III. Tuloyan na nga

23 0 0
                                    

"Kapag sawa ka na sa buhay ang tangi mo na lang magagawa ay ang bumuntong hininga.
Sa buhay hindi ka dapat nagdadahilan, 'di dapat magpaliwanag, dahil kahit anong paliwanag pa yan hindi rin nila tatanggapin."

Himalang nakapasok ako ng maag kahapon. Parang may isang milagrong nag-udyok sa'kin at itinulak ang aking mga paa't katawan para magawa ang daily routine ko. Nakasakay ako kaagad ng bus at nag-in na ako ng makarating sa trabaho. Tuwang-tuwa na sana ako kahit puro asar ang inabot ko aa mga katrabaho ko. Binalewala ko iyon 'pagkat ayokong sirain ang araw ko dahil lang sa asar at datapwat ay nginitian ko lang sila. "Minsan lang mga pre."

Pagkalipas ng dalawang oras ipinatawag ako ng manager namin.

"Shaw."pang-asar na tawag niya sakin. "Pumunta ka sa office mamaya after duty. Good luck ha?!" Malaman ang mga sinabi niya at para bang ang pakiramdam ko ng mga oras na yun ay "kaba", ngunit dahil sabi ko nga ayokong sirain ang araw ko hindi ko muna iyon inisip.

Pagkatapos ng duty ay agad ako nagtungo sa opisina. Nang umupo na ako sa harap ng opisina ng isang bago naming HR personele, na makikita mong wala pa sa kwarenta.

"Mr. Mendez," pormal na tawag niya sakin.

"Hmm. Mr. Mendez, I'll go straight. Ayokong magpaligoy-ligoy..." parang ganun na nga sinasabi niya ngayon ayawa raw magpaligoy-ligoy. Pss~

"....maganda sana ang performance mo pero dahil sa sa lagi mong pagkahuli sa trabaho ay nahahatak nito ang mataas na putos ng magagandang ipinapakita mo sa trabaho at sa mga kasama mo. Pasensya na Mr. Mendez heto ang mga papers, huling araw mo na ngayon sa trabaho." At sabay abot ng kanyang kamay na may malakandilang daliri. Sayang ang ganda pa naman niya pero sa pagkakataong ito ayokong makipagkamay. Unfair. Life is so unfair. Yan na lamang ang tangi kong nasabi sa sarili. Ilang saglit ko pang tinitigan ang mga papel na inabot niya, nangalay na rin ang kamay niya kaya't ibinaba na rin niya ito at bumalik sa trabaho.

"By the way Mr. Mendez, salamat sa pagiging parte ng kompanya. Sana makahanap ka ng panibagong mapapasukan." sambit niyang muli. Kung hindi lang 'to babae...nakuuuu pinatulan ko na 'to. Walang sabi-sabi akong umalis at marahang isinara ang pinto ng kanyang opisina. Hindi na rin ako tumawag sa warehouse para magpaalam sa kanila, tutal sigurado naman akong alam na nila na huling araw ko na ngayon. Panigurado yan.

Pag-gising ko ng umaga sakit ng ulo ang aking nadama. Sige alak pa at nang mayroon akong mapala.

"Pucha! Nagiging makata ako!" Napasigaw ako habang nailuwa ko ang mainit na kape na kasing pait ng kapalaran ko.

Dahil sa kawalang magawa, lumabas ako ng bahay at saka nag-jogging. Inikot ko muna ang buong subdivison namin bago ako pumaroon sa malapit na park sa'min. Imbes umupo ako sa mga bench doon sa park, sa damuhan ako namahinga nang mapagod ako sa kakatakbo. Ilang saglit pa'y humiga ako habang nakapatong ang ulo ko sa mga braso ko. Napatingin ako sa langit.

"Hayy!~ Marami namang magagandang bagay ang ibinuhos sa mundong 'to, siguro tulog ako nang naghagis ng swerte si Lord. Tulog pa more Shawn." bumuntong hininga ako at saka pumikit. Maaliwalas ang langit kahit pa'y ako ay nakapikit, dama ko ang katamtamang init ng araw at lamig ng hangin. Magpapasko na rin pala pero heto ako minalas at nawalan pa ng trabaho. "Ano ba naman yan Shawn?! Alam mo kung ano ang maganda sayo? Yung pangalan at mukha mo." Sabi ng konsensya ko habang nakapikit pa rin ako. Hindi ko namalayang tumatawa na pala ako.

"HAHAHAHAHA!!!"

"Mommy, mommy, look! Parang ewan yung Kuya oh! Tawa ng tawa." Napatayo ako nang may mga tao na palang nakatingin sa'kin. Sa hiya ko nagmadali akong umalis at nagpatingin-tingin sa relo na tila nagmamadali akong may hinahabol at nakalimutang appointment. "Ayy~ tang at milo, nakalimutan ko. Hehe! Pasensya na po. Masaya lang. /kunwaring masaya." Sabi ko habang patakbo na sa kanila at syempre hindi ko sinabi yung huling mga salita. Siguro iniisip nilang nababaliw na ako.

Pagkatapos ng masarap at epic kong pagdya-jogging umuwi na ako ng bahay. Sumalubong sa'kin ang di tumatahol kong aso na si Sonic.

Naghanda ako ng pagkain sa kusia, inuna ko saglit ang para kay Sonic at saka sinimulang gawin ang aking clubhouse sandwich.
"Aalagaan ko na lang sarili ko para may silbi pa ako sa mundong 'to, sayang gwapo kong face." (Owtor: Hayan ka na naman Shawn lakas ng hangin.) Wah pakels. (Bading!) Hindi ah?! Oo nga nakakabading pakinggan pero ganoon ko na lang siguro dapat pahalagahan ang natitira kong energy. Ang alagaan ang aking sarili. Nalulungkot na siguro si mommy sa nakikita niya ngayon. Sorry mommy namiss ko na kayo nila papa, at si Ate! Bakit kasi di ako sumama noon, edi sana magkakasama na tayo!

All rights reserved 2014

@airishujin

BucketlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon