"Makakapag ipon na ako, may pang gastos na kami ni Andrie at saka mabibilhan na kita ng paborito mong maong na pants at polo shirt. Ang gwapo mo siguro pag sinout mo iyon."


Nag stay muna ako ng mga ilang oras pagkatapos, nung medyo madilim na umalis narin ako para umuwi. May nag hihintay pa sa akin sa bahay tyak magagalit nanaman iyon pag late na akong umuwi, ayaw na ayaw pa naman niya pag late akong nauuwi.




"Aalis na ako ha, wag mo masyadong mamiss itong kagandahan ko, babalik din ako rito. I love you..."

Loving You's So Hard..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon