Thanks God it's monday at may trabaho nanaman akong tatrabaho-en. Ang ganda ng pakiramdam ko ewan ko ba kung anong meron at parang may mangyayaring maganda ngayong araw na ito.
Ginawa ko muna ang morning routines ko, naligo, naghanda ng breakfast para sa love of my life ko na sa Andrie. Kung na cu-curious kayo kung sino si Andrie, siya lamang po ang aking napaka gwapong anak manang mana sa kanyang gwapong ama.
Opo tama po kayo may anak na ako, mag te-three years old na ang aking munting prinsepe. Siya nalamang ang natitirang tao sa buhay ko. Kaya handa akong gawin ang lahat para sa kanya at sa kinabukasan naming dalawa. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko, ikakamatay ko sigurado pag dumating ang araw na iyon.
Pagkatapos kung mag handa para sa breakfast naming dalawa pinuntahan ko na siya sa kwarto naming dalawa, hindi ko na kase siya ginising pagka gising ko kanena maaga pa kasi.
"Good morning sunshine, wake up my love. Handa na po ang breakfast niyo mahal na prinsepe" iminulat naman niya ang kanyang mata at parang nag adjust pa siya sa silaw ng araw galing sa labas ng bintana ng kwarto namin.
"Mama, gusto ko pang matulog" ang cute talaga ng batang ito, kung nandito lamang sya tyak na mapupuno ang pagmumukha nito ng halik. Yun ang way niyang panggising sa akin dati. Nakakamiss. -.-
"No baby, Mama will go to work na. Dapat maihatid na kita kay tita Carol mo" si Carol ang nag aalaga sa kanya pag may trabaho ako, kapit bahay ko lamang sya kasama niya sa bahay ang kanyang may sakit na ina. Naging malapit nadin sa kanila si Andrie at napapasaya ni Andrie si tita Carlein, mama ni Carol.
"Can't you go to work, mama? Gusto kong makasama ka ngayong buong arae" nakakaawa naman itong anak ko, simula ng nagka trabaho ako wala na akong halos oras sa kanya. Wala akong magagawa, solo parent lamang ako. Kelangan kong kumayod para sa kinabukasan niya, pag hindi ako mag ta-trabaho ano ang kakainin namin.
"I'm sorry beh, alam mo naman kelangan kong mag work para sa future mo, sa atin. Ano ang ipakakain ko dyan sa dragon mong tyan baby? So please, understand Mama's situation beh" kahit bata palamang siya open na ako sa ganitong bagay sa kanya, hindi naman sa pamamayabang matalino kasi itong batang ito, manang mana sa kanyang ama. Minsan nabibigla nalang ako na iba na ang lumalabas sa bibig niya, parang matanda kung umasta.
"Okay ma" yun nalang ang naisagot niya.
Pagkatapos namin inihatid ko na siya kila Carol.
"Ano palaging bilin ni mama?""Huwag matigas ang ulo, and always follow tita Carol"
"Good boy! Pakiss nga!" hinalikan na niya ako at tsaka siya pumasok sa bahay nila Carol, lumabas naman si Carol.
"Good morning Xzy, kumain kana?pumasok ka muna sa loob"
"Good morning Ca, huwag na male-late na kasi ako. Ika-musta mo nalang ako kay tita ha. Thank you Ca, bye"
Pagka pasok ko sa opisina parang ang busy ng mga tao. Nagkaka gulo, ni hindi ma permanente sa isang lugar, ang daming ginagawa. Anong meron ngayon? Naka salubong ko si Erma, isa sa mga naging kaibigan ko dito sa opisina, siya ang secretary ni sir Nick pero palaging wala si sir.
"Erma, anong meron at parang sobrang gulo ng mga tao?"
"Pupunta kasi dito si Mrs. Dela Viega, at guguluhin niya raw ang buong kompanya para lumabas na sa kanyang lungga si Boss"
"Huh? Bakit kaylangan pang guluhin ang kompanya para maipalabas niya ang kanyang anak?"
"Ewan, ito kase ang palaging ginagawa ni Madam kapag nagtatago sa kanya si Boss, ang hirap daw kasing mahanap nito kaya nakaugarian niya ng gamitin ang kompanya para sa kanyang anak, minsan nga nagtatanggal ng empleyado si Madam para maipalabas niya lang ang kanyang anak."
BINABASA MO ANG
Loving You's So Hard..
RomanceIto po ang first ever story ko, hindi po ako perpekto kung may mga typical or grammatical error pasensyahan niyo na po. Hope you'll like it guys. Enjoy!